Chapter 4

1153 คำ
Humahangos na pumasok ako sa loob ng silid-aralan saka hinila sa braso si Nena. “Linda, anong nangyari sa’yo at para kang hinahabol ng sampung kabayo?” maang na tanong sa'kin ng pinsan. “Kuh, hindi kabayo ang humahabol sa’kin. Impaktong guro kamo! Kaya halika nang umalis sa lugar na ‘to.” Muli ko siyang hinila sa braso upang tuluyang tumayo mula sa pagkakaupo. “Pero hindi pa tapos ang klase natin,” dahilan naman ni Nena. “Palagay ko Nelia, bigo ang pinsan mong pakiusapan si Sir Carlo,” sabad ng baklang bigla na lamang sumulpot sa harapan namin ni Nena. “Palagay ko rin nga.” Sang-ayon naman ni Nena. Muli pa sanang magsasalita ang bakla ng biglang pumasok mula sa pintuan si Sir Carlo. Matalim ang mga matang ipinupukol sa akin nito habang sapo-sapo ang kaniyang ilong na pakiwari ko ay napuruhan ng kamao ko. Mabilis akong nagtago sa likuran ni Nena sa takot na muling puntiryahin ng impaktong si Carlo. “All of you, do your seatwork at home and pass it to me on next week. H’wag na kayong pumasok sa klase ko kung hindi niyo pa rin iyan nagagawa. ‘Di tayo naglolokohan dito at may mga isip na rin kayo para muling makiusap for another time extension. This is your last chance and no more but’s!” mariin niyang sabi. Malakas na nagpalakpakan ang mga kaklase ko saka binati ako upang pasalamatan. Hindi ko magawang tumugon o ngumiti sa kanila dahil sa awkward ng feeling. Sino naman ‘di maiilang sa pailalim na tingin sa’kin ng impakto kong guro. Kulang na lang hubaran ako nito sa paraan nang pagkakatitig niya. Biglang nag-init ang pakiramdam ko sa naisip. Baka nga hinuhubaran na ako nito sa kaniyang isipan. Sinalubong ko ang pailalim na tingin sa’kin ni Carlo saka matalim na inirapan ko siya. “All of you...” dumagundong ang tinig ni Carlo sa apat na sulok ng silid-aralan. “Leave!” Umugong ang malakas na ingay mula sa aking mga kaklase at mabilis na nagpulasan paalis. Hinila ko na si Nena upang makaalis na rin sa lugar na ‘to at feeling ko ay nililiyaban ang pakiramdam ko dahil sa talim ng mga matang nakatitig sa akin na alam kong nanggagaling sa impakto kong guro. Nasa pintuan na kami ni Nena nang tawagin ng impakto naming prof na si Carlo. “Ms. Nava, what’s the name of your cousin again?” Pumihit ako paharap sa kaniya at ako na mismo ang kusang nagpakilala sa aking sarili. “My name is Linda Nava, and I am single unlike my cousin Nena because she’s already taken by Seb. Anumang halaga ang magastos mo sa pagsaayos ng iyong ilong, singilin mo na lamang sa’kin. Pakibigyan mo ako ng resibo para siguradong hindi mo ako dinaya dahil uutangin ko lang din ang pambayad sa'yo,” diretsahang pahayag ko na siyang nagpatanga sa kaniya. Lumapit ako kay Nena upang sa kaniya naman bumulong. “Pautangin mo ako ha. Mukhang napitpit ko kasi ng husto ang ilong niya.” Malakas na pagsinghap lamang nito ang naging tugon niya sa akin. Tila ‘di makapaniwala sa aking nagawa dahil muli siyang bumaling ng tingin sa mukha ni Carlo. Matalim na irap ang muling ipinukol ko sa impakto naming guro na walang ibang nasabi kundi ang tumitig na lamang sa’kin. Mabilis kong hinatak si Nena sa kamay nang makita kong tumayo si Carlo mula sa kaniyang upuan sa may lamesa. “Takbo!” sigaw ko sa nagulat na si Nena habang walang humpay naman ako sa paghila sa kaniyang kamay. Nakitakbo naman siya kung kaya pareho kaming hinihingal na nakarating sa may quadrangle. “Grabe ka!” hinihingal na anas ni Nena sabay hampas sa aking braso. “Aray naman!” nakaingos kong reklamo sa pinsan. “Ano bang ginawa mo kay Sir Carlo at ganiyan na lang ang takot mong lapitan niya?” tanong sa’kin ni Nena na nagpaypay pa ng kaniyang sarili gamit ang mga kamay niya. “G*go kasi siya! Papayag din naman pala, gusto pang makipag-deal sa'kin. E ‘di pinatikim ko nga ng sapak para matauhan,” tugon ko sa kaniya. Naiiling na lumapit sa'kin si Nena saka hinawakan ang mga kamay ko at tiningnan iyon. “Anong ginagawa mo?” maang kong tanong sa kaniya. “Tinitingnan ko lang kung may sugat. Mainam nang maipagamot agad at baka ma-infect ka pa ni Sir Carlo,” natatawa niyang sabi. Natawa rin ako sa sinabi niya kaya pinisil ko siya sa kaniyang pisngi. “Ang cute mo talaga, Nena!” “Parehas kaya tayong cute!” paismid niyang turan. Inalis ko ang mga kamay ko sa pisngi niya saka matamang tinitigan ko siya sa mukha. Masasabi kong mapalad ang pinsan dahil sa tagal ng panahon na kaniyang tiniis ang paghihirap ay nakamit din niya ang swerte sa buhay. Nagkaroon siya ng mapagmahal na asawa pati na rin mga cute na anak. Biniyayaan din siya ng panibagong pamilyang tinanggap siya sa kung sino at ano ang kaniyang pagkatao. Minsan nga naisip ko, kung pumayag lang siguro akong maging escort noon panahon na inaalok sa’kin iyon ni nanay, malamang ganito na rin ang buhay ko kay Nena sa ngayon. Hindi ko kayang maging escort. Ni hindi ko nga kayang madikit sa kahit na kaninong lalaki. Nandidiri ako at mayroon na akong trauma. Kahit pa mabait sila sa'kin, laging naglalagay ako ng distansya sa pagitan namin. Ito ang bunga ng kagaguhang idinulot sa akin ng hayop kong ama-amahan. Hindi niya ako ganap na nakuha dahil sa nanlaban ako, ngunit naroon na sa puso at isipan ko ang pandidiring madikit sa kahit na kaninong lalaki. Kaya nga ayoko ng mag-asawa pa kung ‘di lang din naman kagaya ni Seb na matino. “Masyadong malalim iyang iniisip mo. Huwag mong dibdibin masyado ang mga sinabi sa’yo ni si Sir Carlo at baka sa susunod na araw ay wala na ang toyo niyon sa ulo,” tinig ni Nena ang pumukaw sa aking pag-iisip. Tipid na ngumiti ako saka yumakap sa kaniyang baywang upang maglambing. “You’re an angel to us. Kung wala ka, malamang nasa kalsada na kami ni nanay nakatira. Masaya akong makita kang natagpuan mo ang swerte sa iyong buhay. Pangangalagaan ko kayo bilang kapamilya at bilang kapalit ng lahat ng mga naitulong ninyo sa'min,” naluluhang usal ko. “Uy!” Mahinang tinampal ako ni Nena sa aking braso. “Anong sinasabi mo? Wala namang kapalit ang lahat nang binigay namin sa inyo ni Tiya Melba.” Napangiti ako saka naglalambing na mas hinigpitan ang pagyakap ko sa kaniya. “Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Linda. Kayo lang ni Tiya Melba ang pamilya ko kaya kayo rin ang gusto kong makasama hanggang sa ating pagtanda.” Masuyong humimas ang kaniyang palad sa aking braso. Hindi ko naiwasang mapaluha dahil pakiwari ko’y nakatagpo ako ng taong uunawa sa’kin sa mga sandaling ito.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม