chapter 8

1405 คำ
Naka upo sya katabi ng master sa templo. Mayroong pagtitipon, ayaw man nyang dumalo sa pagtitipong ito pero kailangan ng kanyang presensya bilang ikalawang master sa templo o bilang pag bigay galang sa ibang myembro ng templo Tahimik lang sya habang nakikinig sa kanilang pinag uusapan, ayaw nyang magbigay ng opinyon dahil alam nyang hindi rin naman nila pakikinggan ang kanyang opinyon " May isang mafia na kailangan nating patumbahin dahil sa kanilang masamang gawain" napatingin sya sa ikapitong master ng magsalita ito Ayaw nyang makinig pero di nya nakalig taan ang sinabi nito. Napatingin sya dito. Hindi sya kilala ng mga ito. Lahat ng taga templo ay ang lolo lang ang nakakita sa kanyang muka Tinatago nya ang kanyang itsura sa hooded cowl nya na mata lang ang nakikita sa soot nyang pang ninja. Ito lang ang parati nyang soot kapag nasa templo sya. At tuwing nasa kanyang silid sya ay hindi mawawala ang takip sa kanyang muka at tulad ng pang ninja nyang soot mata lang ang nakikita " Mahirap sila kalabanin kaya mag ingat sana ang ipapadala nating mga tauhan" saad naman ng pang siyam na master Tumawa sya ng mahina na nakakuha ng attention sa kanila. Tumingin sa kanya ang mga ito. Tumigil sya sa pagtawa na ikinaireta ng mga nandoon " Bakit ka tumawa black may mali ba sa sinabi ko" naiirita nitong saad " Mali? Bakit sinabi koba na may mali sa iyong sinabi nine Arka? Mali naba ang tumawa?" Sunod sunod nyang tanong na mas ikinairita nito Mabilis itong tumayo at kinuha ang katana sabay totok sa kanya. Nakaupo lang sya habang nakatingin nine arka na sasabog na sa galit. Mabilis namang tumayo ang ibang arka at kinuha ang katana nya " Oo ikaw ang ikalawang arka pero hindi ibig sabihin wala kanang karapatan hindi magbigay ng respeto sa kapwa mo arka" nagpipigil na galit ng ikalimang arka Hindi sya gumalaw sa kanyang kinauupuan. At hinayaang Magsalita ang mga ito tungkol sa kanya " Respeto? Noon ba binigyan nya ba ako ng respeto sa pagkawala ni light? Hindi diba? Kaya bakit ko kayo rerespetohin? Sino ba kayo?" Nagpipigil nyang sigaw Hindi naman nakasagot ang mga ito at biglang natahimik. Tama, matahimik kayo. Sa panahon na nagdusa sya at hindi sya binigyan ng mga ito na respeto para man lang maipahayag nya ang kanyang paghingi ng tulong Tumayo sya sa pagkakaupo at handa ng umalis ng biglang magsalita ang unang arka " Tama na yan" saad nito sabay tayo " nagpatawag ako ng pagpopolong para pag usapan ang laban ng ipapasok natin dito si templo, kaya mag si upo kayo para kayong mga bata na nagaaway ng pag kain" sermon nito Umupo naman ang dalawang arka sya ay hindi na a umupo at medyo lumayo. Hindi na sya umupo sa pa baka kung ano pa ang masabi nya sa ibang arka Hindi naman sya masdayong malayo , kasi naririnig nya naman ang pinag uusapan ng mga ito. Gusto na nyang umalis sa pagpopolong dahil wala namang kwenta ito , pero para sa unang arka importante ito "Black" hindi nya pinansin ng pagtawag ng unang arka sa kanya. Nanatili syag tahimik sa gilid " Black hindi ito ang oras para halungkatin mo ang nakaraan" hindi parin sya humarap at hinayaang Magsalita ang arka " Black importante ang ating pinag uusapan dito kaya huwag ka munang maging bata" napangiti sya ng mapait s tinuran ng ikatlong arka Bata? Ngayon palang sya tumutol sa pinag uusapan ng mga ito ay tinawag na syang bata. Hindi pagiging bata ang masaktan, hanggat may damdamin ka masasaktan ka " Bata? Hindi nyo kailangan ang presensya ko, kasi alam natin na tutotol kayo sa mga opinyon ko" " Black hindi iyon pagtutul, kailangan natin ng bagong myembro dito sa te--- "Bagong myembro? Kaya ng diba namatay si light dahil sa may pinapasok tayo noon na bago? Gusto nyo ri bang may susunod? Sabihin nyo lang at ako mismo ang papatay" walang emosyon nyang saad Nakatalikod parin sya sa mga ito habang naka upo sa madilim na bahagi ng lugar na pinag popolungan. Natahimik ang mga ito. Ang mga tinig lang nga mga owl ang naririnig sa gabing yun Tumayo sya sa pagkakaupo at akmang aalis na nang magsalita ang master " iba na ito black hindi na namin hahayaan na may mamatay uli" "Hindi hahayaan master? Pero plano nyong magpadala ng mga tauhan natin sa mafia na yun para ano para ipapatay..." Humarap sya at pinagkatitigan ang mga ito " alam natin kung kaano sila hayop kaya bakit ako papayag na magpadala ng mga taohan doon" " Anong silbi ng kanilang natutunan kung hindi sila ipanglaban?" Tanong ng ikaanim na arka " Ei anong silbi ng inyong ipapasok dito kung wala silang alam?" Tanong nya pabalik na puno ng galit Hindi nakapagsalita ang mga ito at yumuko nalang. Tama sya, kahit anong gawing laban ng mga ito wala parin silang mga silbi. Pero di rin nagtagal ang katahimikan ng magsalita ang ikasampong arka " So gusto mong iparating na kung sino ang makakatalo ng gropong iyon ay pwede ng makapasok dito at maturuan" Gusto nyang palakpakan ito dahil sa mabilis nito maintindihan ang gusto nyang ipahiwatig. Pero nakakawalang respeto iyon sa isang arka na palakpakan ka ng hindi ka naman sumali ng conpitisyon Naglakad sya pabalik sa gropo at umupo sa kanyang pwesto na kanyang iniwan. Hindi na uli ipapahamak ang kanyang mga tauhan. Nawalan na sya ng taong sobrang halaga sa kanya kaya hindi nya hahayaan uli na may mapahamak na studyante nya Kung ipapahamak ng mga ito ang mga ninja sa templo, hindi nya iyon hahayaan. Tututol sya kahit pa magdeklara pa ang mga ito ng gera laban sa kanya. Hindi na nya hahayaan pa na may malalagas sa kanyang mga tinuruan " Papayag ako na ako ang magtuturo sa ipapasok pero dapat sila ang lalaban sa mga mafia na iyon" malademonyong saad nya Napa ismid naman ang mga arka sa kanyang sinabi " you're choice" Nagbulong bulongan naman ang mga ito tungkol sa kanyang sinabi. Wala syang paki at masama lang ng ngumiti sa kanyang mask. Napatingin naman sya sa master, walang emosyon ang muka nito na nakatingin din sa kanya Tumayo ang master at nagbigay ng sign na pasundan ito. Tumayo sya at sumonod sa master na naglakad papunta sa labas ng pinagpolungan . Natag puan nya ang master na tahimik na nakatayo sa mapadilim na bahagi silid at nakatingin sa labas templo na tahimik Tumikhim sya para makuha ang attention nito. Hindi ito tumingin sa kanya at nakatingin parin sa madilim na kabundukan. Alam nya na galit ito kaya sya nito dinala dito " What are you thinking, black? " Napakonot noo sya sa tanong nito Tamabi sya dito at tumingin sa sa madilim na kagubatan " wala, dapat bang may iniisip ako tungkol sa sinabi ko " " Black alam natin kung bakit mo ito ginagawa?" " Alam mo naman pala kung bakit , bakit kapa nagtatanong" walang ganang sabi nya Nakaramdam sya na may humaplos sa kanyang likuran. Lumingon sya at nakita ang nang uuyam na lolo nya " Limang taon na ang lumipas apo kailangan mo ng kalimutan iyon. Nanahimik na si sakura, kaya patahimikin muna rin sya sa puso at isip mo" sabay turo nito sa kanyang puso at isip Matagal na nga ang lumipas pero parang kahapon lang iyon nangyari. Napakasakit parin, bagong bago pa ang sugat na iniwan nito sa kanya " Matagal na nga pero parang kahapon lang iyon nangyari" malungkot nyang saad Masakit parin para sa kanya ang nangyari lalo na dahil sa halos kapatid na nya sa light. Naramdaman nya ang luha na pumatak sa kanyang muka. Mabilis syang tumalikod sa kanyang lolo at mabilis na ng lakad paaalis Talon at takbo ang kanyang ginawa sa mga bubung sa mga silid ng mga ninja na kanyang tinuruan. Mabilis ang kanyang kilos hanggang sa dumating sya saa paborito nilang lugar ng kaibigan Tinanggal nya ang takip sa kanyang muka at naglakad sa isang madilim na bagahi nito at doon umiyak " patawarin mo ako Sakura hindi kita natulungan" saad nya habang humikbi ' Run black, patawarin mo ako pero di ko kaya na ipahamak ka" napatingala sya ng maalala ang huling sinabi nito bago sya nito tinulak para tumakbo Mabilis ang kanyang kilos at umalis sa lugar. May alam si sakura, at gusto nya iyong malaman kung bakit nya ito sinabi CZARINA SALEM
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม