Chapter 5

1503 คำ
“What happen to your face?” tanong sa’kin ni Simona nang makapasok sa loob ng silid-aralan. “Kagagawan ng bagong estudyante,” nagngingitngit sa inis kong bulalas. Kung ‘di lang katabi ni Linda si Nena, malamang napitpit ko siya sa pader. Hindi lang pitpit ang gagawin ko sa kaniya dahil sisiguruhin kong hindi na siya makakakilos pa. “Tsk! Dapat talaga sa’yo hanapan na ng girlfriend. Masyado kang nahihilig sa pakikipag-away lately,” naiiling na wika ng aking kakambal. “I found her.” Muli kong naisip ang mala-anghel na mukha ni Nena. “Really? Where?” excited na sabi ni Simona. “She's one of my student in class.” Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng aking kakambal saka pinaulanan ako ng matalim na irap. “Malala ka na talaga!” sambit pa nito. Malakas na halakhak lamang ang itinugon ko sa kaniyang sinabi saka naiiling na tumayo mula sa pagkakaupo. “Let's go!” aya ko kay Simona upang sabay na kaming umuwi. Inalalayan ko siya hanggang sa aking sasakyan. Matapos maisuot ang aming mga seatbelt, binuhay ko na ang makina. “Dating gawi?” nakangiting tanong ko sa kakambal. “Oo ba!” game na game niyang tugon sa'kin. Pinaharurot ko na ang sasakyan at walang pakialam na binilisan ang pagpapatakbo sa gitna ng kalsada. Ito ang madalas naming gawin ni Simona kapag nasa abroad kaming dalawa. Palibasa’y malaya kami mula sa mga mata nina mommy at daddy kung kaya ginagawa namin ang aming naisin. Malaya kami ni Simona sa lahat ng gusto naming gawin dahil ang alam ng mga magulang namin ay matino kaming magkasama sa isa't isa. Well, matino naman... Iyon ay kapag nasa sariling katinuan kaming magkapatid. Kapag kami lang ni Simona ang magkasama, madalas na puro kalokohan lamang ang aming ginagawa. Bar dito, bar doon. Iyan ang madalas na kaganapan sa aming buhay. Minsan nga ay nagdududa na rin sa amin si daddy, pero hindi magawang makapagbitaw ng salita dahil alam niyang magagalit si mommy. Noong maliit pa lamang kami ay naghiwalay na silang dalawa at nauwi sa pananakit na hindi naman sinasadyang gawin ni daddy. Sa labis na pagmamahal ni daddy kay mommy, nakalimutan niyang itanong ang totoong saloobin nito. Ang inaakala niyang wala ng pag-asang pagmamahal mula sa’king ina ay higit pa pala sa kaniyang inaakala. Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng bahay. Mabilis na bumaba si Simona upang salubungin ng halik at yakap ang aming ina. Ang ina naming punong-puno ng pagmamahal at siyang nakikita ko mula kay Nena. Napabuga ako ng malalim na buntonghininga nang maisip ang babaeng nagpapatibok sa’king puso. Napakaswerte talaga ni Seb Dela Cruz at siya ang napiling maging asawa ni Nena. Sana ako na lang ang unang nakilala niya! “Bakit parang may kakaiba sa mukha ng anak ko?” malambing na tanong sa’kin ni mommy na nasa harapan ko na pala. “Mommy sinapak siya ng estudyante niya,” agad na sumbong ni Simona sa aming ina. “What?! Sinong estudyante at nang mabigyan ng disciplinary action. Ikaw kaya ang guro, kaya hindi ka dapat nila binabastos.” May galit akong nahimigan sa boses ni mommy. “Hayaan na natin Mommy, kasalanan ko rin naman," tugon ko sa ina. Totoo namang kasalanan ko rin dahil hindi ko chineck muna ang status ng klaseng pinasukan ko. Dati-rati kasi bago ako pumasok sa loob ng silid-aralan ay binabasa ko muna ang note sa ibabaw ng aking lamesa. Hindi ko na iyon ginawa pa kanina dahil sa pagmamadaling masilayan si Nena. “Halika na sa loob at nang magamot iyan. Sa susunod, huwag kang pumayag na apihin ng estudyante mo,” pangaral sa'kin ni mommy. “Kahit po babae ang may gawa sa kaniya niyan mommy?” mapang-asar na tanong ni Simona sa aming ina. Pinanliitan ko siya ng mga mata ko na tinugon niya lamang nang pambebelat. “Babae ang may gawa sa'yo niyan?” manghang tanong sa’kin ni mommy. Wala na akong choice kung hindi ang tumango na lamang sa tanong ng aking ina. Kapag hindi ko pa sinabi sa kaniya ang totoo ay baka sumugod siya sa klase sa susunod na araw. Nakakahiya! “Palagay ko po si Carlo naman ang may kasalanan kung bakit siya sinapak ng kaniyang estudyante,” humahagikhik na saad ni Simona. “Simona!” May pagbabanta kong tawag sa pangalan ng kakambal. Tila balewala naman sa kaniya ang galit kong pagsaway dahil lalo pa nga siyang nagpatuloy. “Alam mo bang may nagugustuhang babae si Carlo sa school, Mommy?” “Talaga?” patanong na tugon naman ni mommy. “Simona!” galit ko ng tawag sa kapatid. Hindi ako pinansin ni Simona at nagpatuloy lamang siya sa kaniyang pananalita. “Kanina narinig kong sinabi niya sa estudyanteng sumapak sa kaniya na ilakad siya kay Nena. Matapos niyang sabihin iyon bigla siyang sinapak ng babaeng estudyante niya.” “Babae?” Sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ng aking ama. “Yes, Daddy! Babae ang sumapak kay Carlo,” namimilipit sa katatawang sagot ni Simona sa aming ama. “You!” inis kong hinaklit ang buhok ng aking kakambal dahilan para mapangiwi ang kaniyang mukha. “Oh my, God!” pasinghap na bulalas ni mommy. “Enough, Carlo!” matigas na saway sa’kin ni daddy. Naiinis na binitiwan ko ang buhok ni Simona. Hindi naman iyon ganoon kapwersado kaya alam kong hindi iyon masakit. “Daddy, Carlo hurt me.” Lumapit si Simona sa aming ama upang yumakap at magsumbong. “Humingi ka ng sorry sa kapatid mo, Carlo!” pagalit na utos sa’kin ni daddy. “Hindi ko siya sinaktan, Dad. Ni hindi nga nagulo ang buhok niya sa ginawa kong pagsabunot,” pagdadahilan ko naman sa ama. “Still, you hurt your sister.” Hindi nagpapatalo sa kaniyang pagsagot ang aking ama. Nagpalitan pa muna kami ng tinginan at saka napapabuntonghiningang lumapit ako sa kanila ni Simona. “Sorry...” hinging paumanhin ko kay Simona at masuyong inabot ang kamay niya. Nakita ko ang mapang-asar na ngiti sa labi ng aking kakambal kasabay nang pasimpleng pagdila niya sa’kin. “Mommy, tingnan mo si Simona. Inaasar talaga ako!” sumbong ko sa ina. “Puro talaga kayo kaharutan.” Pinong kinurot ako ni mommy sa tagilirang bahagi ng aking katawan dahilan para mapangiwi ang mukha ko. “Simona, I heard what you’ve said. Linawin mo nga at baka mam’ya ay gawa-gawa mo lamang iyan upang asarin si Carlo,” ani naman ni Daddy kay Simona. “It’s true! Inalam ko nga kung sino si Nena, and I found out that she's one of our students at Losyl Academy,” mabilis na tugon ni Simona. “Well...” Tinapik ako ni daddy sa'king balikat. “Agapan mo nang ligawan kung gayon.” Napangiti ako sa sinabi ng aking ama. Ito naman talaga ang plano kong gawin. Humahanap lang ako ng tiyempo kung pa'no at kailan. “But, she's married!” natitilihang bulalas ni Simona. “Married?” kunot-noong tanong ni mommy. “Yes, Mommy! Nelia aka Nena Nava is a beautiful girl whom crush by Carlo. She has a twin kids and at the same time a loving wife of Seb Dela Cruz.” Patuloy na kwento ni Simona. Nakukunsuming isinapo ko ang palad sa’king noo. “Kahit kailan ka talaga Simona, kontrabida ka sa buhay ko!” Puno ng hinanakit kong bulalas saka pinalungkot ang hilatsa ng aking mukha upang makonsensiya siya kahit pa'no. “Find another girl, Carlo. Huwag mong sayangin ang iyong panahon sa isang babaeng alam mong simula pa lamang ay hindi na sa’yo!” matigas na wika ni daddy. “They are not married kaya may pag-asa pa akong mapili niya,” puno ng kumpiyansa sa sariling tugon ko sa ama. “How did you say that?” nakataas kilay na tanong sa’kin ni mommy. “Your sister says, Nena is married to Seb Dela Cruz.” “Wala silang suot na couple ring, Mommy.” “Hindi lahat ng mga nagpakasal ay nagsusuot ng wedding ring. It's just an instrument, but the real love is in between the couple. Iyan ang lagi mong pakatandaan!” mariing wika ni mommy. “Hindi ka namin pipigilan magmahal, ngunit huwag mo sanang kalimutan na may excemption tayo when it comes in love. Ayokong may masisira tayong pamilya dahil lamang sa ating pansariling nais!” Malakas na ibinagsak ni Daddy ang kaniyang palad sa ibabaw ng aking balikat. “Huwag mo nang gayahin pa ang ginawa ko sa mommy mo noon. Mas masarap pa rin mahalin ng totoo ng taong mahal mo.” “But, Dad!” “Pag-isipan mong maigi ang mga sinabi ko, Carlo. Matatanda ka na at alam kong matalino ka kagaya rin ng iba mo pang mga kapatid,” makahulugang wika ni daddy sabay alis sa aking harapan. Ilan sandali pa muna akong tinitigan ni mommy saka naiiling na inihaplos ng kaniyang palad sa aking pisngi bago siya tuluyang sumunod kay daddy. Naiwanan akong nag-iisa at nag-iisip sa kanilang mga sinabi.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม