First day in Bulacan Nang dahil sa gabing iyon ay mayroon na namang bagong pang asar sa akin si Kurt. Nakakainis, gusto ko lang naman na buhatin nila ako hanggang sa malambot kong kama e. Mabuti na lang at hindi niya iyon ipinagsabi sa iba pa naming mga kaibihan lalong lalo na kay Kian na paniguradong tutuksuhin na naman ako. After ng chill na weekends ay hinarap naman namin ang hell week sa school. Kailangang maipasa ang mga projects at magawa ang mga activities bago ang sembreak. Pero siyempre dahil huwarang estudyante naman ako ay na-kumpleto ko naman ang mga requirements na hinihingi sa amin. I am a role model student, indeed. Pwe! "Kila ihanda mo na yung mga gamit mo. Uuwi tayo sa Bulacan sa sabado." sabi ni mama habang kumakain kami ng dinner See? Alam ko namang uuwi kami e. T

