Hinatid kami ng driver ni Papa Mula Manila hanggang Doña Trinidad. I and Kuya arrived in school around 6am, bitbit ang mga pasalubong kina Daisy at Emma. Sakto lang kami sa pagbukas ng gate. Inaantok pa 'ko. Imagine, we woke up 1am para mag-prepare, then 4 hours drive. Mas gusto kong matulog sa Dorm kaysa pumasok. Ang kaso, may mission pa ako. Pumasok kami ng campus, saktong binubuksan na rin ang gate ng Annex Building na mukhang rehas sa kulungan. Wala man lang design para magmukhang disente at kaaya-aya para sa private school. Tumingin sa amin ang male guard na parang nanunuri. "Saan kayo galing?" "Sa Manila po." Tipid na sagot ni Kuya, saka hinawakan ako sa kamay at inakay papasok ng Annex. Wala pang ibang tao. Lumabas kami sa likod ng Annex at dumiretso sa dorm. Tiningnan din kami

