Chapter 5

1506 คำ
"Aalis din ako bukas, Athena. Hindi ko pa naipaalam sa Mommy mo na nagpapaiwan ka dito." Narinig ni Marcus na nag-uusap ang mag-ama. Hindi niya gustong sulyapan si Athena dahil sa sulok ng mata niya'y alam niyang sa kanya nakatutok ang mga mata nito. Hindi niya gustong isipin ng dalaga na gusto niya itong titigan nang malapitan. "I'll call her, Dad. Matutuwa pa nga 'yun kapag nalaman niya na gusto kong mag-stay dito." "You'll get bored." "No, I won't. Marami akong puwedeng pagkaabalahan dito." "Wala hong magagandang pasyalan dito kumpara sa Maynila, Ma'am Athena," hindi niya napigilang makisali na sa usapan ng mag-ama. Halata naman na ayaw ring iwanan ni Marcus ang anak, mapilit lang talaga ang dalaga. "Pero may mga ilog at malapit lang ang magagandang beaches. Kahit ang Baguio ilang oras ko na lang ida-drive kung gusto ko." Matamis ang ngiti nito nang sumagot. Pakiramdam pa nga niya'y nilagkitan pa nitong lalo ang tingin sa kanya. "Palagay ko'y kailangan mo ng ibang kasama kung paglilibang ang pakay mo sa pag-uwi dito. Hindi ka masasamahan ng kapatid ko dahil maraming trabaho sa bukid." "Pagtatrabahuhin mo sa bukid ang kapatid mo? Hayaan mo lang na makapaglibang din at masamahan si Ma'am Athena kung saan gustong pumunta, Kent," sabat ng Itay niya. Napatingin pa nga ito kay Marcus na tila nahihiya dahil inilalayo niya si Kaira kay Athena. "Hindi ho, 'Tay. Pero wala hong gagawa ng mga trabaho sa bahay kung pareho kaming wala. At wala rin naman akong nakikitang masama kung tutulong siya sa bukid natin katulad nila Aling Loring." "Lahat ba ng babaeng nandito sa kubo trabahador sa bukid?" tanong ni Athena sa kanya. "Yes." "Kailangan nating palitan ng mga lalaki, Dad. Kawawa naman sila nasa gitna rin ng initan o sumasabak sa ulan kapag masama ang panahon." "Ganoon ho kalakas ang mga babae dito, Ma'am Athena. Wala silang pakialam sa ulan o init ng araw kahit pa ikaitim ng balat nila. Hindi ho sila tulad ng mga taga-Maynila na makeup at pagpapaganda lang ang alam." "Oh? Is that really how you view city women? That we only care about appearance and makeup?" Tila naghahamon ang tingin nito na nawala ang ngiti. "Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin," pagpapakumbaba niya. Nahihiya lang siya dahil naroon si Marcus. Pero kung wala ang ama nito ay magtutuloy-tuloy ang diskusyon nila. "I think I want to stay longer than a week, Dad. Gusto kong patunayan kay Kent na hindi lang pagpapaganda ang alam ko." Muling sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito na ikinakunot ng noo ni Marcus. Napasama pa yata ang sinabi niya dahil mas lalo itong magtatagal sa San Fabian. "I'm sorry, hindi ko ho kayo gustong hamunin. Ipagpaumanhin niyo ang nasabi ko." "How sorry are you?" hamon pa nito. "Hindi na ho ako magbibigay ng opinyon na patungkol sa mga kababaihan sa Maynila." "Let's hire more men to work in the field. Hindi ko gustong nasa gitna ng bukid ang mga babae at pinapantayan ang lakas ng mga lalaki." "Hindi ho puwede ang sinasabi mo. Marami ho sa mga 'yan ang umaasa sa kita ng pagtatrabaho sa bukid." "Nasaan ang mga asawa nila?" "May ibang biyuda na, may ibang hiwalay sa asawa, o ang iba ay trabahador din sa bukid pero kailangan nilang tumulong dahil sayang nga naman ang kita. Hindi naman ho sila anak ng mayaman na katulad ninyo." "As I mentioned, Dad, maybe we should consider hiring men instead of these women.” "Hindi na nakikialam ang Daddy mo sa pamamalakad dito, Ma'am Athena. Ipagpaumanhin ninyo, pero ako ho ang masusunod." "I’m going to launch a livelihood initiative to help women explore and develop new skills.. Sasagutin ko ho ang training at materyales na gagamitin. Sino ho ang gustong magkaroon ng sariling negosyo balang-araw?" Sigaw nito na ikinalingon ng mga babaeng trabahador. Ikinagulat niya ang proposisyon nito. "Ano hong livelihood iyon, Ma'am Athena." Curious naman ang lahat sa sinabi nito. Mababakas sa mukha ng mga kababaihan ang tuwa kahit pa hindi pa naman nila alam kung ano ang tinutukoy ng magandang babaeng kaharap nila. Sa murang edad ay ganito na ito ka-confident. Lumapit na ito sa mga kababaihan doon at nagsimulang ilahad kung ano ang plano nitong proyekto. Hindi alam ni Marcus kung matutuwa o matatawa na lang sa anak. "That's the blood of an Albano," naiiling nitong wika. "Kung ako sa 'yo, hindi na 'ko makikipagtalo." Pero hindi na gustong sumuko. Alam niyang iniinis lang naman siya ni Athena, na kung bakit ay hindi niya rin alam. Dahil ba lantaran niyang pinapahiwatig na hindi niya gusto ang pananatili nito sa San Fabian? Gusto lang naman niyang ilayo si Kaira dito. "Siguro nga ho, makakapagbigay siya ng training sa mga 'yan ngayon. Pero hanggang kailan? At saan ho maaaring mamasukan ang mga 'yan pagkatapos ng kurso e puro bukid naman ho ang nandito?" tanong niya kay Marcus. Kung mayroon mang makakasupil sa babaeng ito ay walang iba kung hindi ang ama nito. "Hindi ko rin alam, Kent. Pero hayaan na muna natin sila dahil mukhang interesado naman ang mga trabahador. Pagkatapos ng ani, wala ka naman gaanong gagawin muna, hindi ba? Maaari mo bang bantayan pansamantala ang anak ko habang hindi pa nakakarating ang bodyguard niya dito?" "Ako ho ang magbabantay sa kanya?" Gusto niyang sabihin na iwas na iwas nga siya kay Athena, bakit siya magbabantay? "I need to leave early tomorrow. Wala akong ibang mapagkakatiwalaan kung hindi kayo ni Mang Temyo at si Itay. Pero hindi siya mababantayan ni Itay sa labas ng bahay kaya't kayo ni Kaira ang puwede kong pakisuyuan." "W-wala hong problema." mahina niyang sagot. "Paratingin niyo lang ho sa lalong madaling panahon ang bodyguard niya dahil matigas ang ulo ng anak niyo. Baka ho makapalo ako ng bata kapag hindi ko nasupil." "Salamat, Kent. Puntahan ko muna ang kamalig habang nandito si Itay at Mang Temyo." Tinapik nito ang balikat niya bago tumalikod. Tinungo nito ang kotse matapos ayain ang Itay niya at si Antonio. "Bata pala ha... Baka gusto mong patunayan ko sa 'yo na hindi na 'ko bata." Napalingon siya kaagad nang magsalita si Athena sa likod niya. Mabuti na lang nakaalis na rin ang mga trabahador na pabalik na rin sa bukid. "Kasing-edad mo lang naman si Kaira, kaya bata pa ang tingin ko sa 'yo." "I'm old enough to be your girlfriend. Anong edad ba ang tipo mong maging kasintahan para ituring mo akong bata?" "I'm almost twenty seven. Huwag mong sabihing ganitong edad ang gusto mong maging boyfriend?" Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan niya. Ngayong silang dalawa na lang ang naiwan dito, hindi na siya papayag na matalo sa diskusyon. "Why not? Gusto mong subukan natin? We might work it out---" Bago pa matapos ang sasabihin nito ay tumawa na siya nang malakas. Natuwa siya nang maningkit ang mga mata nito. "Anong nakakatawa?" "You are not my type. Miss Silvana." "Because?" "Because you are so... vulgar, so... liberated... Lantaran mong nilalantad ang katawan mo sa mga lalaki. Hindi ka ba nahihiya? Tingnan mo 'yung suot mo." Totoo naman ang sinabi niya. Nakalabas ang baywang nito dahil sa maiksing damit na hapit pa sa katawan. Kapag uupo ito tiyak na makikita na rin ang singit. Kung si Kaira ang magsusuot ng ganoon ay hindi niya ito palalabasin ng bahay. "I'll change my ways for you. Gusto mong mahaba ang suot ko? Bibili ako ng mga bagong damit." Napakunot ang noo niya. Gusto niyang kiligin kung hindi lang niya pinipigilan ang sarili. Type siya ni Athena? O gusto lang siyang gamiting libangan habang nandito ito sa San Fabian? "Kasasabi ko lang na hindi kita type. Ang bata mo pa paglalandi na ang iniisip mo. Ni hindi ka pa nakatapos ng college. Bumalik ka na sa bahay niyo dahil uuwi na rin ako. Baka may mambastos pa sa 'yo dito kasalanan ko pa." "Minsan lang ako mag-alok ng sarili ko sa lalaki, Kent." Hindi niya gustong lumingon dahil tinalikuran niya na ito. "I want you to become my boyfriend. Dalawang linggo lang ako dito kaya pag-isipan mo. Kapag nakabalik na 'ko sa Maynila hindi mo na 'ko magiging girlfriend, sige ka." "Bumalik ka na nga sa Maynila, wala kang maaasahan sa akin. Huwag mo na ring pakialaman ang kabuhayan ng mga tao dito dahil masaya kami sa mga buhay namin. Ikaw yata ang hindi masaya kaya kung ano-ano na lang iniisip mo." Bago pa ito makapagsalita ay lumakad na siya pabilis para sumakay sa luma niyang kotse. Nakatayo lang ito sa gilid ng kubo dahil wala naman itong ibang sasakyan. Lihim na lang siyang napamura bago muling bumaba ng kotse para puntahan ito. "Kailangan kitang ihatid sa inyo. Sumakay ka na sa kotse." "Sama na lang ako sa bahay niyo, wala pa sila Daddy sa bahay. Doon muna ako kay Kaira," suhestyon nito na hindi niya mahindian. Wala siyang imik hanggang makarating sa bahay nila. Sinalubong kaagad ni Kaira si Athena habang siya ay tuloy-tuloy na nagtungo sa kusina. Nanunuyo ang lalamunan niya sa pabango nitong naiwan pa yata sa kotse niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม