The beginning
Napabalikwas ako sa pagkakahiga noong tumunog ang alarm ng cellphone sa aking side table. Pupungas pungas pa akong nag unat ng kamay saka nagkapakawala ng mahabang paghikab bago tuluyang tumayo at tamad na pumunta sa bathroom. Sinimulan ko na ang pag toothbrush at pagligo na magiging morning routine ko na. Pagkatapos ay nagtuyo muna ako ng buhok saka nagsuot ng uniporme, kulay puting long sleeve at checkered red na vest, mini skirt, at siyempre ang necktie.
"Good morning Ma,good morning Pa." Bati ko sabay halik sa kanilang pisngi.
"Good morning baby." nakangiting sagot sakin ni mama. "O siya kumain kana at baka malate ka pa. Saka ayusin mo nga yang mukha mo,dapat nga maexcite ka kasi bagong school, bagong kaibigan." dagdag niya pa.
Napatulis ang nguso ko, bagong kaibigan? Di ako sigurado diyan.
"Tama ang mama mo Kila, saka isa pa exclusive school ang papasukan mo." nakangiting saad ni papa
Napabuntong hininga ako. "Pa, alam n'yo naman pong hindi mahalaga sa 'kin kung prestigious o hindi ang papasukan kong school." buryong na sagot ko
"Kila wag ka na mag reklamo kung bakit lumipat tayo dito sa La cuervo, dahil alam mo na ang sagot diyan." walang tingin na sabi nito
Oo nga pala ako ang dahilan.
"Opo! Alam ko, di niyo na po kailangang ipaalala."
"Kila!" saway sakin ni mama at agad naman akong nag sorry kay papa
Hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Ang aga naman para masira ang mood ko.
Pagkatapos kumain ay nauna na akong sumakay sa kotse ni papa, madadaanan lang kase ang Amadeus Montereal University papunta sa kompanya.
Ugh! Ito na nakatuntong na nga ako sa bago kong papasukan. Habang naglalakad ako papunta sa building ng senior high ay pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan ko, mas malaki nga ito kaysa sa dati kong pinapasukan, mas maganda, mas madaming estudyante. Pero may isang bagay na di pa rin nagbabago, yun ay ako parin ang pinaka-maganda rito. That's a fact.
Nasan na ba yung room ko dito? ABM F..E..D..C..B, ay potek naman oh. Second floor na malamang, ganun ba yun pag first section kailangan nasa itaas na palapag din? Finally nandito na din ako sa tapat ng pinto ng Abm A. Kahit nasa labas pa ay rinig na rinig ko na ang ingay sa loob. Huminga muna ako ng malalim bago pihitin ang doorknob at saka dahan dahan akong sumilip. Para silang nakakita ng anghel dahil bigla silang napatahimik, lahat ng tingin nila ay napako sa 'kin. Alam ko namang maganda ako pero s**t di maganda ang kutob ko rito.
"Uhm hi, I'm Akila." bati ko sa kanila habang nakangiti
Ni-head to foot ako ng isang babae bago ito magsalita. "So, what brings you here?" nag smirk pa siya pagkasabi niya nun
Agad nawala ang malapad kong ngiti. "Ahh, transferee nga pala ako. Dito yung Abm A diba?"
"So ikaw ay isang transferee at sa section A ka napunta? Are you sure of it?"
Ano bingi lang? O tanga tangahan?
"Oo. Nakasulat dito sa schedule ko na section A ako." sagot ko sa kaniya at ngumiti, baka sakaling magbago ang timpla niya sa 'kin.
Bahagya siyang natawa at saka nag cross arms pa. "Alam mo last year may transferee rin sa section namin. Tapos ngayong school year wala na siya. What do you think is the reason?" maarteng pagkakasabi niya
Napabuntong hininga na lang ako, ewan ko sa babaeng ito ginawa pa akong manghuhula.
Kunwari akong nag isip. "Uhm? Baka ayaw na makakita ng pangit?" painosenteng sagot ko
Agad namang nagsigawan ang ilang lalaki doon, sige sulsol.
"What do you mean?! Sinasabe mo ba na pangit ako ha?"
Mukhang inis na siya, sorry girl.
"Wala akong sinabi. I don't even know you para sabihan kita ng ganoon."
Ha? Ano yung sinabi ko? Well, di naman talaga siya pangit, sadyang mukha lang siyang clown dahil sa kapal ng kolorete sa mukha .
"You better know me. Vernice, what does transferee means?" bumaling pa siya isang babae sa tabi niya, bali apat silang naka- cross arms sa harap ko
Mga brat kid.
"A toy!" sagot naman nung Vernice na may halong panunuya sa boses sabay tingin sa akin ng may panghahamak.
A toy? Toy?! Anong toy barbie doll? Oh c'mon.
"Talaga naman kayong mga spoiled brat squad kayo 'no, first day of class palang pero to the nth power na ang kahibangan n'yo." sabat ng isang lalaki
"Shut up Kian!" singhal dito nung leader ng mga brat, "At ikaw, narinig mo naman siguro ang sinabi ni Vernice... A toy." Bahagya pa silang nagtawanan dahil dun.
Babaw naman.
Tinitigan ko siya at saka ngumisi. "Alam n'yo bat napapahamak ang isang bata?" tanong ko na nagpakunot sa mga noo nila, "Kasi dumadampot siya ng isang bagay na akala niya ay laruan, yun pala isa iyong kutsilyo na susugat sa kaniya."
Gusto ko tuloy tumawa dahil sa mga mukha nilang hindi maipaliwanag ang expression. Wow! Saan ko ba kasi napulot yun?
"W-What? Sasaksakin mo 'ko? Anong kutsilyo sinasabi mo?" natatarantang tanong sa 'kin nung lider ng mga brat.
Slow!
"Sige isipin mo. If you excuse me, gusto ko na sanang maupo." nagbigay muna ako ng isang mapang-asar na ngiti bago maglakad patungo sa isang bakanteng upuan sa likuran
Pero bago pa man ako makalagpas sa grupo ng mga brat ay hinakawakan ng isa sa kanila ang aking braso.
"Are you threatening me huh? Isa ka lang transferee kaya wag kang magmatapang dito." pagbabanta sa 'kin nung lider ng mga brat
Agad kong tiningnan ang kamay niya na nasa braso ko at saka ko siya tinitigan sa kaniyang mata.
"Sinasabi ko sayo, pagsisisihan mong idinampi mo yang kamay mo sa katawan ko." mariin na sabi ko sa kaniya
"Yvette mukhang matapang yang laruan mo ah." sulsol pa nung Vernice
"Sino ka ba sa akala mo ha? Walang sinuman ang puwedeng mambastos sa 'kin! Lalo na ang isang transferee na gaya mo. Ngayon pa lang dapat alam mo na kung sino ang di mo dapat banggain." litanya pa niya
Para siyang kontrabida sa mga teleserye. Omg! Takot na takot ako.
Nag smirk ako. "Im Akila Cayne Gonzaga Samonte. Now, get.off.me." mariin na sabi ko
"Matapang ka talaga ha!"
Agad nitong hinila ang buhok ko ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay niya at pinilipit sa kaniyang likod.
"Araaaay!" sigaw niya
Tila na-shock naman ang mga kaibigan niya dahil sa ginawa ko.
"Bitawan mo 'ko! Kayo anong tinitingin tingin n'yo dyan? Help me!" Namimilipit siya sa sakit.
"Sige subukan n'yong makialam babaliin ko ang braso nito!" pagbabanta ko sa kanila. "Ikaw na ba ang kinatatakutan nila rito?" tanong ko pa at mas idiniin ang kamay niya, dahilan upang mapaiktad siya sa sakit
"Please, let her go." pakiusap sa 'kin nung isa sa mga brat kid
"Okay." sagot ko at padabog na binitawan ang lider nila na sinalo ng sahig. Agad naman siyang itinayo ng mga alipores niya. "Wag n'yo lang akong pakialaman at wala tayong magiging problema." sabi ko at nginitian sila saka ako nagpatuloy sa bakanteng upuan.
Nakita ko ang magkahalong gulat at tuwa sa mata ng ibang babae habang ang mga lalaki naman ay nagpapalakpan at ginagatungan pa si brat leader. Napakamalas niyo para makita sa unang araw ang kagandahan ng ugali ko. Inaayos ko na ang mga gamit ko ng may biglang grupo ng lalaki na sumulpot sa aking harapan.
"Wow! Ang galing ng ginawa mo. By the way I'm Ranz." Bungad sa 'kin ng isang lalake na may katangkaran at maamo ang mukha.
Agad ko namang tiningnan ang kamay nito saka ko nilipat sa mukha nya ang mga mata ko.
"Pipilipitin ko din ba yan?" agad naman niyang binawi ang kamay niya
"Uy wag! Nakikipag kaibigan nga ako e." nanulis pa ang nguso niya
"Tsk, kaibigan? Unang una sa lahat anong klaseng lalaki kayo? Paano n'yo nagagawang panoorin na nagsasakitan ang dalawang babae?" Tinaasan ko pa sila ng kilay.
"Uy nag salita ako kanina ah. Ako nga pala si Kian." sabi naman nung isang lalaki na mukhang pilyo
Agad naman akong natawa sa sinabi niya.
"Nasigawan ka lang ng shut up nanahimik kana. Duwag!" panunuya ko pa at napakamot naman siya sa kanyang batok.
"Sawa na kaming makialam sa kabaliwan ng mga spoiled brat na yan. Simula 7th grade ganyan na sila. Kurt Chasen nga pala." sabat naman nung isang lalaking matangkad at may napaka-gandang ngiti
Napailing ako. "I just can't imagine kung gaano na kadami ang na-bully nila. Tsk!"
Sadyang uso talaga ang mga brat kid na entitled kahit saang eskwelahan.
"Teka, di naman namin obligasyon na awatin sila ah. Pogi ko naman para maging tiga-awat nila. Ako nga pala si Ryker." sabi naman nung isang lalaking naka-piercing at badboy ang datingan. Kumindat pa ito sa akin.
"Yeah it's their choice kung magpapa-bully sila. Di naman na sila mga 5 years old kid diba. Annyeonghasaeyo, Lee Do Hyun imnida."
Agad napabaling ang mata ko sa lalaking di katangkaran na medyo singkit ang mga mata. Aba, may oppa.
"Koryano ka? Kaano ano mo si Lee Min Ho?" pabirong tanong ko rito
"Ah si Min Ho, itinakwil na kamag anak namin yun. Hindi kasi pumasa yung looks sa standard ng isang Lee." pabiro din na sagot niya
Inirapan ko ito. "Kilabutan ka naman," sambit ko at binigyan ko pa siya ng nandidiring looks.
"Porket koryano pinapansin mo pagpapakilala ano." nagpuppy eyes pa yung maamo ang mukha
Tinaasan ko sila ng kilay. "Ha? Nagpakilala ba kayo? Di ko naman matandaan e."
Sabay sabay silang napabuntong hininga.
"Teka sino yun?" baling ko sa isang lalaking payat na matangkad na abala sa pagce-cellphone nya
"Hoy bro, di pa ba tapos yang pagti-t****k mo?" sigaw sa kaniya nung mukhang badboy
Muntik pa akong matawa, t****k talaga?
Iniayos nito ang fone niya at saka humarap sa 'kin. "Hi Im Jade Sammiel Perez, but you can call me Miel. Na video ko nga pala yung nangyare kanina, gusto mo iupload ko? Ang astig mo dun!" Pinakita nya pa sa 'kin yung video.
Siraulo to ah!
"Wag! Baka makita ng parents ko." Sinubukan ko pang agawin ang cellphone niya.
"Joke lang syempre. Ganto na lang follow mo na lang ako sa t****k at i********: ha." dagdag niya pa at agad ko naman siyang inirapan
Kalalaking tao adik sa t****k.
"Hoy Miel mahiya ka naman, pasensya na Akila kulang kasi yan sa atensyon e." sabi nung mukhang pilyo na Kian yata ang pangalan
"Ikaw naman nasobrahan!" bawi ni Miel sa kaniya
Nagkunot noo ako sa kanila at nagcross arms. "Bakit n'yo ba ako kinakausap ha?" mataray na tanong ko
"Eh gusto nga namin makipag kaibigan sayo. Kasing cool ka kaya namin." nakangiting sabi sakin nung may contagious smile
"Pero di n'yo ako kasing duwag!" bwelta ko na nagpatabang sa mga mukha nila
"Hindi nga kami duwag, ayaw lang namin makialam."depensa naman nung Kian
"Whatever!" maikling tugon ko at saka ako nagkibit balikat.
Nagpatuloy sila sa pangungulit na makipag kaibigan sakin kaya naman pumayag na lang din ako. Di naman na bago sa akin ang makipag kaibigan sa mga lalake. Sa totoo lang hindi talaga ako nakikipag kaibigan sa mga babae.
Kasama ko sila sa pagpunta sa multi purpose hall para sa maikling program sa opening of classes. Pagkatapos ay bumalik na kami sa aming room. And as usual ang walang kamatayang introduce yourself lang ang ginawa namin. Magkakakilala naman na sila dahil magkakaklase na sila last year or maybe nung junior high pa.
After 2 hours ay binigyan kami ng 30 minutes break.
"Akila Cayne Samonte." nakangising tawag sa akin ni Kian
Inirapan ko ito. "Kailangan buong buo ha, Prince Kian?" agad namang napawi ang ngisi niya. "Bakit ba?"
"Sama kana samin, ililibre ka daw ni Ranz." sabi sakin nung koreano
"Magaling kang koreano ka! Pero sige na nga, libre ko na basta sama kana samin."
Tumango na lang ako bilang pag sang ayon, ayoko ng makipag diskusyon pa alam ko namang di nila ako titigilan.
Pagdating namin sa cafeteria ay pinagtitingan kami ng mga babaeng nandoon, mukhang hearthrob itong mga so called friends kong ito ah. Kaming dalawa lang nung Ryker ang naupo dahil yung apat ay dumiretso para umorder.
"Ano pala itatawag namin sayo? Akila? Cayne? o AC? Pero mas okay kung AC para cool."
"Just call me Kila, kasi yung huling tumawag sakin ng AC kaliwete na ngayon." nginitian ko pa siya at kinindatan
"Amazona!
Di ko na siya sinagot pa medyo di ko kasi feel ang isang 'to. Bukod sa presko ay naiirita din ako sa mga titig at ngiti niya, para bang manyak. Tsk
Mabuti na lang at dumating na ang mga so called friends ko. Habang kumakain kami ay panay ang pangungulit nila sa 'kin, lalo na yung Kian na tanung ng tanong sa akin ng kung anu-ano.
Maya maya pa ay may pumasok na lalaki sa cafeteria, matangkad siya at makikita mo sa mukha ang pagiging isnabero. Sa tingin ko din ay college na ito dahil sa kaniyang suot na uniform. Ang kaninang maingay na mga estudyante ay nabalot ng katahimikan, agad namang kumunot ang noo ko. Bumaling ako sa mga kasama ko, naghahanap ng kasagutan.
"Uyy sino yan? Bakit nanahimik kayo?"
"Ssshh." senyas nila sa 'kin kaya nanahimik na lang din ako
Ano silent hill ang peg? Noong makalabas na ang lalaki sa cafeteria ay bumalik na ulit ang ingay ng mga estudyante doon. Weird
"Uy sino nga yun? Ano siya sa school na 'to?" naguguluhang tanong ko
"Siya si Jix Matthew Montereal ang tinaguriang campus daredevil ng AMU." sagot sakin ni Ranz
"Last year kasi may kumalat na issue na binugbog daw niyan yung girlfriend niya. Ang sabi pa ng iba kaya daw binugbog kasi pumalag nung gusto niyang kunin ang p********e. Kaya walang nangangahas na lumapit sa kanya." sabi naman ni Kian
"Pero maniniwala ka bang dati siyang campus hearthrob dito sa AMU, kaso nagbago na siya nung maging issue nga yung pambubogbog niya daw sa girlfriend niya." dagdag pa ni Ryker
"Pero sabi naman ng iba, set up lang daw yun para perahan ang pamilya nila." dugtong naman ni Kurt
Di ko alam kung anong dapat kong maging reaction.
"Pero lahat ng sinabi niyo ay may 'daw', meaning to say not yet proven pa. Hindi ba parang sobra naman yung katakutan niyo siya?"
"Ayaw nya rin naman ng pinakiki- alaman siya e. Kasabihan nga ng ibang students dito, mess with anyone, but never mess with a Montereal." sagot naman ni Do Hyun
Mas lalo akong naguluhan. "Bakit anong espesyal sa pagiging Montereal niya?" kunot noong tanong ko
"Siya lang naman ang tigapagmana ng eskwelahang pinapasukan natin. At siyanga pala mayroon siyang 3 golden rules. No touching, no talking and no eye contact." paliwanag sa 'kin ni Miel
Agad bumagsak ang balikat ko sa mga sinabi nito. Is this some kind joke? "Bakit di siya tumira sa Mars para walang makialam sa kaniya."
"Tanong mo kaya sa kaniya." pilosopong sagot sakin ni Kian
Agad ko naman syang inirapan. Hindi lang pala siya mukhang pilyo, bwisit din pala.
"Mabuti pa wag na natin siyang pag usapan. Basta Akila wag mo kalimutan ang 3 golden rules ah."
Agad naman akong tumango sa tinuran ni koreano.
Pagkatapos namin kumain ay sabay sabay kaming bumalik sa aming room. Agad nagtagpo ang mata namin ni Yvette, yung lider ng mga brat. Binigyan ko siya ng isang malapad na ngiti at saka ako nagpatuloy sa aking upuan. Nagpatuloy ang introduce yourself na ginagawa namin, yung ibang teacher may binibigay pang activity para maipakilala namin ang sarili namin. Pwede naman kaming magsuot na lang ng name plate bakit kailangan pa ng ganitong kaartehan. Tsk!
"Kila sabay ka na sa amin mag lunch."
Aya sa akin Ranz ng matapos ang klase sa umagang iyon.
"San ba kayo kakain?"
"Sa baso. Si Mar Roxas kami e," mapang asar na sagot sa 'kin ni Kian
Agad ko naman siyang binato ng crumpled paper na itatapon ko sana.
"Dun sa chinese restaurant kami kakain. Lika sama kana, uupakan ko to si Kian pag inasar ka." ani Ranz
Ngumiti ako. "Next time na lang, sa cafeteria ako kakain, gusto ko kasing maglibot libot."
"O-Okay. Sige ingat ka sa mga spoiled brat ha. At yung 3 rules tandaan mo."
"Yeah."
Nag umpisa na silang maglakad papalayo kaya nagtungo na rin ako sa cafeteria.
Pagkatapos kumain ay naglakad lakad ako hanggang makarating sa malawak na grass field ng school. Walang katao tao, tahimik at presko. Kaya naisipan kong magpahinga muna sa ilalim ng puno ng mahogany. Nagsuot ako ng earphone at sumandal sa puno. Habang nakatulala sa kalawakan ng field, ay unti unti akong kinakain ng antok....
Hala nakaidlip pala ako. Agad kong tiningnan ang oras sa aking relo, nakahinga ako ng maluwag noong makitang 12:45 pa lang pala. Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang sticky note na nakadikit sa may puno. Wala naman ito kanina dito ah...
"Sleep here one more time and you'll never wake up again!"
Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko, ano 'to death note? Punctuation mark pa lang mukhang galit na. Agad akong luminga linga sa paligid ko. Mayroon ng mga estudyante roon pero mukhang hindi naman sila ang nagdikit ng notes na yun. Sino kaya...aha! Mukhang alam ko na. Yung Montereal siguro? Hays kahit sino pa siya. Kinapa ko ang aking bulsa at sakto namang may ballpen akong dala, agad akong nag sulat ng "sorry i'm a transferee" sa baba ng note at idinikit ito sa puno. Matapos nun ay umalis na ako sa punong iyon at bumalik na sa aming room. Nandoon na pala ang mga so called friends ko.
"O Kila bat nakasimangot ka dyan?" puna ni Ranz sakin ng makita akong nakabusangot
Tinapunan ko sila ng masamang tingin. "Magbibigay na lang kayo ng warning kulang pa, bat di niyo sinabi yung sa puno?"
Agad naman silang nagulat sa sinabi ko. Ang galing ng mga chismosong 'to kulang sa info.
"Ay oo nga nakalimutan pala naming sabihin. Yung mahogany na may pulang tali kay Jix yun." kamot ulong sabi ni Ryker
"Malamang alam ko na ngayon!"
"Eh ano ba kasing nangyari?" usyoso pa ni Miel
"Nakatanggap lang naman ako ng death note. "Sleep here one more time and you'll never wake up again!"
Napatakip naman siya sa bibig niya dahil sa sagot ko.
"Hala pano na yan?" nag aalalang tanong ni Kurt
"Nagsulat ako dun sa note niya ng "sorry i'm a transferee" tapos dinikit ko sa puno. Okay na siguro yun. Kung ayaw niyang tanggapin ang sorry ko edi ipaputol niya ang punong yun. Sus!" inis na sabi ko
"Maiintindihan niya naman siguro yun. Saka Akila meron pa, pag may nakita kang garden sa field wag kang matukso na sumilip ha, at yung red table and sofa sa cafeteria, wag ka rin uupo doon. Malinaw ba?" paliwanag sa 'kin ni koreano
"Yun na yun? Sigurado kayo? Baka may hindi pa kayo nabanggit." may pagka-sarkastikong tanong ko sa kanila
Lahat sila ay mukhang guilty dahil sa nakalimutan nilang rules.
"Oo iyon na lahat, basta don't mess up with him." dagdag pa ni koreano
Naputol lang ang kwentuhan namin dahil dumating na ang aming susunod na teacher. Okay, introduce yourself again. Tsk!
Not bad for a first day, kaibigan check, kaaway check, kaaway ulit check. Wow! Mukhang kambal ko na yata ang gulo kahit saan ka magpunta. Pagkababa ko sa sasakyan ay agad naman akong sinalubong ni mommy.
"Hi baby." nakangiting bati nito. Agad naman akong humalik sa pisngi niya. "So, how was your day?" tanong niya pa
"Okay lang naman po." sagot ko at nagkibit ng balikat
"What does okay mean?" nagtaas pa sya ng isang kilay mukhang may ini-expect na syang sasabihin ko.
"May mga spoiled brat squad na sinubukan akong i bully. Ang ganda ng approach ko sa kanila tapos sasabihan nila akong transferee is a toy daw."
Oo na para akong batang nagsusumbong.
"Ano?! A toy? Aba! Sino ba yung mga yan at ako mismo ang sasabunot sa kanila. Toy?" Inaaksyon nya pa sa hangin yung pagsabunot niya kaya naman natawa ako.
"Ma, kaya ko na po sila. Para namang di niyo po ako kilala. Saka Ma, meron din po akong mga bagong kaibigan."
Agad sumilay ang ngiti niya noong marinig ang word na 'kaibigan'.
"That's what I wanted to hear. Just make sure na sa magandang gawain ka hihilain ng mga kaibigan mo. Understand?"
"Yes ma."
"Yung mga kaibigan mo ba, babae?" mukhang nag aalangan pa siya sa tanong na yun
Nagbuntong hininga ako. "No ma. Alam niyo naman pong di ko na kayang makipag kaibigan sa babae. Mas may tiwala pa ako sa mga lalaki."
Hinagod niya ang likod ko saka ngumiti ng bahagya. "Yeah I know and I respect your decision. Pero baby siguraduhin mong matitino yan ah."
Tumango naman ako sa kanya bilang tugon.
"Sige na umakyat ka na at magbihis, nauna pa kwentuhan natin e. Ihahanda ko na ang merienda mo."