Nagising si Athena sa narinig na pag-uusap ng dalawang lalaki sa tapat ng binata ng kwarto niya. Hindi siya maaaring magkamali, si Kent ang kausap ng Daddy niya. Nagku-kwento ang binata ng tungkol sa bukid. Masarap pa ang tulog ni Kaira sa tabi niya pero gusto niya sanang bumangon para makaupang-palad naman ang lalaking noon pa niya crush.
"Aalis na ho ako, Sir Marcus. Puntahan niyo na lang ho ang bukid mamaya."
"Sabi ko na sa 'yo na hindi mo 'ko dapat tinatawag na 'sir'. Pareho naman tayong may-ari ng bukid. Kumain ka muna dahil maaga namang nagluto sina Nana Rosa. Saluhan mo 'ko dahil tulog pa si Athena at Kaira."
"Nagkape na ho ako sa bahay."
"Minsan lang ako magyaya sa 'yo na kumain dito, tatanggihan mo ba?" pilit ng Daddy niya na ikinatuwa niya nang lihim. Marcus Silvana doesn't take no for an answer. Narinig niyang napapayag na nito si Kent na mag-almusal kaya't dali-dali siyang pumasok sa banyo para magbihis. Hindi niya gustong bumaba nang naka-pajama pa.
Isang simpleng cotton shorts ang isinuot niya at casual spaghetti strap dahil mainit ang panahon sa San Fabian. Itinaas niya ang buhok pero hindi niya rin nagustuhan kaya't ibinaba niyang muli sa balikat. Bumaba siya sa komedor kung saan naabutan niyang nagku-kwentuhan pa rin ang Daddy niya at si Kent.
The strikingly handsome brother of Kaira sat facing the kitchen door, his eyes immediately locking onto her. At dahil puno siya ng kompyansa sa sarili, isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya dito.
"Maaga kang nagising," komento ng Daddy niya na kaagad niyang nilapitan para doon umupo sa tabi nito. "Naririnig ko pa kayong nagtatawanan ni Kiara alas dose ng gabi."
"We watched some movies and had midnight snack. Mabuti na lang bakasyon na sa school. Can I stay for two weeks before starting my job at Albano Air?"
"Kailangan ko ding bumalik sa Maynila bukas dahil may annual check up kami ng Mommy mo. Dinalaw ko lang ang Lolo mo at kailangan din niyang magpa-checkup mamaya kay Dr. Cruz."
"Okay lang naman akong maiwan mag-isa dito, Dad. Nandito naman si Lolo at si Nana Rosa. At dito rin natutulog palagi si Kaira kapag nandito ako."
"Unfortunately, Kaira has to watched my father also, Sir Marcus." Muli siyang napatingin kay Kent pero hindi na sa kanya nakatuon ang mata nito kung hindi sa Daddy niya. Na tila ba sinasabing hindi niya pinapayagan ang kapatid nito na makitulog sa kanila ng isang linggo.
"E di ako na lang ang makikitulog sa inyo."
Naningkit ang mga mata ni Kent sa kanya na kung siguro wala ang Daddy niya ay may binitiwan pa itong salita.
"You would cause inconvenience to their family, Athena. Marami na ring iniindang sakit si Temyo, huwag mo silang abalahin."
"Okay, si Mama Caroline na lang at si Uncle Joey ang magbabantay sa 'kin. Gusto ko lang naman ng sariwang hangin at magandang tanawin na wala sa Maynila, Dad. Alam mo namang mahal ko ang lugar na 'to."
Isang buntunghininga ang pinakawalan ng Daddy niya. Kahit naman ito gustong manatili sa San Fabian, kung hindi lang ito tali sa maraming responsibilidad sa Albano Corp. Kaya nga madalas pa rin silang umuwi dito, madalas ay kasama ang Mommya niya at dalawa pa niyang kapatid. Iyon din ang dahilan kung bakit malapit sa puso niya ang San Fabian. Dito siya ipinanganak, nagka-isip, at kahit sa Maynila na sila nanirahan nang magsimula na siyang mag-aral, madalas pa rin silang umuwi dito dahil ayaw pakawalan ng Daddy niya ang ilang ektaryang taniman nila ng palay. May shares din sila sa kompanya ng Mama Caroline niya na ngayon ay siya ang tumatanggap ng income.
"Okay, two weeks," pagsuko ng ama sa pagmamatigas niya. "Pero hindi ka aalis dito sa bahay nang hindi kasama si Nana Rosa, tatawag kang madalas sa amin ng Mommy mo, at hindi ka rin lalabas ng bahay pagpatak ng alas siyete ng gabi."
"I go out with my friends up until eleven o'clock in Manila, Dad," katwiran niya. Wala naman talaga siyang ibang pupuntahan dito dahil si Kaira lang at ilang kaibigang nasa palibot lang din ng bahay nila. Pagdating ng alas siyete ng gabi ay tahimik na ang paligid at madilim na ang mga kalsada. Gusto lang niyang inisin si Kent na tila kanina pa gustong sumabat sa usapan nilang mag-ama. Natutuwa siyang kapag sumasagot siya ay nakikita niya ang paggalaw ng Adam's apple nito at ang mga mata'y may binabadyang kung anuman.
"Gusto mo bang dalhin ko dito ang mga bodyguard ninyong magkakapatid nang hindi kami nag-aalala?"
"Dad?!"
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ng ama. Alam nitong ayaw na ayaw niyang may aninong bubuntot-buntot sa kanya.
"Para namang may gagalaan dito ng alas siyete ng gabi? I'll be okay here, Dad. I promise, I won't do anything that would make you and Mommy worried."
"Hindi ka ba mabo-bored dito dahil mas sanay ka sa Maynila?" Mahinahong tanong ni Kent sa kanya. "Ngayong bakasyon ni Kaira sa eskwela, kailangan niyang tumulong sa mga gawaing bahay na hindi ko na maharap. Maraming trabaho sa bukid."
"No, Kent. In fact, I am considering visiting the farm of my father during my stay here. Mahilig din kasi ako sa pagtatanim at marami akong gustong matutunan para mapalago ang palayan namin."
"Pupunta ka sa bukid? Bubulabugin mo lang ang mga trabahador doon lalo kung ganyan ka manamit. Ipinagkatiwala na sa amin ng Daddy mo ang pamamahala sa bukid kaya't hayaan mo na lang kami doon." lantaran nitong pagtataboy.
"Kent is right, hindi mo kailangang pumunta sa bukid," sang-ayon ng Daddy niya. Pero dahil nainsulto siya sa kanina pa pagtutol ni Kent na mamalagi siya sa San Fabian, hindi niya ito hahayaang makontrol nito ang sitwasyon.
"I want to explore the world, Dad. I am your daughter and I was born here. Nasa dugo ko din ang pagmamahal sa kalikasan, bukid, pagtatanim, at kung ano-ano pa. Sige, ipadala mo dito si Ortiz para magbantay sa 'kin kung saan ako pumupunta."
"I thought you're going with your cousin in Paris to pursue your modeling career?" Ang tinutukoy ng ama ay ang pinsan na si Tiffany na nakuhang modelo sa isang luxury brand sa Paris. Hindi niya gustong pumunta, pero kailangan ng pinsan ang suporta niya. And she was asked to do some pictorial too. Hindi pa lang siya napapapayag dahil hindi niya gustong nasa gitna ng mga kamera.
"Next month pa naman 'yun, Dad. I want to make my short vacation worthwhile. Gusto kong makasama si Lolo ngayon at makapagbakasyon dito kahit paano. Dalawang linggo lang naman."
Walang nagawa ang ama kung hindi ang tawagan si Ortiz para sumunod kinabukasan. Hindi na muling dumapo ang tingin ni Kent sa kanya na sa baso ng kape na lang itinuon ang atensyon. Umakyat siyang dala ang tasa ng mainit na tsokolate. Hindi niya alam kung bakit tila mainit ang dugo nito sa kanya.
May ginawa ba siyang mali? Kahapon ay ni hindi siya nito sinalubong nang makita siyang paparating sa bahay nito. Kunsabagay, wala din siyang maalala na naging magiliw ito sa kanya. Noon pa man ay nakatingin lang ito nang may distansya, na lumalapit lang para magbigay galang sa Daddy niya. Parati lang din itong abala sa bukid kahit noon pa. Kasama-kasama ito ni Mang Temyo na siyang kasosyo ng Daddy at Lolo niya sa bukid.
Kung bakit naman siya nagka-crush dito ay hindi niya rin alam. Maybe it’s because she’s attracted to mysterious types of guys. Iyong suplado na hindi namamansin pero may gusto naman pala sa babae. Ang sabi ni Kiara ay iniwan ito ng girlfriend nito na nagtrabaho sa Maynila. Mukhang dinibdib nito ang pagkabigo sa pag-ibig kaya heto at mailap sa mga babae.
Iyon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit lalo siyang nagka-crush dito. Kung dinibdib nito ang pag-iwan ng babae, ibig sabihin ay ganoon ito kalalim magmahal. Gusto niyang makatagpo ng ganoong klase ng pag-ibig. Deep and unconditional. Siguro kung matututunan siya nitong magustuhan ay mamahalin siya nito nang ganoon din kalalim at kasidhi.
Ang tanong, paano siya nito magugustuhan? Maganda siya at makinis. Pero sa tuwing lalapit siya kay Kent ay umiiwas ito ng tingin. Mukhang hindi siya ang type nitong babae. Ngayong ito na ang namamahala sa bukid dahil maysakit na ang Itay nito, may panahon pa kaya na bigyan siya ng pansin sa loob ng dalawang linggong nandito siya sa San Fabian?