Silayaan Kila NAPABALIKWAS ako sa pagkakatulog. "Ugh sikmura ko!" Oo nga pala natulog ako ng walang kain, tsk. Kinapa ko ang aking cellphone sa side table, 1:03 am. Nag inat muna ako bago tuluyang bumangon, bumaba patungo sa kusina. Mabuti na lang at ipinagtira nila ako ng dinner. Di na ako nagpatumpik tumpik pa at isinalang ko na ito sa microwave para initin. Nagkanda-paso pa ang dila ko dahil sa pagmamadaling sumubo. Tsk! Kasalanan na naman 'to ni Jix e, kung hindi sana siya nakipagmatigasan edi nakauwi kami agad. Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay pumanhik na ako sa taas. At dahil napadami ang kain ko ay dumiretso muna ako sa lanai upang magpababa ng kinain. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin at tahimik na kapaligiran. Napapangiti pa ako habang inaalala ang

