Kabanata 30 Pagdating ni Blue sa kanilang kuwarto, agad niyang kinarga ang kanyang anak na hinimatay sa sahig. Lumapit naman sina Red at Violet sa kanya at tinabihan siya sa kama. "Is he okay, dad?" pag-aalala ni Violet. "Hindi ko pa alam, baby. Ano pala ang nangyari sa kapatid niyo?" tanong ni Blue. "May ipis po na dumikit sa hand niya tapos nanginginig siya at iyon, natumba siya sa sahig," umiiyak na pagkuwento ni Red. Napabuntong hininga si Blue. "Akala ko kung ano na. Thank you, Lord." "Blue!" sigaw ni Katleya. Hinihingal pa ito, nagmamadali kasi siyang umakyat. Napalingon si Blue rito. "Huwag kang mag-alala, Labs. Natakot lang sa ipis na dumikit sa kamay niya." Napahawak si Katleya sa dibdib niya. "Jesus." Nang magising si Baby Blue. "Blattodea! Blattodea! Blattodea!" pagsis

