Chapter 3

1529 คำ
Nagpapapadyak ang mga paa ko habang naglalakad patungo sa opisina ng masungit kong guro. Nakasambakol pa ang mukha ko dahil hindi bukal sa kalooban ko ang gagawin. Kung tutuusin nga parang ayoko nang magpatuloy sa pag-aaral dahil sa ginawa sa’kin ng impaktong guro na ‘yon. ‘Di ko alam kung pa’no ako nagawang kumbinsihin ni Nena na magtungo sa opisina ng ubod ng sungit kong guro, gayong naiinis talaga ako sa ugali ng lalaking iyon. Kung ako lamang ang masusunod, ‘di ko pupuntahan ang g*gong iyon para lang pakiusapan. “Ano naman kung gagawin namin ang seatwork?! Normal naman talagang gawin namin iyon ‘di ba bilang mga estudyante,” himutok ko sa sarili. Pinagbigyan ko lang talaga si Nena para wala siyang masabi lalo na’t nakikipisan lamang kami ni nanay sa bahay nilang mag-asawa. “Sana makatagpo rin ako ng kagaya ni Seb na bukod sa mabait na ay ubod pa ng gwapo,” kinikilig kong usal sa sariling isipan. Hinihingal akong sumapit sa ikalimang palapag. Ang sabi kasi ng mga kaklase ko ay narito raw sa may pinakadulong silid ang opisina ng impakto naming guro. “Kuh! Gwapo nga, nuknukan naman ng sungit!” nagngingitngit sa inis kong usal. Nanghahaba ang nguso ko habang patuloy sa paglalakad. Minumura ko sa isipan ang impakto naming guro upang makabawi sa pagiging antipatiko nito. Kaunti na lamang ang lalakarin ko at malapit ko nang marating ang opisina ng arogante kong guro. Nang mapatapat na ako sa pintuan ng opisina ni Sir Carlo ay kumatok pa muna ako ng tatlong beses. Wala akong narinig na sumagot mula sa loob kaya muli kong inulit ang pagkatok. May ilan minuto na rin akong nakatayo sa tapat ng pintuan ngunit wala pa rin nagbukas sa akin. “Bw*sit talaga ang lalaking iyon. VIP na VIP lang ang peg. Naturingang guro pero walang manners. Hindi man lang pagbuksan ang nangangatok,” inis kong bulong sa hangin sabay hawak sa may doorknob upang pihitin iyon. Bumukas ang pintuan at napakamot ako sa ulo dahil wala nga talagang tao sa loob. Madilim at walang akong maaninag doon na kahit ano. “Badtrip!” inis kong bulalas sabay sipa sa pinto. Marahas akong napabuga ng hangin sa kawalan dahil nakatitiyak akong magagalit sa’kin ang mga kaklase ko. “Kapag minamalas ka nga naman!” dismayado kong anas. Dahil wala rin naman akong napala sa pagpunta rito, naisipan ko na lamang bumalik sa aming silid aralan. Isasara ko na sana ang pintuan nang makarinig ako ng mahinang ungol mula sa maliit na pintong nakapinid. “Ano iyon?” tanong ko sa sarili. Sunod kong narinig ang malakas na pagbagsak ng kung ano mula sa loob. “May multo ba rito?” muli kong tanong na tanging ako lamang ang nakaririnig. Nagdadalawang isip akong lumapit sa pintuang nakapinid dahil sa takot na baka may multo nga sa lugar na ‘to. Ngunit nabubuhay ang kuryosidad sa katawan ko upang alamin ang totoong dahilan ng ingay na naririnig mula roon. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay buong pwersa kong pinihit pabukas ang doorknob at ganoon na lamang ang pagkatulala ko sa nasilayan. Nakahubong katawan ni Carlo ang napagbuksan ko habang hawak nito ang isang box na tila iyon pa yata ang naririnig kong nahulog kanina. “What are you doing here?!” dumadagundong na tinig ni Carlo ang bumingi sa magkabilaang tainga ko nang sumigaw siya. Mapanganib ang ipinupukol niyang tingin sa’kin nang humakbang siya papalapit sa kinatatayuan ko. Bigla akong nakadama ng takot kaya tarantang humakbang paatras ang aking mga paa dahilan para mapatid ako. Napapikit na lamang ako ng mga mata ko sa paghihintay ng aking pagbagsak at sa pag-aakalang tuluyan na akong sasaluhin ng sahig. Naramdaman ko ang matigas na bisig na sumalo sa’king katawan at ‘di ko malaman kung bakit may libo-libong boltahe ng kuryente ang tumutulay sa likuran ko na nagdudulot ng ibayong kiliti sa buo kong pagkatao. Napasinghap ako nang malanghap ang mabangong amoy ng sabon na nagmumula sa taong nakalingkis ang braso sa aking katawan. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi nang malasahan ang tubig na pumatak doon. Kaytamis ng lasa at walang halong anumang chemical na maaaring magdulot nang pagkalason sa’kin. “What are you doing here?” Nagising ang diwa ko mula sa pagkahibang nang marinig ang matigas na tinig ni Carlo. “W-wala akong nakita.” Nagkandautal pa ako nang sabihin ang mga salitang iyon. Inipon ko ang lahat ng lakas sa aking kamay saka buong pwersa ko siyang itinulak sa dibdib upang makalayo mula sa kaniyang katawan. “So what are you doing here?” Dinaig pa niya ako sa pagtikwas ng kaniyang kilay. “Are you done with your seatwork?” Bigla ko tuloy naalala ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon sa kaniyang harapan. Tumayo ako ng tuwid saka buong tapang kong sinalubong ang kaniyang mga titig. “Sir baka pwedeng bawiin mo na po ang ipinagagawa mong seatwork.” “Hindi ako bumabawi ng salita lalo na sa mga estudyante ko,” matigas niyang turan. “Pero binigay mo lang naman po iyon dahil sa’kin,” pagdadahilan ko pa sa kaniya. “As a student, it's your obligation to do whatever activity I give. Hindi ko iyon kinakailangang i-explain o ihingi ng permiso mula sa inyo,” mariin niyang pahayag at medyo nasapul ako. Oo nga naman, kung tutuusin talaga ay wala siyang dapat na ihingi sa’min ng permiso kung kailan niya kami dapat bigyan ng seatwork. Kami pa nga ang dapat na laging handa sa pagsagot sa mga activity na gusto niyang ipagawa. “Imbes na ubusin mo ang iyong oras sa pagtanga sa’kin dito, bumalik ka na sa loob ng silid-aralan at gawin ang ipinagagawa kong seatwork. You have one hour left to finish that activity, and I hope kayanin mo ngang tapusin ito gayong unang araw mo pa lamang sa klase ngayon.” Nagpanting ang tainga ko sa kaniyang sinabi at walang anumang salita na dinamba ko siya dahilan para mawala ang kaniyang balanse. Napahiga siya sa sahig at ginawa ko naman iyong pagkakataon upang upuan siya. “F*ck!” matigas niyang mura ngunit ‘di ko binigyan pansin. Mas binigyan pansin ko pa ang paghawak sa basa niyang buhok at doo’y sumambunot ako ng husto. “Kanina pa ako nabubwisit sa’yo sa loob ng classroom. Ang dami-dami mong sinasabi laban sa’kin, akala mo ikaw ang nagpapakain sa akin. Para sa kaalaman mo, kung ‘di ko lamang inaalala ang pinsan kong si Nena at ang asawa niyang si Seb, kanina pa ako umalis sa eskwelahang ito. Hindi ko gustong mag-aral sa lugar na puno ng bully lalo na’t guro ko pa yata ang pinuno ng mga ‘to,” puno nang panggigigil kong bulalas habang patuloy ang mga kamay ko sa pagsabunot sa kaniyang buhok. Namalayan ko na lamang ang pag-agos ng mainit na likido sa aking pisngi. Hindi ko na nakontrol pa ang sariling emosyon kung kaya tuluyan akong sumabog. Nang mahimasmasan ay agad ko rin inalis ang mga kamay ko mula sa basa niyang buhok. Malakas akong napatili nang tumayo siya mula sa pagkakahiga. Mahigpit kong iniyakap ang mga braso ko sa kaniyang leeg sa pag-iisip na baka bigla na lamang niya akong ibalibag. Nakahinga naman ako kahit pa'no ng ‘di niya ako ibinalibag o inihagis. Pero may kakaiba akong naramdaman sa kaniyang katawan partikular na sa may bandang puson niya. “Okay.” Ibinaling ko ang mukha ko sa kaniya nang magsalita siya. Kung tutuusin ay kalong-kalong na niya ako sa ayos naming dalawa. ‘Di ko lang alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan dahil ‘di ko na siya pinagkaabalahan pang tingnan. “Babawiin ko ang seatwork ninyo just for today.” Matamis akong ngumiti nang marinig ang kaniyang sinabi. “Thank you.” Bukal sa kalooban kong pasasalamat sa kaniya. “Don’t thank me dahil may kapalit ang hinihiling mo.” “Anong kapalit?” mataray kong tanong sa kaniya dahil muling nabuhay ang inis ko. “Ilalakad mo ako kay Nena.” Muntik nang malaglag ang panga ko sa narinig na sinabi niya. Natulala pa ako na animo’y sinabugan lamang ng bomba sa aking harapan. “Let’s have a deal. If you agree then the seatwork is postponed for today,” nakangisi pa niyang sabi. Literal na gwapo sana siya pero sa mga sandaling ito ang tingin ko kay Carlo ay isa ng uri ng elementong may dalawang sungay na nakakabit sa kaniyang noo. “Deal or no deal?” tanong niya sa’kin na sinabayan pa nang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. “Lord, patawarin Mo po sana ako sa aking gagawin.” Matapos kong manalangin, nagpakawala ako ng malakas na suntok sa kaniyang mukha. “My face!” malakas niyang hiyaw sabay binitiwan ako habang namimilipit na hinahawakan naman ang kaniyang mukha. “Iyan ang nababagay sa iyong tarantado ka!” sigaw ko sa kaniya sabay mabilis na tumakbo paalis sa lugar na iyon. Narinig ko ang malakas niyang pagsigaw buhat sa loob ng kaniyang opisina. Hindi ko binigyan pansin at dumiretso na ako pabalik sa aming silid-aralan kung saan naghihintay ang pinsan kong si Nena.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม