"Are you ready? Dumating na si Miss Argueles, Wael," ani Andrew nang hindi pa rin siya nagtutungo sa conference room. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Parang hindi siya makahinga sa matinding kaba. Ito na ang pagkakataong ilang taon niyang ipinagdasal. Pero pakiramdam niya'y hindi pa rin siya handa. "Give me five minutes to prepare. Kumpleto na ba ang nasa conference room?" "Yes. Ikaw na lang ang bakante ang upuan." "Do you think she would walk out?" "Hmmm... Mukhang propesyunal naman siyang kausap. Kung may personal kayong issues, siguro'y kaya naman niyang isantabi alang-alang sa kompanya. She's a part owner now anyway." "Yeah, right..." mahina niyang tugon. Kay Ivy rin naman mauuwi ang lahat ng pinaghirapan niya pagdating ng panahon. Sana nga ay mag

