Araw-araw halos nandoon ako sa KING DRAGON. Ako na muna ang nagmanage habang abala naman si Savannah sa lalaking nangangalang Kurt Fuentebella.
"Boss, may nanggugulo sa baba," bungad sa akin ng bouncer.
Mahigpit ko kasi pinagbabawal dito sa bar na bugbugin ng mga bouncers ang mga kustomers.
"Okay, ako na bahala," saad ko rito.
Agad naman ako bumaba at pinuntahan ang nanggulo.
"f**k you! I'm a f*****g Geller!"
Napatingin naman ako sa lalaking nagsisigaw.
Pilit ko inaalala ang lalaking nasa harap ko. Kahit matagal na panahon na nagkita kami hindi ko pa rin ito nakalimutan.
Tyler Geller.
Tumikhim naman ako. Humarap ito sa akin lat nakakunot ang kan'yang noo.
"D-Damn! It's you!" aniya na nangingislap pa ang mga mata.
Sinenyasan ko naman ang bouncer na ako na bahala rito.
"Come with me," mahinahon na utos ko rito.
Agad naman itong sumunod sa aking likuran.
"Grace?"
Napangiti naman ako dahil naalala niya pa ako.
Naririnig ko pa ang pagbuntonghininga niya. Pagpasok sa opisina, parang bossy itong umupo sa swivel chair ko.
"Hinanap kita ng ilang taon. It's a f*****g 7 years, bakit ngayon lang kita nakita? Kung alam ko lang na nandito ka sa Pilipinas at dito rin sa KING DRAGON BAR ka nagtatrabaho, sana hindi ako natagalan sa paghahanap sa'yo," mahabang litanya niya sa akin.
" Na coma ako, halos pitong taon. That's why hindi mo naganap," tamad na sagot ko naman.
Napanganga naman ito. "W-Why? Anong nangyari sa'yo?"
"You know what job I have. I'm a soldier. Laging nasa hukay ang kabilang paa namin," seryosong saad kk rito.
Tumikhim naman ito. Tumayo ito at lumapit sa akin. Matangkad ako. Pero nanliit naman ako dahil sobrang tangkad ni Tyler.
" So, dito ka ba lagi? Isa ka ba sa manager dito sa KING DRAGON?" tanong niya.
" Nope. I'm the owner."
Napanganga naman ito sa akin.
" Oh. R-Really? Ahm...I wonder, alam mo pala ang mga nagaganap lahat dito," aniya na napalunok ito.
Ngumisi naman ako. "Everything, Mr.Geller. Any of transactions, dumadaan sa akin."
Napabuga naman ito ng hangin. "May I know where you live?"
Ngumiti naman ako. "Will you come with me now?"
"Oh, damn! Sure!" mabilis na sagot niya.
Napapailing na lang ako rito.
Agad ko naman binilin sa mga tauhan ko na bantayan ng maigi ang bar.
"Convoy ka na lang sa akin," saad ko sa binata.
Kumuha kasi ako ng bahay sa isang subdivision. Nahirapan kasi ako umuwi sa condo unit ko dahil malayo pa ito. Mas malapit ang subdivision sa bar ko.
Medyo malaki ang bahay na binili ko at malapad ang space, lalo na sa parte ng garden at ang garahe.
"Nice place. I like the ambiance," aniya ng binata habang papasok na kami sa loob.
"Thanks. Actually, kahapon lang ako lumipat dito. Dahil pinaayos ko muna ang gamit dito bago ako lumipat," saad ko.
Pumunta ako sa kusina at nakasunod naman sa akin si Tyler. Kumuha ako ng karne sa ref at mga gulay.
"Grace?"
"Yes?" Nakangiting sagot ko.
"P-Puwede ba kitang ligawan?" Mahinang tanong niya.
Mahina naman akong napatawa.
"Ayoko ng commitment," diretsong sagot ko sa kan'ya.
Humarap ako rito. "Anong alam mo sa relasyon, Mr.Geller?"
"Ahmm..I can promise naman sa'yo na hindi kita lolokohin. Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Simula na nakilala kita noon, hindi ka na nawala sa isipan ko," seryosong sagot naman niya.
Napailing-iling naman ako.
"Ganoon naman kayong mga lalaki. Sa una lang malambing. Sa una lang maalalahanin at syempre sa una lang mapagmahal," nakangising saad ko rito.
" Gan'yan ba ang tingin mo sa akin?" paos ang boses na tanong niya.
Lumapit ito sa akin at hinapit ang aking baywang. Nakatitig ito sa mukha ko at nagsalubong naman ang mga mata namin.
Sobrang ganda ng kulay berde niyang mga mata.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Diretsong tanong ko sa kan'ya.
"Nope. Kahit sino ka pa, wala akong pakialam."
Tumatango-tango naman ako.
"Lagi nasa panganib ang buhay ko. Kapag pumasok ka sa buhay ko, kasa-kasama ka sa mga gulo na kinasangkutan ko," mahinang saad ko rito.
Ngumiti lang ito sa akin at walang sabi-sabing sinakop niya ang aking mga labi.
Napasinghap pa ako ng binitawan niya ang aking labi.
" Kahit anong gulo sa buhay mo, hindi kita iiwan. Matagal kitang hinanap. Ngayon na natagpuan na kita, hindi na kita papakawalan."
Ngumisi naman ako. " Let's just see."
" It's a yes?" Nakangiting tanong niya.
" Maybe. Pero for now, walang label muna. Saka na natin ito seryosohin kapag desidido na tayo sa isa't isa at talagang tayo na talaga sa isa't isa," saad ko naman.
Umigting naman ang panga niya.
"Okay. Pero, ako lang dapat ang lalaki sa buhay mo. Ganoon din ako, ikaw lang ang babae sa buhay ko."
Naningkit naman ang mga mata ko.
Sobrang bilis. Pero tingnan ko lang kung tatagal siya sa akin.
I'm just starting my game.