Pero pagdating niya sa club ay may dalawang babaeng ka-table ang mga ito na kaagad siyang nagselos. Katabi kasi ni Renzo ang isa at halata naman na idinidikit ng babae ang katawan sa kasintahan niya. Tumayo ang dalawang lalaki na kasama sa grupo at tila nagpaalam na kay Renzo. Nakita niya ang pagsulyap ng binata sa kinaroroonan niya, gayunman ay hindi ito lumapit. Umupo siya sa isang bar stool at um-order ng tequila. Kapag nilandi pa lalo ng babaeng 'yun si Renzo ay maglalasing siyang talaga. "Hi, miss. Waiting for someone?" tanong ng lalaking katabi niya na marahil ay kanina pa din umiinom doon. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya sa lalaki para pagselosin din si Renzo. Siguro naman ay nakalingon pa ito sa kanya. "Nope. I just want to have a few drinks and I'll leave after." "

