Chapter 19

2290 คำ
Guilt Kila NAGPAALAM ako sa mga kaibigan ko na bibili ng chocolate drink sa cafeteria, kailangan ko kasi ng sugar lalo't may girl thing ako. Hindi naman sila nangulit na sumama pero binigyan ulit nila ako ng limang minuto upang makabalik. Nasa hagdanan na ako noong madinig ang pag uusap ng tatlong babae. As expected, hinuhusgahan nila yung bwisit. Pero wala akong planong makialam, yun naman ang gusto niya e. Papakinggan ko lang silang yurakan ang pagkatao niya. Di niya naman ako guardian angel 'no? "Balita ko pa naman may kapatid siyang babae. Hala baka sinasaktan din niya yun." Napapikit ako sa sinabing iyon ng estudyante. Anong kinalaman ng pagiging kuya ni Jix kay Max sa issue rito sa school? Di ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ko na ang tatlo. Pinatikim ko sila ng malupit na pangde-describe. Hindi talaga ako nanlalait, kundi nande-describe lang. Mukhang may mapapaiyak na naman ako ngayon ah. Teka ano nga ulit yun? Opinyon?! "Opinion my ass! Hintayin n'yo lang at malapit ng magpublic apology yang 'Amber Hatchell' na yan. At itong walang kwentang paninira na 'to." Kinuha ko ang cellphone na hawak ng isa sa kanila, "Basura 'to pati na lahat ng naniniwala rito." And s**t bakit ko hinagis? Hala, masiyado akong na-carried away sa emosyon ko. Pasimple kong iginala ang mga mata ko, baka kasi may cctv at ma-label pa ako as bully. Mabuti na lang at wala. "Baliw kaba? Binasag mo ang phone ko!" sigaw nito habang dinadampot ang cellphone Di ko naman sinasadya e, nadimunyo kasi yung kamay ko. Sa muling pagharap nito ay agad kong napansin ang mukha niya na parang nakakita ng multo. I knew it. Isa lang naman ang multong buhay dito na nakakabuwisit. Gaano katagal na kaya siyang nandun? Tsk! Bumaba ako ng hagdan at tiniyak na nakatalikod ako sa bwisit, kunwari di ako aware na nandiyan siya. Muli kong hinarap ang babae at binanggit ang paborito kong linya, na kahapon ko lang natutunan. "Binasag ko? Bakit may ebidensya ka? Did you photograph it? May video ka? Masyado ka talagang mapanghusga. Ang clumsy mo kasi e, yan tuloy nabitawan mo ang phone mo. Next time ingat ka ah." sabi ko at umalis na doon na tila walang nangyari Hindi ko naman talaga sinasadyang maihagis yung phone e, Lord sorry po. Teka may nararamdaman akong kakaiba ah, sinusundan niya ba ako? Para ano? Para sabihin ng pakialamera? Mas naiinis pa ako sa kaniya kaysa dun sa tatlong babae. May naisip ako para malaman kung sinusundan nga ako nito. Sa halip na magtungo sa cafeteria ay mas pinili kong lumabas ng AMU, bumili ako ng stick ng sigarilyo. s**t! Ano bang kahibangan itong ginagawa ko? Baka may makakita pa sa 'kin nito. Bwisit ka talaga Jix! Noong sisindihan ko na iyon ay saka naman parang kabute na sumulpot ang bwisit. Inagaw niya yun mula sa mga kamay ko at saka tinapakan. Sinusundan nga talaga ako ng bwisit na Montereal. Agad ko siyang binungangaan at nung akmang magsasalita na ito ay nagsalita ulit ako. Ayoko nang marinig pa ang kung ano man niyang sasabihin. Muli akong bumili ng sigarilyo at sinindihan, hinawakan ko lang yun hanggang sa mamatay ang apoy. Oo na para talaga akong timang sa ginagawa kong 'to. Siguro mas maganda kung idikit ko na lang sa balat nung bwisit ang apoy nito. Bago ko tapakan yun ay pinukol ko muna siya ng napakasamang tingin. Sana ikaw na lang yung sigarilyo, para dudurugin kita ng pino. Noong matapos sa kahibangan ko ay nagpasya na akong bamalik sa University, sinadya kong banggain ang malaking bwisit na pakialamero rin naman pero galit sa 'kin na pakialamera. Dumiretso ako sa comfort room at kinuskos ng maigi ang kamay ko. Ano ba kasing kahibangan yun? Bakit ba puro kabaliwan ang nagagawa ko ngayong araw. Pagpasok ko sa room ay nandoon na si Ms. Delacruz kaya nagdahilan na lang ako na galing akong clinic dahil sa puson cramps ko. Mabuti na lang at tinanggap niya ang palisot ko. Pagkaupo ay agad akong nag alcohol ng kamay at nag spray ng pabango. Mahirap na at baka maamoy pa ng mga kuya kong masama na ang tingin sa akin. Ay s**t, yung chocolate drink ko.... Kakatapos ko lang magpaliwanag sa mga kuya kong concern, este magsinungaling pala. Pinanindigan ko na lang yung palusot ko kanina na sa clinic ako galing. Ang daming beses ko ng nagsisinungaling sa kanila, maging ang nangyari samin kahapon ni Thyra ay hindi pa nila alam. Ayoko rin na malaman pa nila ang mga ganap sa amin ni Jix, lalo na yung masasakit na salita na sinabi niya sa 'kin. Alam ko namang overprotective itong mga kuya ko e. "Masakit parin ba puson mo? Bakit naman di mo sinabi sa amin? Wag mo sabihing nahihiya ka?" sunod sunod na tanong ni Ranz Tinaasan ko ito ng kilay. "Bakit naman ako mahihiya sa inyo? Sa cafeteria naman talaga dapat ang tungo ko, kaya lang inatake ako ng cramps e." Patawarin n'yo ako, napaka-sinungaling kong kaibigan. "Uy guys tingnan n'yo, si Thyra Jane pala yung Amber Hatchell. Ayan oh, public apology." sabi ni Miel at iniharap samin ang laptop niya Hindi na ako nagulat dun dahil expected ko na yun. "Teka, may alam ka ba rito Kila? Ni hindi ka man lang nagulat." tanong ni Kurt Naningkit naman ang mga mata nila sa 'kin. "Oo. Sa tulong ng Kila's angel nalaman ko na siya yung Amber. Kaya kahapon kinompronta ko siya at kinuha ko yung phone nya bilang patunay." paliwanag ko para naman mabawasan ang mga kasalanan ko sa kanila "Kahapon? Diba umuwi kana nun?" kunot noong tanong ni Kian "Tsk. Edi syempre bumalik ako." sagot ko at napairap, "Oh, kalma lang kayo. Maayos ko naman siyang kinausap at walang kung anong nangyari." Patawarin n'yo ulit ako sa kasinungalingan ko. Tinanggap naman nila ang mga kasinungalingan ko. Pero mukhang langit ang di tatanggap sa akin. Hays Ngayong ayos na ang lahat paniguradong babalik na sa normal ang mga bagay. Ipina-pangako kong hindi na ako maiinvolve pa sa Jix na bwisit na yun. Ako pa ang lagi niyang tinatawag na pakialamera eh ganun din naman siya. Nung kinorner ako nina Yvette nakiepal siya, yung kay sir Larcon nandoon din siya, tapos nung kinompronta ko si Thyra dumating ulit siya, at pati na din yung kanina. Huh! Feeling ba niya knight in shining armor na ang tingin ko sa kaniya? Tsk, disgusting! "Aray!" singhal ko kay Ranz matapos nitong ipitin ang nguso ko gamit ang daliri niya "Bakit kasi nanunulis yang nguso mo? Ano bang iniisip mo at nabubwisit ka?" "Paanong di ako mabubwisit e nakakabwisit yung nakikita ko." Huli na noong napagtanto ko na sa isip ko nga lang pala nakikita si Jix. Kaya naman agad na nagreact ang nasa tapat ko na bwisit din naman talaga. "Ako? Bakit parang kasalanan ko?" Humawak pa sa kaniyang dibdib si Kian. Bwisit ngang tunay. Pinukol ko siya ng masamang tingin na sinuklian niya ng mapang asar na tawa. "Hulaan ko, si Jix ang iniisip mo 'no?" Kunwari naman akong natawa sa tinuran niya. "Tsk, bakit ko naman maiisip yun? Ikaw talaga ang kinabu-bwisitan ko kaya wag ka ng magturo." pagsisinungaling ko Tumabang naman ang mukha niya at di na ako pinansin pa. Nagpatuloy kami sa pagkain at pagtapos ay bumalik na sa aming classroom. *** Jix "WALA ka ng dapat pang ipag-alala Jix, nakausap na namin si Thyra at ang kaniyang mga magulang. Bukod sa public apology ay binigyan din namin siya ng isang buwan na suspensiyon. Everything will be fine." sabi ni Mrs. Jadaone, ang principal ng high school "Okay." Everything will be fine. Nakakatawang isipin na akala nila ay magiging ayos na ang lahat dahil sa public apology na yun. Gayong alam ko naman na wala itong magiging epekto sa pangalan at tingin sa 'kin ng ibang tao. It can't change a thing. Ako parin si Jix na halimaw at dapat katakutan. Ngunit ang mahalaga ay mawawala na sa kasiraan ang pangalan ng AMU, yun ang mas mahalaga. Tumungo na ako sa kotse ko at nag umpisang magmaneho pauwi. Pagkarating doon ay agad kong napansin ang kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin. Maybe, Mom have a guest. Hindi ko na masyadong pinansin iyon at tumuloy na sa pagpasok sa loob. Pagbukas ko ng double door ay agad hinanap ng mata ko si mommy pero wala siya sa dalawang living room namin. Aakyat na sana ako sa kwarto ko noong may maulinigan akong nag uusap sa kitchen. Sinilip ko kung sino ang bisita ni mom, at kahit nakatalikod ang babae ay nagawa ko paring makilala ito. It was pakialamera's mom. Isinantabi ko na lang ang guts ko na bumati kay mom, lalo't ayoko ng small talk with pakialamera's mom. I was about to leave the kitchen area.... "You know Alexa, hindi ko talaga inaasahan na may ganoong pinagdaan si Kila. Kung titingnan mo siya, hindi mababakas sa kaniyang mukha na may mabigat siyang dinadala ." Mom said Napahinto ako sa planong pag alis sa lugar na yun. Unti unti akong kinain ng kuryosidad sa kung ano man ang pinag uusapan nila. "Oo ganun talaga ang personality ni Kila, she always act fine and strong pero deep inside mahina din yun. Sa totoo lang sobra akong nag aalala sa kung ano ang epekto sa kaniya nung school incident recently. Ni hindi pa nga siya nakaka-recover sa trauma niya, at ngayon mayroon na namang ganitong nangyari." Bakas ang pag aalala sa mukha ng ginang. Maging si mom, ay tiningnan siya ng may awa sa mga mata. "Pero tingnan mo at nagawa niya paring hilingin sa inyo na wag ituloy ang kaso kay Mr. Larcon. She's too selfless para mas isipin pa ang kapakanan ng taong nanakit sa kaniya." What?! Gusto niyang palayain ang taong yun? Baliw ba talaga siya? "Oo, kahit may pagka-pasaway si Kila, mapagpatawad at malambot ang puso nun. Ewan ko ba kung saan niya nakuha ang ganung ugali. Wala naman sa 'min ni Clark ang may pusong mamon." medyo pabiro pang sabi nito Lumapit naman sa kaniya si mom, at hinagod ang kaniyang likuran. Ipinagpatuloy ko na ang naudlot na pag alis sa lugar na iyon. Noong makarating sa kwarto ko ay hindi parin maalis sa aking isipan ang mga narinig ko. Anong trauma? Anong epekto nung school incident? At bakit niya gustong mapalaya ang taong nanakit sa kaniya? Ilan lamang yan sa mga tanong na naglalaro sa utak ko. Damn it! Bakit tila nagiging interesado ako sa buhay niya? "Pasensya na kung hindi ko kayang mawalan ng pakialam. Sorry ah, hindi kase bato ang puso ko katulad nung sa 'yo." Napahilamos na lang ako sa mukha ko noong maalala ang mga sinabi niya sa 'kin. She really mean it. Totoo yung concern na pinakita niya sa 'kin. Hindi niya lang ako isang beses pinagtanggol, and I never had a chance to say 'thank you'. Bukod dun ay pinagsalitaan ko pa siya ng masasakit na salita. Damn it! Bakit ba ako tinatamaan ng konsensiya? But, can she blame me? Kasalanan ko bang hindi ko na alam ang pakiramdam ng may isang taong nagtatanggol at kino-konsidera ang nararamdaman ko? Kasalanan ko bang naging ganito ako? Gayong sila naman ang humulma sa 'kin na maging ganitong tao. Inilapat ko na lang likod ko sa kama at nagsuot ng earphone. Gusto ko munang takasan ang mga salita na nasa isipan ko. Drop that fvcking consience Jix. Bakit ba panay ang self pity ko? "Jix son, alam mo you should be kind to Kila. She's going through a lot, hindi niya lang pinapakita." sabi sa 'kin ni mom Nasa hapag kainan kami at kumakain ng dinner. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon. I wonder kung sinasabi niya rin ba ang mga salitang iyon sa iba para sa 'kin. "Mom, bakit po? Anong nangyari kay ate barbie doll?" tanong ni Max Parang doon lang nag sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Mom. What's a lot she's been going through? "You're too young to understand it Max. Basta always make ate Kila happy, okay?" Tumango tango naman si Max. Nagtatalo ang utak ko sa kung dapat ba akong mag-usisa kay mom o hindi. Ngunit sa huli ay napagpasyahan kong manahimik na lang. I asked her to stay out of my life, kaya hindi naman siguro tamang panghimasukan ko ang buhay niya. At wala rin naman akong interes na manghimasok pa, dapat manatili lang ako sa kung ano ang nakasanayan ko. Tama iyon nga ang dapat kong gawin. Muli akong naupo sa coffe table na nasa veranda, at itinuon ang mga mata ko sa buwan na siyang nakatutulong para sa aking peace of mind. I haven't done wrong. Eh ano kung may pinagdadaanan siya? May pinagdadaanan din naman ako. We're just even. And I'm pretty sure na kung ano man yung 'a lot' na pinagdadaanan niya ay wala pa sa kalingkingan ng burden na dinadala ko. "Damn it!" inis na sambit ko at hinampas ang coffe table Stop the fvcking self pity Jix, it can't change a thing. My self issues aren't a valid reason to justify the things that I've said to her. I hate to admit it but I feel sorry, and thankful at the same time. Nagi-guilty ako sa mga sinabi ko sa kaniya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม