Chapter 6

1572 คำ
Hindi niya nakita si Wael sa opisina kinabukasan. Hindi rin ito pumasok ayon sa mga kapatid nito. Nagmukmok naman siya sa opisina sa maghapon. Tapos na siyang umiyak kagabi. At gusto man niyang umiyak ngayon sa opisina niya ay ayaw niyang ipaalam kay Samir at Raji na may problema sila ni Wael. Hindi dapat iyon makaapekto sa kompanya. "Huwag mo nang hahabulin pa 'yang Wael na 'yan ha! Hindi na kita kakausapin kapag nagpagamit ka pa sa g*gong 'yan!" Galit na galit na sinisermonan siya ni Norma. "Siguro naman ay naghiwalay na sila ng Divina na 'yun." Gusto pa niyang ipagtanggol si Wael kay Norma kahit pa'no. "Kahit na! Aba'y sinumbat pa pala sa 'yo na inaway mo 'yung mga babaeng pinagsabihan mo dati na layuan siya! Sa totoo lang, 'yang Wael na 'yan ang nakilala kong babaero pero kapag nagkagusto sa babae nagiging t'nga. Ilang babae na ang nanghuthot d'yan? Tapos mali pa pala ang concern mo sa kanya noon kaya mo pinalayo sa kanya 'yung mga babaeng 'yun?" Isang buntunghininga ang pinakawalan niya. Nag-aaral pa lang sila ng college noon. At dahil pareho sila ng eskwelahan ay kilala niya ang mga babaeng dini-date ni Wael. At may basbas ng Papa nito ang pakikipag-usap niya sa mga nireregaluhan ni Wael ng mamahaling alahas. Sa tatlong magkakapatid, si Wael ang pinaka-galante sa babae. At sinasamantala ng mga babaeng nagugustuhan ang pagkahumaling nito. He may looked smart and confident, pero kapag nagkagusto sa babae ay nawawala sa katwiran. Tulad ng kay Divina ngayon. This was Wael's most stupid affair by far. "Hayaan mo na. Basta nailayo ko na siya sa babaeng 'yun, okay na 'ko dun." "Ibig sabihin okay na kayo ulit?" Nagtaas na naman ng kilay ang kaibigan niya. "Hindi naman sa ganun... Pero mahirap namang maging magkaaway kami kung magkasama kami sa kompanya." "Maipapangako mo ba sa 'kin na hanggang sa trabaho na lang ang magiging koneksyon niyo?" Hindi siya sumagot. Umaasa pa rin siyang magkakaayos silang ulit ni Wael. Hindi biro ang ibigay niya ang sarili dito. Paano pa siya haharap sa ibang lalaki kung wala na siyang puwedeng ipagmalaki? "Hindi ko alam. Hindi naman kasi ganun kadali 'yun," aniya kay Norma. Hindi niya gustong bigyan ng tuldok ang nangyaring away nila ni Wael dahil alam niya sa sarili niya na mahal niya pa rin ito sa kabila ng mga nangyari. At kung magkakaayos pa sila ay mas mabuti iyon para sa kanya. "Sobrang ka-martir-an naman 'yan, best," inis na wika ng kaibigan. "Sige lang, magpakatanga ka ngayon. Mapapagod ka rin naman." "Huwag naman akong mapagod." Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya. "Mas masarap pa rin 'yung masaya tayo sa ginagawa natin." "Hay naku! Basta ako, ayaw ko na 'yang Wael na 'yan para sa 'yo. Ihahanap kita ng gwapong lalaki pero hindi ganyan ka-g*go. Sayang naman ang ganda mo," naiiling na wika ni Norma sa kanya. Wala siyang ganang kumain sa hapunan kaya't kape lang ang inilaman niya sa tiyan. Hindi na rin sila nagtagal ni Norma sa coffee shop dahil naiinis na itong manermon sa kanya. Mabuti na rin 'yun dahil gusto ulit niyang mag-mukmok sa silid niya. Kinabukasan ay pumasok na si Wael sa trabaho. Pero tulad ng inaasahan niya ay mas pormal pa ang pakikipag-usap nito. At halata ang pag-iwas nito na maiwan silang dalawa sa meeting room. Maaga rin itong umalis sa opisina. Isang linggo ang lumipas nang bumalik ang dati nilang pag-uusap. Bilang magkatrabaho at makaibigan. Unti-unti rin ay nagkakasama na sila ulit sa paglabas-labas sa mga bar na magkakaibigan. Hindi na sumasama si Norma sa kanila dahil sa inis nito kay Wael. Siya naman ay nakikisama lang sa mga ito at para manumbalik ang dating relasyon nila ng binata. Pero wala pa rin talaga itong gusto sa kanya. Makalipas ang tatlong linggo mula nang magkagalit sila tungkol kay Divina ay nakipag-date na ulit ito sa iba. At sa bar pa nito nakilala ang babae kung saan sila madalas magpunta. Katakot-takot na kantyaw ang inabot ni Wael sa mga kaibigan dahil tila napasagot nito ang babaeng nililigawan. At mula nang makitang may ibang babae na ulit itong pinagbabalingan ng atensyon ay tumigil na rin siyang sumama sa bar kasama ng mga barkada nila. Totoo nga ang sinabi ni Norma na mapapagod din siya. Ipinangako niya sa sarili na hahanapin na lang niya ang lalaking magbibigay sa kanya ng halaga -- kahit pa naibigay niya na ang p********e sa iba. Pero bago pa niya malimot ang damdamin niya kay Wael ay dumating ang hindi inaasahan. Isang buwan at isang linggo na siyang buntis. "Aba'y kailangan ka niyang panagutan! Ano siya, hilo? Basta na lang siya tatakas sa responsibilidad niya?" "Hindi naman siguro. Responsable naman silang mga lalaki pagdating sa mga anak," aniya kay Norma. "Kailan mo sasabihin na buntis ka? Aba'y mag-demand ka sa kanya na kapag ikinasal kayo hindi na puwede 'yang pagiging babaero niya." "Oo naman. Hindi naman ako papayag nun." Buo ang pag-asa niya na magkakaayos sila ni Wael alang-alang sa batang dinadala niya. Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang niya ang totoo niyang kalagayan. Kailangan niya munang masiguro na may plano na sila ni Wael kapag humarap silang dalawa. Hindi papayag ang mga 'yun na lalabas na bastardo ang anak niya. Hindi dumating si Wael sa opisina noong araw na 'yun na gusto niyang magtapat ng kalagayan niya. Nang magyaya ang mga kaibigan niya sa bar ay sumama siya. Sinamahan siya ni Norma sa pagkakataong iyon. Tila nahuhulaan nito na kailangan niya ng karamay pag-uwi. Kinakabahan din siya sa kung ano ang maaaring maging reaksyon ni Wael kapag nalaman na buntis siya. Gayunman ay ayaw niyang alisin ang pag-asa sa dibdib niya. Siguro naman ay may kahit katiting na pagmamahal si Wael sa kanya. Mabilis nitong matatanggap na magkakaanak na sila at kailangan nilang magpakasal. Pagdating sa bar ay wala pa si Wael doon. Hindi siya puwedeng uminom ng alak kaya't nagdahilan siyang wala siya sa kundisyon uminom. Alas dyes ng gabi nang dumating ang babaeng dini-date nito. Nagkaroon siya ng pagkakataon na kausapin muna ito bago si Wael. "Sigurado ka bang si Wael ang ama?" Nalilito nitong tanong. Panay ang tingin nito sa pinto na marahil ay hinihintay ang pagdating ni Wael. "Bakit naman ako magsisinungaling? Kahit sumama ka pa sa doktor bukas para makompirma," paniniguro naman niya. "Nakausap mo na ba si Wael?" "Hindi pa. Pero kaya kami nandito ay para panagutan niya 'ko. Hindi ako papayag na hindi. Ipaglalaban ko ang karapatan ng anak ko na magkaroon ng ama. " Hindi pa siya tapos sa pakikipag-usap sa babae ay sumulpot na si Wael na kaagad hinawakan ang kamay nito. Kaagad namang binawi ng babae ang kamay kay Wael na ipinagpasalamat niya nang lihim. Ibig sabihin ay naintindihan nito ang kalagayan niya. "What are you doing here, Ivy? Akala ko'y ayaw mo nang uminom kasama sila?" Ang tinutukoy nito ay ang mga kaibigan nila. "Hinahanap ka niya sa 'kin," sagot ng babae na inunahan siya. "Ang sabi niya'y layuan na kita dahil magkakaanak na kayo." "What?! Of course not!" mabilis nitong sagot sa babae. "Ano na naman bang gulo 'tong gusto mong ibigay sa 'kin, Ivy?" "Totoo ang sinabi niya, Wael. Nagdadalantao ako ngayon at ikaw ang ama," kaagad niyang depensa sa sarili. May iilan doon sa bar na pinagtitinginan na sila. "Stop creating lies, Ivy!" Tumaas nang bahagya ang boses ni Wael. "Bakit ba hindi ka naniniwala? Kung gusto mo, sumama ka sa 'kin sa doktor bukas, Wael!" "No! Ano 'yan, pipikutin mo 'ko dahil sa batang 'yan? You want to trap me into marrying you? Ano bang ka-desperado-han 'yan, Ivy? No, I will not marry you even if I got you pregnant. Kailan mo ba 'ko balak titigilan? Lahat na lang ba ng relasyon ko sa ibang babae sisirain mo?" Sa haba ng litanya ni Wael ay wala siya halos naintindihan. Ang pumasok lang sa isip niya ay ayaw nitong panagutan ang anak niya. Hinila na siya ni Norma dahil gumagawa na sila ng eksena roon at dumadami na ang nakatingin sa kanila. Ang nakapagtataka ay hindi siya nakaramdam na gusto niyang umiyak. Namanhid yata ang puso niya na kahit galit ay wala siyang maramdaman sa mga oras na 'yun. O parang hindi pa pumapasok sa sistema niya na hindi siya pananagutan ni Wael. Nang makasakay siya sa kotse ay saka lang bumigat ang pakiramdam niya. At hindi siya naawa sa sarili niya sa mga panahong iyon -- kung hindi sa anak niya. Itinakwil na ito ng ama hindi pa man ito ipinapanganak. "Magiging dalagang-ina ako..." Doon pa lang nagsimulang pumatak ang luha niya. Hindi pa niya mapaandar ang kotse dahil pabigat na nang pabigat ang nararamdaman niya. "Iiyak mo na lang 'yan, Ivy. Wala kang magagawa kay Wael dahil wala talagang sense of responsibility ang taong 'yun," paalala ng kaibigan. Wala naman siyang maisagot. Para siyang natulala. Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi man lang inalam ni Wael kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Hanggang makarating sila sa bahay niya ay wala pa rin siyang imik. Nag-aalala na si Norma sa kanya. Hindi raw normal ang reaksyon niya kanina na hindi man lang sinampal si Wael matapos nitong sabihin na hindi siya nito pananagutan kahit na anong mangyari. Pero pagpasok niya sa silid ay saka lang siya humagulgol sa banyo niya. Nakaharap siya sa salamin habang pinagmamasdan kung gaano siya nasasaktan ngayon para sa anak niya. Wala itong kagigisnang ama paglaki.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม