"Mabuti at magaling na si Mang Tonyo, ano? Masigla na ulit kahit may tungkod na hawak," komento ng isang trabahador. Halos patapos na ulit ang ani at malinis na ang kabukiran. Makakapagpahinga sila ng ilang linggo bago sumabak muli sa pagtatanim. Mula sa kinatatayuan ay tanaw lang niya ang matanda na kasama ang apo nitong si Athena. Nagpumilit kasi itong maghiwalay sila ng bukiring babantayan ngayong araw. Isinama nito ang apo dahil ililibot daw nito sa lupaing pag-aari ng mga Silvana. Binigyan niya ang mga ito ng pagkakataong magkasama at mag-usap nang sila lang dalawa. Pero ngayong nakatanaw siya sa mga ito ay gusto niyang magsisi na hindi siya nagpumilit sumama. Ngayon ay kausap ng matanda si Richard. Lumapit siya nang kaunti bagama't nagbigay pa rin siya ng distansya. Gust

