Napalingon ako sa kaniya ng ‘di siya humagibis nang patakbo sa sasakyan. Marahan at puno ng pag-iingat ang kaniyang pagmamaneho hindi kagaya nang ginawa niya kagabi. “Hay salamat!” bulong ko sa hangin na ikinakunot ng kaniyang noo. “May sinasabi ka ba, Ms. Nava?” tanong niya sa’kin na sinimangutan ko naman. “Wala!” paismid kong tugon sabay harap sa may bintana upang doon sa labasan itutok ang aking paningin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako nang masilayan ang ngiti sa kaniyang labi nang madako ang tingin ko sa salamin. ‘Di ko binigyan pansin at wala akong interes alamin kung para saan ang ngiting iyon. Pagdating namin ng Losyl Academy ay agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan. Sa halip na bumukas ay lalo pa ngang nag-lock ang pinto. Matalim ang mga matang nilingon ko an

