"WHAT the hell have you done with the Ferrels, Alexis? It was all over the news! Business partner ko si Lino pero sa ginawa mo, posibleng matapos na ang mga transactions ko sa kanya! Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo-" "Tama kayo, Vice. As usual. Ano nga bang pinaggagawa ko sa buhay ko at sinasagot ko pa ang mga tawag n'yo?" Napu-frustrate na ganting tanong ni Alexis sa ama. "'Wag kang mag-alala. Magtatanda na ako. Next time, I swear I will be wise to never answer your call again." tinapos niya na ang tawag at isinilid sa bulsa ng pantalon ang cell phone. Papunta na sana si Alexis sa kusina para ipaghanda ng almusal si Diana nang mahuli niya itong nakatayo sa hagdan hindi kalayuan sa kanya. Walang mababasang anomang emosyon sa magandang mukha nito kahit pa alam niyang nari

