Kanina pa hindi mapakali si Kent. Eight thirty pa lang pero gusto niya nang hilahin ang bawat minuto. Tulog na ang mga kasama niya sa bahay, siguradong tulog na rin si Mang Tonyo sa malaking bahay. Gusto niyang pagtawanan ang sarili dahil para siyang magnanakaw na naghihintay makasalakay ng bahay na walang bantay. Kinse minutos bago mag alas nueve ay nasa likod bahay na siya. Hihintayin lang niyang bumukas ang pinto kapag sumapit ang alas nueve. Tahimik ang paligid, maliwanag ang buwan, lalo tuloy kumakabog ang dibdib niya sa kung anong kadahilanan. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito na tila siya dise sais anyos lang na bago pa lang nai-inlove. Pigilan man niyang huwag mahulog ang loob kay Athena ay mahirap labanan ang damdamin kung ito mismo ang tumutukso sa kanya. Nakarinig siya ng

