EPILOGUE "Mom, you are the definition of perfection. Ang ganda mo," pagpuri ni Blue sa mommy niya na ngayon ay inaayusan para sa kasal nito na mangyayari ngayong araw. "Thank you, baby. Tawagin mo muna ang mga kapatid mo. Aayusan na kayo." "Okay po." Tumakbo si Blue sa may pinto. "Redrigo McArthur! Saint Violet! Uranus Marie, Neptune Kate, Saturn Jade! Uwi!" Nang marinig ng mga kapatid ni Blue ang tawag niya ay napatigil ang mga ito sa paglalaro at napatakbo papunta sa kuwarto nila. Inirapan ni Uranus si Blue nang dumating sila. "Kuya, you sumbong us, right?" "Kung susuntukin ko kaya ang esophagus mo?" pagbabanta nito. "Mom, oh!" sumbong ni Uranus. "Sumbungera! Um, aayusan na raw kayo." Napangiti si Saturn sa narinig. "Really?" "Nahihiya ako, kuya," sagot ni Neptune, ang tahimik

