I looked at Nicasia and Denielle playing the piano. Magiliw niya itong tinuturuan. Ang bait talaga ng family niya. Akala ko masungit si Nicasia pero ngayon nakita ko kung gaano siya kabait. Tulad din ni Niccolo, she never judged my past. Magsi-six PM na nang maisipan kong umuwi na kami. Ayaw pa sana ni Denielle pero wala na siyang nagawa. Nicasia even invited us over dinner pero di na ako pumayag. *** “Mom, are you okay?” tanong ni Denielle pagkaupo namin sa sofa. Di kasi ako nagsasalita hanggang makauwi kami. I just nodded and smiled para mapanatag siya. “Bakit po hindi pumapasok si Tito Niccolo ng bahay pag pumupunta siya dito? Nag-away po ba kayo?” Napamaang ako sa tanong niya. Alam kong nagpupunta dito si Niccolo dahil natatanaw ko siya mula sa kwarto ko pero di lang ako buma

