"You're kidding," mahina nitong sambit. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Kanina lang nakikipag-break ka..." "Kasi ayaw mong makinig sa 'kin. Kung gusto mong magtagal tayo, dapat sumunod ka sa gusto ko. Kahit gaano ka kayaman, ako ang masusunod sa relasyon natin. Naiintindihan mo?" "You love me? Since when?" Tila hindi nito mapaniwalaan na mahal nga niya si Athena. Paano ba niya ipapaliwanag na halos sumabog na nga ang dibdib niya sa sobrang saya kaninang paggising niya? At kanina naman halos suntukin niya na si Richard sa sobrang selos. "Mahalaga pa ba kung kailan kita sinimulang mahalin?" Lumakad siya palapit sa dalaga saka dinama ang ibabang labi nito. "Ikaw? Mahal mo rin ba 'ko?" "I do. I love you, Kent," madamdamin nitong sagot. Bumaba ang mga labi niya para bigyan ito nan

