Niccolo’s POV Alam kong wala akong laban sa ex niya pero ayoko din namang umupo nalang sa opisina ko. I love her and her daughter. Gusto ko pa ring gumawa ng bagay-bagay para sa kanya hangga’t hindi pa niya ako pinapaalis sa buhay niya. Pinagbawalan lang naman niya akong magpakita sa kanya pero hindi ang magpakita kay Denielle kaya si Denielle ang kinakausap ko at ang pinsan niyang si Beth. Sinabihan ko sila na kapag may kailangan sila tawagan lang ako. Natuwa naman ako dahil pag inuutusan sila ni Daniella ako ang tinatawagan nila. Dinadalhan ko sila ng snacks at lunch pero mahigpit kong pinagbilin na wag nilang sabihin sa kanya na nakakausap ko sila. Denielle kept asking me kung bakit kaya ipinaliwanag ko sa kanya that her mom is confused and is choosing between me and her dad.

