Hindi na ba talaga namin mababago ang isip mo? You know how much we need you here. Mas marami na tayong branches ngayon na dapat tutukan," tanong ni Samir kay Wael. Huling araw niya na sa BLFC ngayon dahil gusto niyang pagtuunan nang buong atensyon ang paglago ng Ivan & Tiffany Jewelry Corp. Na-ammend na sa SEC ang kompanya kung saan kasali na si Ivy Tiffany Argueles bilang isa sa shareholders.
"Matagal na akong nagpaalam sa inyo. Kailangan ko nang tutukan ang bago kong kompanya."
"But Andrew was doing well. Kung ano man ang gusto mong ipagawa, siguradong kayang-kaya niya. He has proven his excellence for the past three years, bakit kailangan mong palitan? Siya pa nga ang nakakumbinsi sa bagong designer na umuwi mula sa Amerika at maging parte ng kompanya mo, hindi ba?" singit naman ni Raji.
"At iyon na ang dahilan kung bakit gusto kong sa Ivan & Tiffany muna ituon ang lahat ng panahon ko, kuya. Hindi lang ang kompanya ang gusto kong buuin. Do you know who is that designer coming to work with us"
"Who?"
"Ivy."
"Ivy--- what?!" halos sabay at gulat na wika ng dalawa. "Nasa Pilipinas na ulit si Ivy?"
"Yes. And my son is here too."
"Ohhh.."
"So, totoo pala ang hinala ng lahat na buntis si Ivy noong umalis? At malamang ikaw ang dahilan kung bakit siya umalis," tila paninisi ni Samir.
"I was." Halos paos na lang na lumabas sa lalamunan niya ang sinabi. Mula nang malaman niyang may anak sila ni Ivy na tatlong taon na ngayon ay hindi na siya naubusan ng emosyon.
Labis niyang ipinagpasalamat na nag-krus ulit ang landas ng babaeng halos sambahin siya noon. It has been four years. Apat na taon na hindi niya alam kung paano dumaan sa buhay niya nang hindi niya inayos ang pagiging ama niya.
"Paanong pumayag si Ivy na magtrabaho sa kompanya mo pagkatapos ng ilang taong kinalimutan niya ang lahat dito sa Maynila?" tanong ni Raji.
"Hindi niya alam na ako ang may-ari ng kompanya. Alam ko namang hindi siya papayag sa alok ni Andrew kapag nakabalandra ang mukha ko sa lahat ng advertisement at promotions ng Sweet Tiffany noon. Ngayon pa lang ako magpapakilala sa publiko bilang CEO ng bagong bihis na Sweet Tiffany Jewelry Corp."
"Oh... I see... Tama bang sabihin na kaya mo pinursige na magtayo ng isang jewerly company ay dahil sa kanya? No wonder you put her name on it. Have you been carrying regrets all these years, Wael?"
Hindi niya masagot ang tanong ni Raji. Si Samir ay nakatitig lang sa kanya. Itinaas niya ang kamay at itinapat ang nakatiklop na kamao sa bibig. Ngayon pa lang niya bubuksan ang puso niyang puno ng pagsisisi at panghihinayang.
"Paano mo hinarap si Gia noon pagkatapos ng mahabang panahon, kuya?" tanong niya kay Samir sa halip na sagutin ang tanong ni Raji.
"Oh... I had a hard time. Pero dahil kasal kami ay malakas ang loob ko na ipaglaban ang karapatan ko. At kahit may lalaki nang pumasok sa buhay ni Gia noon ay nababasa ko ang pagmamahal niya sa 'kin sa kabila ng mga kasalanan ko. You don't have that power I had before because Ivy hated you. Baka kamuhian ka lang niya lalo dahil sa panlilinlang ninyo ni Andrew sa kanya."
"Handa ko nang harapin ang lahat ng galit niya. Kung kinakailangang lumuhod ako, gagawin ko "
"Aayusin mo ang relasyon niyo? Gusto mong mahalin ka niya ulit?" sunod-sunod na tanong ni Samir.
"Wala pa ba siyang lalaking pinapasok sa buhay niya?" tanong naman ni Raji.
"She's engaged. Iyon ang sabi ni Andrew sa 'kin."
"Ohhh..."
"Ano ngayon ang balak mo?" muling tanong ni Samir.
"If she's getting married, you cannot do anything about it, Wael," payo ni Raji sa kanya. "Hindi sa sinisira ko ang loob mo. Pero naka-move on na siya at hindi siya umuwi dito para makipag-ayos sa 'yo."
"No, I disagree with you," salungat naman ni Samir kay Raji. "If you love her, fight for that love you have for her."
"Paanong ipaglaban? Do you love her? I don't think so," si Raji ulit.
"Magtatayo ba ng kompanyang wala naman siyang balak itayo kung hindi niya mahal si Ivy?" ani Samir. "And he waited four years for this moment to happen."
"Kung mahal niya si Ivy, bakit hindi siya kumilos sa loob ng apat na taon na 'yun? Hindi naman siya nagka-amnesia na katulad mo. Ni hindi nga siya nag-effort na hanapin ang mag-ina niya."
"Hindi naman gano'n kadali 'yun---"
"Ang sabihin mo, duwag ka talaga," paninisi ni Raji sa kanya. "Lumipas ang apat na taon na hindi ka kilala ng anak mo? We are talking about Ivy, Wael. Alam mong kahit kay Papa ay malapit ang puso kay Ivy. How can you be such an irresposible man?"
"Relax, Raj..." Tinapik ni Samir ang balikat ni Raji. "Ang mahalaga ay naninindigan na si Wael sa responsibilidad niya ngayon. We all make mistakes. Si Ivy na ang bahalang magpasya kung bibigyan niya ng pagkakataon si Wael na itama ang mga pagkakamali niya."
"Napaka-swerte mo na noon, pinakawalan mo pa?"
"Raji..." saway ni Samir.
"Maluwag na ang loob ko na mag-resign ka muna pansamantala sa posisyon mo dito sa BLFC, Wael," ani Raji na tumayo na at kinuha na ang gamit sa mesa. "Ayusin mo ang buhay mo at ayusin mo ang relasyon mo sa mag-ina mo. Pero payo ko lang sa 'yo, alamin mo kung sino ang lalaking pakakasalan ni Ivy. If you find he is a better man, I guess you should back off. She deserves the best. Don't give her your immaturity and carelessness anymore."
Si Samir ay nanatili sa loob kahit tapos na ang meeting nila dahil iniwan na sila ni Raji.
"Huwag mong intindihin ang mga sinabi ni Raji, Wael," payo nito. "Galit lang 'yun dahil malapit din siya kay Ivy noon pa man."
"I know... Alam ko namang wala akong karapatan kahit katiting kahit sa anak ko. And I wasn't expecting Ivy to forgive me... or give me the chance to be the father of our son... Kailangan ko lang lumaban sa huling pagkakataon. I have been living my life in regrets and misery, kuya, I don't want to die carrying it in my heart anymore."
"What do you mean?"
Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Hindi na napigil ang luhang kanina pa nagbabadya.
"May natagpuang tumor or mass si Dr. Rivera sa akin sa likod tatlong taon na ang nakararaan. I have to undergo a lot of tests next week to find out if it's cancerous or not because it's bothering me again."
"What?! Why didn't you tell me?"
"It doesn't matter anymore, kuya---"
"How can you say it doesn't matter?! Of course, it does! Yan ba ang dahilan kung bakit madalas mong ikinukulong ang sarili mo sa opisina mo o sa condo mo?"
"Life had been lonely since she left... Kung hindi na 'ko mabibigyan ng pagkakataon na maitama ang pagkakamali ko ay handa na akong mawala sa mundo."
"Stop it, Wael! Tama si Raji eh, napakaduwag mo! Ano 'yan, hindi na ba kami mahalaga sa 'yo?"
"Ipapangalan ko na kay Ivan Benjamin ang lahat ng shares ko sa kompanya dahil siya lang ang nag-iisa kong anak. He will have my fifty percent shares in Ivan and Tiffany when I'm gone. Habang wala pa siya sa hustong gulang, si Ivy muna ang mangangalaga sa lahat ng yamang maiiwan ko sa kanya. Kaya ko itinayo ang kompanya ay para sa kanila."
"Listen to me, Wael, pagsubok lang ang lahat ng ito. Ni hindi mo pa nga alam kung ano 'yan eh! Kaya siguro pinagtagpo na kayo ni Ivy ay para magkaroon ka ng dahilan para lumaban. Kung hindi man para sa inyong dalawa, para sa anak mo. You were irresponsible partner for Ivy, maybe... But don't be an irresponsible father. Bali-baligtarin man ang mundo, ikaw ang ama ni Ivan. Ilaban mo ang karapatang 'yun."
"What if I run out of time?" Nananakit na ang lalamunan niya sa pigil na pag-iyak. "Ayokong kamuhian ako ng anak ko na nagpakita ako sa kanya tapos mawawala din."
"Then, don't let hope desert you. Napakaraming naghihingalo na d'yan pero lumalaban pa rin hanggang sa huli. You are given a chance to prove your worth, Wael. Don't waste it just because you are frightened. Use me as an inspiration. Look at me. Ilang beses ba akong nadapa? Nagkamali? Naubusan ng pag-asa?"
"Gia loves you... Ivy hates me..."
"But, you have your son. Be strong for him. Be a father worthy of your son's love. Please, Wael... Be a fighter. Believe me, a son will always need his father. Kahit pa sino ang maging asawa ng Mama niya, ikaw pa rin ang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya."
Isang tango ang isinagot niya bago siya niyakap ni Samir. Kung paano siya magiging matapang sa pagharap kay Ivy at sa anak niya ay hindi niya alam.
Hanggang makauwi siya sa condo niya ay hindi pa rin niya mahanap ang lakas ng loob para harapin ang mag-ina niya. Tama si Raji, napakaduwag niya at iresponsable. He doesn't deserve a second chance.
The sun is breaking in your eyes
To start a new day
This broken heart can still survive
With a touch of your grace
As shadows fade into the light
I am by your side
Where love will find you
What about now?
What about today?
What if you're making me all that I was meant to be?
What if our love never went away?
What if it's lost behind words we could never find?
Baby, before it's too late...