"Lumilipad ang isip mo, Renzo. Kanina pa nagdi-discuss si Jayzee pero nakatulala ka lang," sita ng Kuya Ethan niya habang kasalukuyan silang nag-iikot sa aviation department. "You need to concentrate, Renzo. Hindi biro ang tatanggapin mong posisyon dahil ihihiwalay na ang local flights sa international flights. You will have your own company. Kahit pa lahat tayo ay parte ng board, ikaw ang magiging haligi at ikaw ang magbibigay ng direksyon ng kompanya," dagdag naman ng pinzang si Jayzee. "I'm sorry, I got tied up last night with all the books about law. Kailangan ko pa ring maipasa ang bar exam dahil gusto ko pa ring maging abogado." "You don't want to give up that career, don't you?" tanong ni Ethan nang lingunin siya. "No, I don't. Bago pa naman in-offer sa akin ang posisyon bilan

