INNOCENTLY DANGEROUS 5

857 คำ
Halos araw-araw, nagkikita kami ni Javi. Minsan pumupunta kami sa shooting range. Or kuwentuhan lang sa park. Magaan ang loob ko sa binata. "Kamusta naman ang pagiging Salvacion?" Natatawang tanong ko rito. Kilalang isang malupit na Mafia Boss si Caden Salvacion. Kaya pagdating sa negosyo, walang puwedeng bumangga rito. "Kahit hindi ako Salvacion, guwapo pa rin ako," nakangising sagot naman ng binata. Huminga naman ako ng malalim. "Ikaw Grace, ano ang plano mo?" Tanong niya na nakatitig sa akin. "Siguro, I need a vacation muna. Maybe, after six months, babalik ulit ako dito. Babalik ulit ako sa serbisyo." "How about your twin sister?" Mahinang tanong niya na parang diniin ang sister na salita. Kung halos pitong taon akong na coma, anong nangyari na sa kakambal ko? Kailangan ko rin umuwi para bisitahin ito. "Uuwi ako at hahanapin ko siya," maiksing sagot ko kay Javi. Napatingin ako kay Javi na nakatitig ito sa kan'yang cellphone. Isang napakagandang babae na may kalong-kalong na kambal na lalaki. " My sister, Cassy" nakangiting saad niya. Ang ganda niya. Ang kan'yang mga mata, parang magkahawig kami. " Babies niya?" Tanong ko kay Javi. " Yeah, like you and Gretta. Nagsilang din ang kapatid ko ng twin." " Wow! Ang guwapo siguro ng ama nila, may foreign blood ba ang Daddy nila?" "Yeah. Hindi mo ba nakikita ang mukha ng kapatid kong babae? Medyo hawig kayo," Nakangiting saad ni Javi sa akin. "Marami magkawahig kahit hindi magka-ano-ano. Oo nga pala, tuloy ang uwi ko on the next day," seryosong saad ko. "Sure. Sabay na tayong dalawa, since ikaw lang naman ang hinihintay ko." Napatingin naman ako kay Javi. Strange. Parang lagi nakadikit si Javi sa akin. "Uwi na ako, tatawagan na lang kita," saad ko rito at tumayo na. "Grace?" "Why?" "Stay safe. Nandito lang ako if you need help," mahinang saad niya. Ngumiti naman ako. "Thanks." Sinulit ko ang natitirang araw dito sa Germany. Sa pitong taon na coma ako, malaki rin ang binagsak ng aking katawan. May peklat din ako sa mukha pero hindi na itong halata. Napag-usapan namin ni Javi, sa airport na kaming dalawa magkikita. Pagdating ko sa airpot, nauna pa ako rito. "Parang babae ka gumalaw," nakaismid na saad ko rito. "Dinaanan ko pa si Tiger. At wala pang fifteen minutes na late ah." Hindi na ako umimik. Ayoko sa lahay ay makipagbangayan. Magkatabi naman ang upuan namin ni Javi. Siya lang ang panay nagsasalita at nagkukuwento ng kung ano-ano. "May gusto akong babae, kaso lagi lang niya akong tinutukan ng baril," aniya sa akin. "Name," tamad na saad ko rito. "Si D. Kilala mo naman siya, right?" Tumango naman ako. Of course, kilalang-kilala ko si Maria Dianne Cole. "Ang malas niya kapag ikaw ang magkatuluyan," sagot ko naman at pumikit na lang, "Wow. Ako talaga. Sa guwapo kong ito?" "Whatever, Javi." Dahi na rin sa pagod at medyo puyat rin ako, nakatulog naman ako sa biyahe. Nag-stop over muna kami sa Taiwan. Sa haba-haba ng biyahe namin, naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. Si Javi na ri ang naghatid sa condo ko. Sinabi ko na rin kay Van na nasa Pinas na ako. Sa isang araw na kami magkikita at alam kong abala ito sa trabaho niya. Nagpahinga lang ako saglit at pumunta sa KING DRAGON Bar. Nah, hindi naman totally na bar ito. Dahil may underground ito sa baba. Si Van, kasapi rin siya rito. Yes, I'm the founder. Dito lahat ginagawa ang transaction ng mga illegal na negosyo. Lalong-lalo na ang mga droga. Pagdating ko sa bar, nagulat pa ang pansamantalang namamahala pagkakita sa akin. "B-Boss G!" "Hi. Anong ganap dito?" bungad na tanong ko at diretsong pumunta sa main office ko. Nakasunod naman ito sa aking likuran. Pagdating sa opisina ko, halos wala naman itong binago. "Si Boss Van po ang lagi pumupunta at pansamantala hinahawakan ang KING DRAGON BAR. Okay naman ang income ng bar at wala naman problema." Tumatango-tango naman ako. "Good. So, pumunta ba dito ang kapatid ko?" tanong ko habang binubuklat ang mga record ng transaction. Magkamukha kami ni Gretta pero kilalang-kilala ng mga tauhan ko kung sino ang tunay na Grace na boss nila. Bukod sa may Tattoo ako sa dibdib, iba ang kilos at pananamit ko. May isang tattoo pa ako sa leeg. At lalo malalaman nila kapag pumunta ang kapatid ko at magpanggap na ako, hindi siya makapag-access sa opisina ko. Kailangan ng eye scanner lahat ng private room na laman ng mga mahahalagang bagay na nakatago rito. "B-Boss G," malungkot na tawag sa akin ng aking tauhan. Nakakunot naman ang noo ko na nakatingin rito. "Why?" "W-Wala na ang kakambal mo. At nasa panganib na rin ang buhay mo." Nanlalaki naman ang mga mata ko. "A-Anong ibig mo sabihin?" "Pinatay nila ang kakambal mong si Gretta. At may gumagamit naman sa katauhan mo habang wala ka dito. Inaayos na po ito ni Boss Van." Nanlumo naman ako sa aking nalalaman. Nanliit naman ang aking mga mata. "Sino ang pumatay sa kakambal ko?!" galit na tanong ko sa aking tauhan. "Ang grupo ng mga kilalang pulis. Ang mga kasamahan at kaibigan ni Ziandra Athena Santiago."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม