19'th roses Isang linggo na ang nakalilipas magmula nung magbalik ang pasukan. Pero hindi parin nawawala sa isip ko ang mga nangyari sa bakasyon namin sa Bulacan, feeling ko ay ngayon pa lang nagsi-sink in ang mga bagay na iyon. At mas lalo na yung sinundo at dinala ako sa dagat ni Jix, pati lahat ng mga sinabi niya noong araw na iyon ay paulit ulit ko paring naririnig. Hindi kaya, ako talaga ang naengkanto? Tsk Nagising lang ako sa pagmumuni muni noong biglang dumilim ang kanina'y maliwanag na araw sa kinauupuan ko sa field. Pag angat ko ng tingin ay muntik pang malaglag ang panga ko. Speaking of... Ikinipot ko ang aking bibig at sinalubong ang kaniyang tingin. "Thinking of me again?" tanong niya, may bakas ng panunukso Halos magsalubong na ang kilay ko dahil sa mga sinabi nito. "Ew

