Inabot na kami ng madaling araw dahil sa lahat ng nangyari. Pagod na pagod ako at puyat na puyat kaya nakatulog agad ako pagkahiga sa kama ko. Tanghali na ng nagising ako, ginising ako sa katok ni Rod sa pinto. "Baby! Gising na! Emergency!" Napabalikwas ako ng bangon pagkarinig sa salitang emergency. Ano na naman ba ang problema? Tinungo ko ang pinto at pinagbuksan si Rod. "Why baby? Ano'ng problema?" "Nawawala si Milet!" Bungad agad nito sa akin. Ano daw? Nawawala ... hindi nagsisink-in sa utak ko. "Saan siya nagpunta?" "She went to the school this morning, monitoring the investigation when we lost our contact with her." Sinubukan ulit i-dial ni Rod ang number ni Milet pero out of reach na 'to. Nag-ring ang phone ko na nasa side table, "teka saglit." Kinuha ko ang phone at sinagot.

