bc

Something I Found In La Cuervo

book_age16+
217
ติดตาม
1K
อ่าน
ข่มขี่
มั่นใจ
นักเรียน
straight
มัธยมปลาย
ทรยศหักหลัง
จากศัตรูกลายเป็นคู่รัก
ความลับ
มัธยมปลาย
like
intro-logo
คำนิยม

May mga alaala tayong pilit kinakalimutan, may lugar na ayaw balikan, at may mga taong hindi na natin gustong makita pa.

Noong lumipat sa La Cuervo ang pamilya ni Kila akala niya ay dito na magsisimula ang kaniyang paglimot at paghilom. Nakatagpo siya ng mga bagong kaibigan, mga bagong taong magbibigay saya sa mundo niya.

Bukod sa kanila ay makakatagpo niya rin si Jix, ang lonelyman na hindi marunong ngumiti at walang buhay ang mga mata. Ang lalaki na tila may matayog na pader patungo sa kaniyang pagkatao, pader na sisikaping mapasok ni Kila.

Ngunit ang pagngiti at kislap sa mga mata ni Jix na matagal hinintay ni Kila ay magiging dahilan pala upang kamuhian siya ng dalaga.

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
Prologue
Agad sumilay ang mga ngiti sa labi ko noong makita ko na ang aming destinasyon. Isang dagat. Napasulyap sa akin si Jix at saka nag smirk dahil sa nakitang reaksiyon ko. Huminto siya few feet away from the seaside. Bago bumaba ay hinubad ko muna ang sapatos ko, nakakarelax kasi ang pakiramdam ng buhangin sa talampakan. Iniwanan ko ito at saka nagtungo sa dagat para mabasa ng mainit init na tubig ang mga paa ko. Hindi ko talaga alam kung bakit inlove ako sa dagat. "Tsk!" usal nito, nasa likuran ko na pala siya "Dapat sinabi mong sa dagat tayo pupunta, para sana nakapagdala ako ng pangbasa." sinimangutan ko pa ito, "Teka, bakit mo nga pala ako dinala rito? Wala ka naman sigurong plano na lunurin ako diba?" Nag smirk na naman ito. "Nope. But that was a great idea." Malakas ko siyang hinampas sa braso, pakialam ko kung masakit iyon. "Excuse me, magaling akong lumangoy laking ilog yata ako 'no." pagmamayabang ko pa Noong edad sampu kasi ako ay tumatakas ako sa bahay para maligo sa ilog, kaya galit na galit sa akin si mama. May linta raw doon. Muli ko siyang binalingan. "Di mo pa ako sinasagot, bakit mo nga ako dinala rito?" Napabuntong hininga pa ito. "Tinanong ba kita kung bakit mo ako palaging sinasama sa lakad mo sa Bulacan?" balik na tanong niya. Natameme tuloy ako, bakit ba kasi? "Fine! Bahala ka riyan." inis na sambit ko at muling nilaro ang buhangin sa aking mga paa. Nilingon ko ito at mukhang pinapanood niya ako. Nilapitan ko siya. "Tara, magtapak ka rin nakakakiliti kaya sa paa." sabi ko pa at hinawakan siya sa braso. Mabilis nitong binawi ang braso niya. "Bilis na kasi.." hinila hila ko pa ito. Nagmamatigas talaga siya. Nakakainis "We're here for the sunset, not for the sand." masungit na saad niya Napatulis na lang ang nguso ko. Hinila na ako nito pabalik sa kotse tapos ay may kinuha siya sa loob, can of sodas. "Here." mustra niya sa trunk ng kotse Lumapit naman ako tapos ay nag abot siya ng soda sa akin. Naupo ito sa trunk kaya sumunod na rin ako. Nakaharap kami sa dagat habang hinihintay ang paglubog ng araw. Diba sa mga romantic movie lang 'to? Ew naman itong bwisit pa ang kasama ko. Tsk "Kantahan mo kaya ako." Napabaling ito sa akin, "Yung kinanta mo sa garden." Parang bigla namang nag apoy ang mata niya. "Para kanino ba kas–" "Stop it!" singhal niya Napa-smirk ako. "Ikaw ba ang unang lalaki na iniwan ng girlfriend?" tanong ko pa. Agad namang nagngalit ang panga nito. "Hindi ko minamaliit ang pinagdadaanan mo, pero sana naman wag mong gawing dahilan yun para itulak palayo ang mga taong nagmamalasakit sa 'yo. Wag mong hintayin na mapagod sila sa 'yo." mahabang litanya ko. Ewan ko ba at bigla kong nasambit ang mga bagay na iyon. Napawi ang tila inis na expression niya at naging blangko. Bigla itong napaiwas ng tingin sa akin. Bakit ko ba kasi sinasabi ang mga bagay na iyon? Mukhang galit na naman tuloy siya sa akin, well kailan ba hindi? "Are you one of them?" walang tingin na tanong niya "Huh?!" takang tanong ko sabay tingin sa kaniya Muli siyang tumingin sa akin saka ako tinitigan sa mga mata. Iyong titig na tagos sa kaluluwa ko. "Isa ka ba sa mga taong nagmamalasakit sa akin?" seryosong tanong nito Bumitaw ako sa mga titig niya. "O-Oo. P-Pero wala namang espesyal dun. Mabait lang talaga ako, anghel kasi ako sa lupa." Tumawa pa ako ng pilit. Ang seryoso naman kasi niya. "Why? Why do you care? Because you pity me?" Ang seryoso niya parin. Parang hindi ko na kilala ang Jix sa harap ko, bakit parang ang emotional niya ngayon. Pero sige na nga pagbibigyan ko na siya. Muli ko siyang hinarap. "Kasi hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila sa iyo. Lalo na noong unti unti kitang nakikilala, alam kong mabuti kang tao." Blangko parin ang emosyon sa mata ni Jix. Ang hirap niya talagang maunawan. "Hindi ako naniniwala sa 'yo." aniya at nag iwas ng tingin Wow! Matapos akong isalang sa hot seat, ang ending din pala ay hindi siya maniniwala. Hinampas ko ulit siya sa braso, nagulat naman ito at napakunot ang noo sa akin. "Yan, yan ang problema sa 'yo e. Sarado ang isip at puso mo kaya hindi mo nakikita ang mga taong nagmamalasakit sa 'yo. Masiyado mo ng inabsorb yung mga sinasabi nila, kaya kahit ikaw sa sarili mo iyon na rin ang paniniwala mo diba?" Gusto ko tuloy siyang iuntog ng matauhan na siya. Nakakainis. "Jix, lahat ng tao dumanas ng panghuhusga pero ikaw lang ang open and wide arms na tinanggap at niyakap ang mga maling puna sa 'yo. Sa halip na ipakitang mali sila, kabaliktaran nun ang ginawa mo." mahabang sabi ko pa Mukhang hindi naman siya nagagalit sa mga sinasabi ko. Pero ang tanong, naiintindihan niya ba? O pasok sa isang tenga at labas sa kabila lang ang nangyayari. "How can I prove they're wrong, kung mismong magulang ko hindi ako pinaniwalaan." Nagpakawala pa siya ng buntong hininga saka bahagyang ngumiti. Isang genuine ngunit punong puno ng hinanakit na ngiti. That was the very first genuine smile na nakita ko. Pero bakit tila ang sakit ng ngiting iyon? "Jix–" "Shhhh, the sun is setting." Nanahimik na lang ako at tumanaw sa lumulubog na araw. Kasabay ng naglalahong kulay kahel na liwanag ay ang tila pagsikat naman ng matinding kalungkutan sa paligid. Tanging pag alon lamang ng dagat ang naririnig ko, ang bigat sa dibdib. Tila ay nahawa na sa lungkot ni Jix ang aming paligid. Mukhang mayroon nga talagang mas malalim na dahilan kung bakit ganoon na lang kabato ang puso niya. Tinitigan ko pa ang mukha niya, sayang naman ngiting nakita ko. Ngayon lamang siya ngumiti ng totoo pero napakapait pa nun.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.3K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
596.5K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.8K

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook