Niveya's POV: Nagtagal kami rito sa farm ni Westwood ng isang buwan. Dito pa rin kami tumutuloy ni Radon at naging tahimik kami rito. Nakakatuwa nga dahil nag-alaga kami ng pusa, isang persian-himalayan flatface cat. Ang amo ni Japorms pero laging tulog at tamad maglakad. Ganito talaga siguro siya. Kapag nga inalabas ko ay hihiga na at ayaw magpahila. Kapag binuhat ay mangangalmot, nako talaga. Paniguradong nasa kusina na naman iyon at nakahiga sa lamesa, favorite spot niya sa bahay. Ang nakaisip naman ng pangalan ay si Radon, dapat nga ay Radonis ang ipapangalan ko dahil lalaki. Ayaw naman niya, baka raw iasar pa sa kaniya ni Westwood. Mas maganda naman ang Radonis kaysa sa Japorms. Naisip niya pa nga na Niveya Lotion daw ang pangalan. Nainis tuloy ako kay Radon kanina. Binubully ang m

