"Hindi kita puwedeng ihatid sa condo mo dahil aabutin na tayo ng hatinggabi, Shiela." Sa Fairview, Quezon City pa ang paghahatiran niya gayung ang bahay ng mga magulang nito ay sa Guadalupe, Makati lang. Kung hindi lang siya napasubo nang tawagan siya ni Mrs. Dowel para ihatid si Shiela ay hahayaan niya na lang itong mag-taxi. He realized he was setup to have a date with her. Nag-alisan din ang mga pinsan niya para maiwan sila ni Shiela at makapag-solong dalawa. Dapat ay si Einna ang kasama niya ngayon. Pinasunod niya ito sa club pero hindi niya inaasahan na maaga itong dadating. At dahil ayaw pang umuwi ni Shiela ay hindi siya makahanap ng paraan kung paano nila masosolo ni Einna ang isa't isa. At ngayon ay naiwan pa si Einna doon na siguradong maiinip kung sa Fairview pa niya ihahati

