"Ang sungit talaga ng kuya mo," pagmamaktol ni Athena sa kaibigan.
"Hindi ka na nasanay d'yan, kahit nga ako laging sinusungitan. Kaya nga gusto kong makaalis dito sa San Fabian para malaya na akong gawin ang gusto ko."
"Kulang lang 'yan sa pagmamahal. Paano walang girlfriend."
"Sabihan ko nga si Ate Lilibeth na sagutin na si Kuya Kent. Para mawala na rin ang atensyon niya sa 'kin, di ba?"
"No!" mabilis niyang sabi.
"Kung maka-no ka wagas ah! Don't tell me gusto mo ikaw ang maging girlfriend ni Kuya? Paano na 'ko pupunta sa Paris niyan?"
"What do you mean paano ka pupunta sa Paris? Anong kinalaman ng kuya mo dun?"
"E di ba nga sobrang higpit niyan ni Kuya. Kung magiging boyfriend mo siya, imbes na ako ang dalhim mo sa Paris, pati ikaw mabubulok dito. Hindi pwede 'yun."
Hindi niya masalungat si Kaira. Noon pa man ay gusto na nitong umalis sa San Fabian para hanapin ang kapalaran sa siyudad. Mataas ang pangarap nito. Gusto rin nitong maging modelo balang-araw. Hindi nito gustong matali sa bukid na katulad ng gustong mangyari ng kapatid nito na si Kent.
Kaira’s dreams were far different from hers. While Kaira longed for the spotlight and material success, she yearned for a quiet, simple life on a farm. Kaya nga siya pabalik-balik dito sa San Fabian. Kaya niya rin siguro naging malapit na kaibigan si Kaira. Kung puwede lang ay makipagpalit siya ng posisyon dito para dito na siya manirahan at ang kaibigan na lang ang magpunta sa Maynila. Pati ang pagpunta sa Paris ay hindi niya rin kinasasabikan. Kailangan lang niyang samahan ang pinsan na si Tiffany na napangakuan niya na.
"Let's make a deal."
"Anong deal?"
"I will help you make your dreams happen, pero sa isang kundisyon."
"Anong kundisyon? Ilalakad kita kay Kuya no?"
"Paano mo nalaman? Am I that obvious that I like him?"
"Oh em gee, Athena. I can't believe it!"
"Huwag ka ngang maingay, baka nasa labas lang 'yang kuya mo nakikinig. Deal or no deal?"
"Ano nga ang deal? Kung ilalakad kita kay Kuya, may nililigawan na nga 'yan, si Ate Lilibeth. Mas bagay sila nun kasi parehong conservative na ewan."
"That's your mission from now on, ang ilayo ang kuya mo sa babaeng 'yun. I will be staying for two weeks, that's enough time for me to seduce your brother."
"Pero di ba pupunta kayo ni Tiffany sa Paris?"
"Yes. Pero kung magagawa kong maging boyfriend ang kuya mo sa loob ng dalawnag linggo, isasama kita sa Paris pag-alis namin ni Tiff. All expense paid."
"W-wait... Sandali nga... Seryoso ba 'to?"
"Hundred percent. Gusto mo gawan pa natin ng contract," nakangiti niyang sabi. Alam niyang hindi siya hihindian ni Kaira dahil dream country nito ang nakasalalay.
"Okay... I'm so excited I can't breath. Makakarating ako sa Paris? Pero paano mo maakit si kuya e ang sungit-sungit nun?"
"Pag-isipan mo na kung pa'no. Hindi ko patutuluyin ang bodyguard na ipapadala ni Dad para makakilos ako nang maayos. Huwag ka na munang komontra sa kuya mo kung gusto niyang nandito ka sa bahay. Sasamahan na lang kita palagi."
"Gusto mong mapalapit kay Kuya no?" tudyo sa kanya ni Kaira.
"Of course. I only have two weeks to seduce your brother."
"Okay, deal. Maaga siyang nagpupunta sa bukid, mahilig 'yun magkape, pero sa gabi minsan umiinom siya ng beer o red wine habang nagpapahinga sa silong ng acacia."
"Anong paborito niyang pagkain?"
"Kahit ano na may sabaw. Sinigang, bulalo, sinampalukang manok. Don't tell me pati pagluluto ka-career-in mo para maakit ang kuya ko?"
"Why not? Magaling magluto si Daddy at alam kong lutuin 'yang mga sinasabi mo. Nagdadala kaya si Daddy ng native na manok sa bahay."
"Bahala ka nga. Sige, pero hindi ka matutulog dito sa kwarto ko. Mainit dito tsaka makalat, nakakahiya sa 'yo."
Lihim siyang napangiti. Kahit paano nakuha niya na ang commitment ni Kaira. Commitment na lang ni Kent ang kailangan niyang makuha,
Pagbalik niya sa bahay nila ay naroon na ang Lolo at Daddy niya. Siya na ang nagpresenta na maglinis sa kusina pagkatapos dahil matanda na rin naman si Nana Rosa. Natutuwa naman ang Daddy niya dahil marunong silang magkakapatid sa gawaing bahay.
Kinabukasan ay maagang umalis ang Daddy niya sa San Fabian. May dahiln siya para gumising nang maaga dahil siya ang nagtimpla ng kape nito. Inihatid niya ito ng tanaw hanggang mawala sa paningin niya ang mamahalin nilang sasakyan.
Ang kasunod niyang pinagmasdan ay ang pagsikat ng araw sa harap ng bahay nila kung saan din matatanaw ang malawak nilang lupain. Tila nagkulay ginto ang hindi pa nagagapas na palay sa pagsikat ng bukangliwayway. Hindi siya siya magsasawang pagmasdan iyon. This is the kind of morning she wants to wake up to every day. The cold breeze, the golden rays of the sun, and the quiet world around her.
Tulog pa ang Lolo niya kaya't naisipan niyang magtungo na sa bahay nila Kaira para simulan ang plano niyang akitin si Kent. Malayo pa lang ay tanaw niya na ang binata na nagkakape sa ilalim ng punong acacia. Hindi niya alam kung bakit mas malakas ang t***k ng dibdib niya ngayon. Dahil ba hindi na si Kaira ang sadya niya kung hindi ito na mismo?
Inaasahan niya nang aalis ito sa kinatatayuan katulad ng dati, pero ngayon ay nanatili itong nakatayo roon hawak ang tasang dinadala sa labi. Habang papalapit ay naaaninag niya na ang kusot nitong noo na tiyak niyang dahil sa kanya.
"Good morning. Is Kaira still sleeping?" tanong niya nang marating ang kinaroroonan ni Kent.
"Wala pang alas sais, Mahal na Prinsesa. Hindi ba dapat nasa higaan ka pa at mahimbing na natutulog katulad ng kapatid ko?"
"Maaga akong gumising kasi maagang umalis si Dad. At maaga rin akong gigising bukas at sa mga susunod na araw dahil dalawang linggo lang naman ako dito. Gusto kong sulitin."
"Two weeks? Tapos aalis ka na?"
"Bakit parang gusto mo akong itaboy? Hindi ba ako apo ng may-ari ng lupang nasa harap natin? Hindi ba ako nakatira sa bayang ito?" naiinis niyang wika. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang inis ni Kent sa kanya.
"Bumalik ka na lang mamaya kapag gising na si Kaira. Pupunta na 'ko sa bukid, wala kang makakausap dito."
"I want to go with you."
Naningkit ang mga mata nito. "Gagawin mo pa akong yayo mo?"
"Ipinakiusap ni Dad na bantayan mo 'ko habang wala pa si Ortiz. Gusto kong maglibot sa farm at makalanghap ng sariwang hangin."
"Busy kami dahil maraming aanihin. Kapag hindi natapos ang trabaho at naabutan ng namumuong bagyo, malaki ang ikalulugi ng farm. Hindi kita mababantayan, Athena."
"Sabihin ko na lang kay Dad na ayaw mo 'kong samahan." Lumabi siya pero mas lalo itong nainis.
"Of course. Just your usual spoiled princess who thinks everything should go her way. Iistorbohin mo ang pag-aani namin dahil sa kapritso mo."
Napikon siya sa sinabi nito. Pero tama si Kent, hindi niya puwedeng ipilit ang gusto niya dahil mas importante na makapag-ani ang mga ito nang marami.
"I'm sorry. Sige, hihintayin ko na lang magising si Kaira para sabay kaming pupunta sa bukid."
Sandali naman itong tumahimik. Inaasahan niyang may ibabato pa itong opinyon sa kanya pero isang buntunghininga na lang ang pinakawalan nito.
"Pumasok ka na sa silid ni Kaira nang magising na siya at makapagluto." Hinawakan nito ang siko niya para igiya sa loob ng bahay. May kung anong kuryenteng hatid ang pagdidikit ng kanilang balat na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya. At dahil gahibla lang ang pagitan nilang dalawa, amoy na amoy niya ang sabong panligo na ginamit nito.
So masculine and undeniably attractive. Sigurado na siya ngayon na gusto niya ngang maging boyfriend si Kent. Gagawin niya ang lahat para magustuhan siya nito kaysa ang Lilibeth na 'yun. Papayag siyang dito manirahan pagkatapos niya ng college. Isang semestre na lang naman.