"DIANA, kung ayaw mong makasama ako, aalis ako. Hindi mo na kailangang gawin pa ito." Tumaas-baba ang dibdib ni Alexis na para bang nagpipigil ng emosyon. "Kung gusto mo, kahit ngayon, aalis ako. Basta bumalik lang tayo sa bahay-" "Sa bahay na kahit saan ako tumingin, ikaw ang nakikita ko." Hindi napigilang sinabi ni Diana. Halos lahat ng kagamitan sa bahay na iyon ay regalo ni Alexis. Bukod doon, ang binata mismo ang nag-design ng bahay. At araw-araw ay nakikita niya pa ito. "You are in every corner, in every space. Kahit nasa kwarto ako, 'yong mga gamit doon, may alaala mo pa rin. You are everywhere, Alexis." "And you hate that now." Hindi nagtatanong kundi nagkukumpirmang sagot ng binata. "Sinadya kong punuin ang bahay mo ng mga regalo ko. You're always in this place. At

