"Wait, are you serious, Ivy?" tanong ni Samir sa kanya nang sabihin niyang ibebenta niya ang sampung porsyentong shares nila sa BLFC. Nanghihinayang man siya ay wala na siyang choice. She wanted to cut ties with Wael.
"Pauwi na sila Mama sa Siargao dahil gawa na ang bahay doon. I am leaving for Los Angeles to pursue my dream of working with A&A Jewerly. Alam mo naman na mahilig akong mag-design ng alahas."
"Pero, alam mo naman na malaki ang ambag mo dito sa kompanya. Ikaw rin ang papalit kay Mrs. Mones, alam mo 'yan. You're not just an ordinary employee, or stockholder... You are one of the top executives. Kung may kinalaman kay Wael ang pag-alis mo---"
"My decision has nothing to do with anyone, Sam. Pinilit lang naman ako ni Papa na palitan ko siya sa pwesto niya dito. But, I am not happy anymore."
Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ni Samir na halatang ayaw pumayag sa desisyon niya. Pero pinal na 'yun. Hindi niya gustong dito pa siya abutan ng paglaki ng tyan gayung wala namang pakialam si Wael sa batang dinadala niya.
"Look... Can you still change your mind? O may paraan pa ba para mabago ang desisyon mo."
"I'm sorry, Sam... Excited na talaga akong magtrabaho sa Los Angeles. Makakahanap naman kayo kaagad ng kapalit ko. I am leaving at the end of this month. That's three weeks from now."
"This is so heartbreaking, not just for the company but for all of us." Gusto niyang tumawa sa sinabi ni Samir. Sigurado namang walang pakialam si Wael ke umalis siya o hindi.
"Mabigat din sa loob ko ang umalis, Sam. Alam mo namang malapit ang loob ko sa inyong magkakapatid. You're like my brothers. Except for Wael," dagdag niya sa isip.
"Then, why do you need to sell your shares? Kumikita naman 'yun at mas lalago pa 'yun sa susunod na mga taon."
"Tulad ng sinabi ko, retired na sina Mama't Papa. Kailangan ko rin ng pera para sa pagtayo ko ng negosyo sa Amerika. Sa ngayon ay walang kasiguraduhan kung babalik ako sa Pilipinas."
"Nabigla mo talaga ako, Ivy. I still hope you'd change your mind."
"Let's see. I still have three weeks anyway." Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya. "Tatapusin ko lahat ng pending kong trabaho. Nangako naman si Mrs. Mones na siya na ang magti-train sa papalit sa 'kin."
Pagkatapos niyang makausap si Samir ay tumuloy siya sa opisina niya para magligpit ng mga gamit. Mabuti na lang hindi pa siya inaatake ng paglilihi at hindi maselan ang pagbubuntis niya. Ayaw niya na ring umiyak dahil makakaapekto daw sa ipinagbubuntis niya 'yun. Sa ngayon ay si Norma pa lang ang nakakaalam na nagdadalantao siya.
Dalawang linggo matapos ang pag-uusap nila ni Samir ay ipinatawag siya nito sa meeting room. Nagulat siya nang makitang naroon ang dalawa pa nitong kapatid. Agad niyang iniwas ang tingin kay Wael. Naroon din ang asawa ni Samir na si Gia, ang asawa ni Raji na si Yana, at si Mrs. Mones.
Tulad ng inaasahan, karamihan ng naroon ay tutol sa pag-alis niya sa kompanya. Si Wael lang ang walang binitiwang salita. Kung sa huling sandali sana ng meeting nila ay nagpakita ito ng simpatya sa kanya, o nagsabi kung gaano siya kahalaga sa kompanya at sa buhay ng mga Burman, baka sakaling nagbago ang isip niya. Pero alam niyang umiiwas din ito sa kanya. Ngayon nga lang sila ulit nagkita sa opisina.
Sa huli ay napagdesisyunan na si Yana na asawa ni Raji ang papalit sa puwesto niya. Nang lumabas siya sa silid na iyon ay mas magaan na ang kalooban niya sa pag-alis. Tama ang desisyon niyang lumayo. Walang dahilan para umasa pa na magkakainteres si Wael sa kanya.
Tinapos naman niya ang lahat ng kailangan niyang i-turn-over kay Mrs. Mones at Yana. Tatlong araw bago ang takda niyang pag-alis ay nagkaroon ng himala ang langit. Nasa opisina niya si Wael na alanganin pa na magsalita noong una.
"Can we talk?"
Mahirap magpanggap na hindi siya nasasaktan kapag nakaharap siya kay Wael. Itinuon niya ang atensyon sa kung ano-anong bagay sa ibabaw ng mesa niya para hindi niya masalubong ang mga mata nito.
"Yes? May kailangan ka?"
"I was thinking... I mean... Totoo bang buntis ka?" Hindi nito deretsong masabi kung ano ang pakay.
Kumunot ang noo niya. Sa ilang sandali ay bumilis ang t***k ng dibdib niya.
"Ano ba talaga ang kailangan mo, Wael?"
"Kasi ako ang sinisisi nila kuya sa pag-alis mo. And they insist that if you are pregnant like what you've told me---"
"Ako? Buntis?" Agad niyang pinutol ang ano pang sasabihin nito. Hindi niya nagustuhan na kailangan pang ma-involve ng mga kapatid nito para mapilitan si Wael na kausapin siya ngayon. They insist... - iyon ang salitang binitiwan nito. Hindi siya papayag na may ibang taong magdedesisyon para sa kanilang dalawa.
"Yan ang sinabi mo sa 'kin, Ivy."
"I was drunk at that time." Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya. "You were right, I wanted to trap you into marrying me. Mabuti nga dahil hindi ka naman pumatol sa kalokohan namin ni Norma. Naudlot sana ang pangarap kong makapagtrabaho sa isang malaking jewelry company. Marunong talaga ang Diyos."
"Are you sure?"
"Of course." Binuksan niya ang drawer saka doon naman naghalungkat ng mga gamit. "Yan lang ba ang inaalala mo?"
"I was guilty. At wala akong maisagot sa kanila kung bakit tayo nag-away."
"My decision to leave the country had nothing to do with you, Wael. You can stop worrying now." Gusto niyang palakpakan ang sarili niya sa magaling na pag-arte. Nagawa niyang itago ang totoo niyang damdamin. Pero kung mga kapatid lang naman nito ang pipilit na panagutan siya ay wala ring halaga. She wanted Wael's heart and soul. Bagay na hindi nito kayang ibigay kahit kailan. At parang nahimasmasan pa ito dahil sinabi niyang hindi naman siya totoong buntis.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?"
"No. I'm so excited to leave. Kung puwede nga lang na hindi na 'ko pumasok eh. Pero may responsibilidad ako sa kompanya na hindi ko basta tatalikuran."
"May trabaho ka na raw na naghihintay roon?"
"Yup. I love designing jewelry. Matutupad na ang pangarap ko pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi naman kasi talaga dapat ako nandito."
"I wish you goodluck, Ivy. If you need anything, you know we're always here for you."
Kinurot niya ang sarili para hindi maging emosyonal sa harap ni Wael. Simula noong nag-teenager siya, malapit sa puso niya ang mga Burman. Especially their Papa Benjamin. Matalik na kaibigan din kasi iyon ng Papa niya.
At sa balintataw niya ay para niyang nakikita ang lungkot sa mga mata nito.
"Kapag nasa tamang edad na kayo ni Wael, I want you to marry my son, Ivy. Alam kong maaalagaan mo siya nang mabuti. You see, I have three beautiful children. Pero nasira ng pagtataksil ng Mama nila ang magandang pagtingin nila sa pag-ibig."
"Paano ho kung hindi naman ako ang gusto ng anak niyo?"
"He always cares for you. Sa kanilang tatlo ay si Wael ang laging nag-aalala kapag hindi ka nakikitang dumadalaw sa opisina ng Papa mo sa loob ng isang linggo. I wish that whatever feelings he has for you would blossom into something more beautiful. Kalimitan sa tatlong anak kong 'yan ay hindi nila nakikita ang totoong pag-ibig na dumadating sa kaiiwas nilang masaktan tulad ko. Hindi nila gustong danasin ang pinagdaanan ko noon sa Mama nila. Teach him to fall in love... To see the beauty of one true love... Pagkatapos ay ikwento mo ako sa mga apo ko sa inyo..."
Iyon ang laging usapan nila noon ng Uncle Benjamin niya. But he died few years ago. Kasama nitong namatay ang pag-asa niya na matutupad ang pangarap niyang mahalin din siya ni Wael kung paano niya minahal ang binata.
"Thanks, Wael. I also wish you luck." Bumigat man ang pakiramdam niya'y masaya na siya sa paglayang ibinigay niya sa sarili niya ngayon.
"Will I see you again soon?"
Marahan siyang umiling. Bumara na sa lalamunan niya ang emosyon.
"Baka hindi na. Hindi ko rin alam."
Nagtangkang lumapit si Wael para siguro yakapin siya sa huling pagkakataon pero tumayo siya at humarap sa salaming dingding. Kinuha niya ang telepono saka tinawagan ang kapatid sa Amerika. Ang paghakbang ni Wael ay napigil nang ipakitang wala na sa binata ang atensyon niya. Tumalikod na lang ito saka tuloy tuloy na lumabas.
Matapos makausap nang mabilis ang kapatid ay tumanaw na lang siyang muli sa malawak na siyudad ng Makati. Hinayaan niyang maglandas ang mga luha niya sa mata sa huling pagkakataon.
"May sugat sa puso ang mga anak ko nang iwan kami ng Mama nila. Sugat na hindi pala naghilom sa nakalipas na mga taon."
"I'm sorry, Uncle Ben..." mahina niyang usal na tila naririnig siya ng ama ni Wael. "Ipapakilala pa rin naman kita sa anak ko kahit hindi niya makilala ang ama niya. And please guide my child as we walk away from your son."