"HAVE you heard the news?" Humigpit ang pagkakahawak ni Alexander sa kanyang cell phone. Hanggang sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay binabaha pa rin ng emosyon ang puso niya. Kay tagal niyang hinintay ang pangyayaring iyon. Noong nabubuhay pa ang kanyang ama ay halos mawalan na siya ng pag-asang darating pa iyon. Kahit na hindi nakikita ang kausap ay tumango si Alexander. "Yes. Tinawagan ako ni Ysmael kanina." Tukoy niya sa kanyang abogado. "Thank you for everything, Connie." "Ako ang dapat magsabi niyan sa 'yo, Alex. So... what's your plan? Pupuntahan mo na ba si Miranda?" "Hindi. Pero siya ang papupuntahin ko sa akin. Silang dalawa ni Alexis. Nagpatawag ako ng press conference. Gagawin ko na ang matagal ko nang dapat ginawa." Sa sinabi ay napuno ng kaba ang dibdib

