Chapter 8

1962 คำ
Four years later... "Congratulations on your achievement, Ivy. Hindi ka ba talaga bibigyan ng mas mataas na posisyon sa kompanyang 'yan?" tanong ng kapatid niyang si Rizza na dalawampung taon nang naka-base sa Amerika. Dito siya tumuloy nang umalis siya sa Pilipinas. Katatapos lang ng anniversary ng Gold and Gems Jewelry at naparangalan siyang Outstanding Designer of the Year. Pero bukod sa sertipikasyon, wala nang ibinigay na iba sa kanya. Kahit promosyon ay wala. "Hindi pa nga eh. Gusto ko sanang lumipat na sa A&A, baka matanggap na 'ko." It was her dream job to work at A&A. Pero hindi siya tinanggap bilang designer noon dahil madalas na siyang samaan ng pakiramdam dahil sa paglilihi. Naging maselan ang pagbubuntis niya lalo noong patapos na ang first-trimester. Halos sa bahay na lang siya maghapon. At dahil may trabaho din ang kapatid niya na hindi puwedeng iliban, hinarap niyang mag-isa ang paghihirap na iyon. When she was having a hard time at that time, she wished she hadn't gotten pregnant. Hindi madali ang mga pinagdaanan niya. Pero pinagsisihan din niyang naisip niya iyon. Now, Benjamin Ivan is almost three years old. And having him is the most wonderful thing she could ever wish for. Ang anak na ang tropeo niya sa lahat ng hirap na pinagdaanan niya sa kabaliwan niya noon kay Wael. "Mas mahirap pumasok sa A&A dahil masa malaking kompanya na 'yun. And you know, minsan may descrimination pa rin dahil Pilipino tayo. Tiyak na hindi gusto ng may-ari na mapasok ang kompanya nila ng ibang lahi. If I were you, magtatayo na lang ako ng kompanya sa Pilipinas. Hindi ba't nagbabalak na si Harry na mag-invest sa negosyong papasukin mo?" "Hindi ko sana gustong magkaroon na kami ng negosyong dalawa ni Harry hindi pa naman kami nakakasal, Ate. Kaya nga ang gusto ko, sumosyo muna sa mga existing companies. Isa pa, hindi rin biro amg magtayo ng bago. I still need to learn a lot of things." "Pero kung dito sa Amerika, mahihirapan kang tiyak, Ivy. Masyadong malaki ang investment na kakailanganin mo. Samantalang kung sa Pilipinas, mas kabisado mo ang kalakaran doon dahil dati ka namang shareholder ng malaking kompanya." "Pero alam mo naman kung bakit ayaw kong umuwi sa Pilipinas, Ate." "Manila is such a big city, Ivy. Madali namang iwasan ang mga Burman basta't huwag kang tutuntong sa teritoryo nila. Bakit mo naman paliliitin ang mundo mo at lilimitahan ang oportunidad ninyong mag-ina?" "Do you think he would recognize his son if they ever meet?" "Siguro. But then again, ikaw na ang nagsabi na hindi interesado si Wael noon sa anak niyo. It has been four years. Malamang may iba na ring anak 'yun para maghabol pa sa karapatan niya kay Ivan. Baka simulan pa ng away nilang mag-asawa." Wala siyang balita sa mga Burman ngayon. Nang umalis siya ng Pilipinas ay binura niya ang lahat ng alaala ng lalaking magpapasakit lang sa damdamin niya. Tama ang kapatid niya, may pamilya nang tiyak si Wael ngayon. At kung noon nga ay hindi ito interesado sa anak niya, siguradong lalo ngayon. "Baka nga umuwi na lang kami ng Pilipinas kung hindi pa rin maganda ang itakbo ng career ko dito. Hindi ko naman gustong maging emplyado habang-buhay." "Nice. I like that." Ngumiti ang Ate niya. "Magtayo ka ng negosyo roon at kapag nagtagumpay, susunod ako. Parang ang sarap kasing manirahan sa Siargao kaysa dito." "Masarap naman dito, Ate. Sadya lang mailap ang kapalaran ko dito." "Mas okay naman kasi talaga ang magtayo ng negosyo sa Pilipinas. Pero ang isa pang tanong, paano naman ang boyfriend mong gusto nang mag-propose sa 'yo?" Isa pa palang dapat niyang alalahanin ay si Harry. He was talking about settling down lately. She was attracted to him - fine. Pero hindi pa siya handang sumugal sa mas malalim na relasyon. Walong buwan pa lang silang magkasintahan. Idagdag pa ang hindi niya na nakikitang close ang anak niya kay Harry. He wasn't even trying to please her son anymore. Pakiramdam pa nga niya ay itinuturing ni Harry na excess baggage niya ang anak niya. O baka pakiramdam niya lang 'yun. Baka masyado lang siyang nag-e-expect kay Harrry. Okay naman ito at ang anak niya noong bago pa lang silang magkasintahan. At ito pa nga ang nag-organize ng birthday party ni Ivan sa susunod na linggo. But one thing is for sure, she still needs a little more time. Kapag nag-date silang muli ng kasintahan ay ipapaalam niya ang planong umuwi sa Pilipinas para doon sumugal sa negosyo. Harry is also a businessman. Bukod sa chain of groceries sa Los Angeles, may mga coffee shop din na kailan lang nito itinayo. Kung sipag lang at abilidad sa negosyo, wala siyang masasabi kay Harry. But still, she wanted to venture into a business on her own. Hindi niya gustong magkaroon sila ng issue tungkol sa pera kung sakaling pumayag siyang magpakasal sa kasintahan. Lumipas ang mga araw, dumating ang takdang araw ng kaarawan ng anak niya. Children's party iyon pero may mga inimbitahan siyang kababayan para dumalo. Isa na ang asawa ni Mr. Facundo na nag-alok sa kanya na sumali sa isang kilalang jewelry company. Mukhang umaayon talaga ang tadhana na pauwiin siya sa Pilipinas. "Sige na, tanggapin mo na, mabait ang may-ari niyan," ani Mrs. Facundo. "Type na type niya ang mga designs mo. He is offering you his twenty peecent's share. Tiyak niyang hindi mo gusto na maging empleyado lang. At sa susunod na buwan raw ang annual meeting. Magkakaroon ng botohan para sa mga mahahalagang posisyon sa kompanya. You should be there. Ikaw raw ang gusto nilang maging VP for Production." "Ako? But... why me?" "Well, bukod sa ibinida ko ang mga gawa mo, nag-research na ang mga 'yun tiyak ng mga achievements mo dito sa Los Angeles." Hindi pa rin niya mapaniwalaan na nagtutugma ang alok sa kanya ngayon sa pinag-usapan lang nilang magkapatid noong nakaraang linggo. At tumaas ang excitement niyang umuwi sa Pilipinas. "Puwede ko bang kuhanin ang pangalan ng taong kausap mo?" "Sure..." Binuksan naman nito ang teleponon at may binuksan ang gallery of photos nito. "Here..." Andrew ang first name ng lalaking CEO na nasa calling card. But it didn't ring a bell. Kahit ang apelyido nito ay hindi pamilyar sa kanya. "Sige na nga. Tatawagan ko muna siya bukas para ipaalam na interesado ako." "Oh, thank you so much, Ivy. Siguradong matutuwa 'yun sa balitang ihahatid ko pag-uwi ko sa Pilipinas." "Kailan ho na ang alis niyo? Parang kararating niyo lang ho ah." "Nagmamadali ang asawa ko. Mas gusto daw niya sa Pilipinas. Dumalo lang talaga kami sa birthday ni Ivan dahil nakapangako na kami." "Oh... so thoughful." "Of course! At kapag nasa Maynila naman ay kayo ay kayo naman ang bibisita sa amin." "That's for sure." Matamis siyang ngumiti sa babae. Kaedad lang niya ito pero ang asawa nito'y nasa singkwenta anyos na. Pero mukha namang masaya ang dalawa. "Asahan ko 'yan ha." Bumeso na si Mrs. Facundo sa kanya bago niyaya ang asawa na aalis na. Hanggang pag-uwi sa bahay nila ay excited siya sa ibabalita kay Harry. At sana ay pumayag ito na umuwi siya sa Pilipinas. He could also put a coffee shop there if he wants to. Puwede naman sa kanya ang magpabalik-balik sa Pilipinas at sa Amerika. Alas otso ng gabi ay tulog na ang anak niya. Napagod ito sa kalalaro kanina sa birthday party nito. Bago patayin ang ilaw ay ssndali muna niya itong tinitigan. Her son is a carbon-copy of his father. However, she will make sure his son would grow up a better man than Wael. At sisiguraduhin din niya na kapag umuwi sila sa Pilipinas ay hindi niya pagtatagpuin ang landas nilang dalawa. Paglabas niya sa silid ay naghihintay pa si Harry sa kanya sa living room. Nasa isang two-bedroom apartment sila sa Los Angeles dahil humiwalay na siya sa kapatid niya noong isang taon. Tumayo si Harry at sinalubong siya ng yakap at halik. She responded in her most polite manner. Inangkin nito nang mapusok ang mga labi niya at nalasahan niya ang alak sa bibig ng kasintahan. Kainuman kasi nito ang bayaw niya at ilang lalaking bisita sa party ng anak niya. Ang halik ng kasintahan ay naging mapusok pa nang gumapang ang kamay nito sa dibdib niya. She was allowing him to touch her once in a while. Pero ngayon ay may kailangan silang pag-usapan. "Harry..." Pinigilan niya ang kamay nitong maglalaro sana sa dibdib niya. "I need you, honey... Can you allow me to make love to you this time?" Pinilit nitong ipasok ulit ang kamay pero naagap niya ulit. "We need to talk," mahina niyang wika. "We can talk after--" "Harry, please..." Isang buntunghininga ang pinakawalan nito. Hindi niya na mabilang kung ilang beses niya nang tinanggihan ang kagustuhan nitong may mangyari sa kanila. At katulad ng dati ay mariin siyang tumatanggi. Mahal niya si Harry at attracted siya dito. Dibosyado ito sa asawa at wala itong anak. Dapat ay pumapayag na siyang may mangyari sa kanila dahil nagpahayag naman na ito na gusto na nitong makasal sila. Pero mahalaga na matanggap nito nang buo si Ivan. Kaya naman niya gutsong mag-asawa ulit ay para may tumayong ama sa anak niya ngayong nagkakaisip na ito at nagsisimula nang magtanong. Tatanggapin niya ang alok nitong kasal kapag binuksan nitong muli ang ideyang iyon. "What do we need to talk about?" Patamad itong umupo ulit sa sofa. Sumunod naman siya at umupo sa tabi nito. Alam niyang na-disappoint na naman ang kasintahan dahil hindi niya ito pinagbigyan. "I was thinking of going back to my country. I was offered by one jewelry company to work with them by selling twenty percent of their shares." "You're going back to the Philippines? How could we work on that when I cannot go with you?" Nahimigan niya ang pagtutol sa dibdib nito. "Why not? You can always visit us there. And we can go back here from time to time. This is one big opportunity I don't wanna miss, honey. You know how I badly wanted to work in a company I own too." Ipinatong niya pa ang mukha sa balikat nito saka ngumiti. "Fine. But on one condition." Sandali siyang kinabahan. Kung hihilingin nito na may mangyari na sa kanila ngayon ay hindi pa siya handa. "W-what condition?" "Accept my marriage proposal, honey... I want to marry you." Humarap ito sa kanya saka hinaplos ang mukha niya. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya. "Y-yes..." "Yes? You agreed to marry me?" Marahan siyang tumango. Handa na siyang makasama si Harry habangbuhay. Magkakaroon na ulit ng ama si Ivan. "Yes, Harry. I will marry you." "Oh, thank you, honey! I'll start planning the wedding while you are in the Philippines working on your new job. How about... six months from now?" "Sure. I'll help you out once we settled everything there. Maybe after a month or two?" "Yeah, sure... No problem." Nahimasmasan na siya nang yumakap na lang si Harry sa kanya. "Thank you, honey. I will send my resignation tomorrow so we could go home next week. Would you like to come with us?" "Hmmm... I would probably go after a month. There's a lot of work needs to be done at the coffee shop." "Ohh, yeah, I understand. And it's okay. Ivan and I will just visit you here if you cannot come to the Philippines." "That's right, honey. We need to work on our businesses first and then enjoy our time together after the wedding." Ipinagpasalamat niyang mabilis niyang nakumbinsi si Harry na sa Pilipinas niya hanapin ang kapalaran niya sa pagnenegosyo. Kapag okay na siya sa trabaho niya sa Sweet Tiffany Jewelry ay si Harry naman ang aasikasuhin niya at ang magiging pamilya nila.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม