Niveya's POV: "Kumusta naman kayo sa farm? Maayos naman ba ang pakikitungo sa inyo ni Kuya Orlando?" tanong ni Zonia sa akin. "Oo naman, mabait siya. Ikaw kumusta ka naman?" tanong ko. "Well, ayos lang din. Masaya ang naging buhay at bakasyon ko sa Chicago, humahanap pa rin ang mister right ko. By the way naalala ko, kaya Westwood ang tawag ni Kuya Radon sa kuya ko dahil he really hates his nickname. Kapag tinawag mo siyang gano'n ay baka isang linggo ka niyang hindi pansinin so you better not call him by his nickname," nakangising sabi niya. "Ano ba ang nickname ni Westwood? Nasanay na rin akong tawagin siyang Westwood eh," tanong ko. "His nickname is Lando. Ang baho right? Parang mama sa Pinas," natatawang sabi ni Zonia kaya napatawa na rin ako. Nagkwentuhan pa kami ni Zonia h

