CHAPTER 2

2301 คำ
Chapter 2: Arrival & billboard LAZEL’s POV “Lazel! Over here!” Napangiti ako nang makita ko ang kaibigan kong naghihintay sa akin sa arrival area ng NAIA. May hawak pa siyang placard at nakasulat ang malaking letra ng pangalan kong Lazel. Halos tumalon siya sa tuwa nang makita na niya ako at kulang na lamang ay lapitan ako pero hindi puwede. Bitbit ang malaking maleta ko at may traveling bag pa ako. Nang makalapit na ako sa kinaroroonan niya ay agad niya akong niyakap. Malakas akong tumawa nang humigpit ang yakap niya sa akin. Ang gagông ito, akala mo naman ay matagal kaming hindi nagkita. “Welcome home, bro! Ang tagal mo sa States, ah!” sigaw niya at malakas na tinapik pa ang balikat ko na ikinatawa ko na lamang ulit. “Kumusta ka, Lethaniel?” I asked him. Pagkatapos niya akong yakapin ay kinuha niya ang maleta ko para siya na ang magdala no’n. Inakbayan ko naman siya habang palabas na kami sa airport. Lethaniel is one of my best buddy. “Heto humihinga pa naman,” natatawang sagot niya, at sa lahat ng kaibigan ko ay siya lang ang naiiba. Malakas siyang mang-asar sa amin. Sa loob ng 10 years ay ngayon lang ulit ako nakauwi sa bansa at kasama ko sa States si Lethaniel pero umuwi rin siya rito two years ago dahil biglang nagkasakit ang kanyang ama kaya siya na ang nag-turn over ng kompanya nila. I was only 18 years old when I left this country and I admit that I missed the atmosphere in the Philippines. Ang pamilyar na ingay na pagbusina ng mga sasakyan sa labas. Ang mainit na panahon na sasalubong agad sa ‘yo at tirik na tirik pa ang araw. “Akala ko ay wala ka ng balak pang umuwi,” sabi niya. Lumapit kami sa isang BMW na sasakyan, naka-park lang malapit sa exit at tinulungan ko siyang ilagay ang mga bagahe ko sa compartment. Sumakay rin kami pagkatapos ayusin iyon. “Puwede ba iyon?” balik na tanong ko sa kaibigan ko habang kinakabit ko ang seatbelt sa katawan ko. “Mukhang nawawala pa kasi ang katawang tao mo, eh. Kaya ka tumatagal sa States,” pagbibiro pa niya. “Mas maliligaw lang ako kapag manatili pa ako roon nang mas matagal. Pakiramdam ko ay wala na akong direksyon o lugar na pupuntahan. Kundi ang bumalik na lamang dito,” pahayag ko na ikinatawa niya. “Naka-survive ka ng ten years. Wala na sa ‘yo ang manatili pa nang matagal sa bansa. Kaya, bakit bumalik ka pa?” saad pa niya. “This is my country. Bakit hindi ako babalik dito?” I fired back. “Hindi ba tumakas ka naman na?” Napangisi lang ako dahil sa sinabi niya. Kung una ay nasisiyahan pa ako na manatili sa bansang iyon ay okay pa ang buhay ko, kasama si Hanemira. I adjusted quickly but as time went on ay nakaramdam lang ako nang panghihina at iisang presensiya lang ng tao ang hinahanap ko roon. I wanted to escape reality back then the world felt too small for me at that time. I can’t breath with the seemingly iron binding my body. Hindi ko magawang gumalaw at nang makaligtas ako sa tila kulungan na iyon ay roon lang ako nakahinga ng maluwag pero ilang araw lang ang lumipas ay mas higit pa pala ang mararamdaman ko. Na isa sa pinagsisisihan ko kung bakit ako umalis noon. Kung bakit hindi ko sinubukan ang ibaling ang nararamdaman ko sa kanya. Na kung bakit pinangunahan ako ng batang isip ko na nagdesisyon noon. “May bahay ka ng lilipatan? O ihahatid na lamang kita sa mansion niyo? Alam mong matagal nang naghihintay sa ‘yo ang pamilya mo, Lazel,” he said. Matagal nang naghihintay ang pamilya ko? Ang mga magulang at mga kapatid ko ang tinutukoy niya na pamilya kong naghihintay sa akin. “Kumusta naman ang pinapabantayan ko sa ‘yo?” tanong ko at iniba ko lamang ang topic. Ayokong pag-usapan sa ngayon sina Dad. “Ikaw na lang ang tumingin kung maayos ba siya,” sagot niya. Sa kanya ako kumukuha ng mga update pero limitado lamang ang ibinibigay niya sa akin at kahit ang litrato man lang ay hindi niya ipinakita sa akin. Hindi ko rin nasubukan na tingnan ang social media niya dahil baka mas lalo lang ako mawawala sa sarili kapag nakita ko na siya. Ibinaba ko nang bahagya ang salamin ng bintana at tumingin sa labas. “Wala talagang pinagbago ang bansang ito,” nakangiting sabi ko. “Ang mga tao lang naman ang nagbabago,” sabat niya. “Seriously Lazel? Saan ba kita ihahatid?” “Sa hotel muna ako habang wala pa akong nahahanap na malilipatan ko,” sagot ko sa kanya. Balak kong bumili ng condo kung may plano na ako sa susunod kong hakbang. “Gagastos ka pa kapag mag-hotel ka. Alam kong mayaman ka na pero sayang pa rin naman ang pera mo. Doon ka na lamang sa condo ko, hindi na ako umuuwi roon. Na kina Mama ako dahil malapit na ang kasal namin ng fiancé ko.” Kung hindi ko pa talaga alam na ikakasal na siya ay baka hindi pa ako magkakaroon ng lakas na loob na umuwi. Hindi ko alam kung bakit pero naisip ko rin... Panahon na para kunin ang pagmamay-ari ko noon. “Okay,” sagot ko at sumandal ako sa likod ng upuan ko. Nakakaramdam ako nang antok dahil siguro may jetlag pa ako. Hindi naman ako makakatulog agad kaya inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin sa labas hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang malaking billboard. My heart beat faster when I saw the soft face of the little girl on the billboard. “Bro, stop the car,” I told him and I tapped his shoulder para sundin ako agad. Gusto kong matitigan nang maayos ang mukha niya. “Ano? Lazel, ano naman ang gagawin mo? Bakit tayo hihinto?” nagtatakang tanong niya sa akin pero hindi ko magawang putulin ang tingin ko sa bagay na iyon. “Lazel?” “Wait a minute, Lethaniel. Stop the car, bro,” I said. Mabilis naman niyang itinabi ang kotse niya sa gilid. “Hoy! Ano ba ang gagawin mo?!” sigaw niya sa akin nang bumaba ako mula sa kotse niya para lamang makita ko nang maayos ang mukha ng bata. This building has a billboard of a young girl. She was just looking at the camera, seriously and there’s no emotion written on her angelic face. Hawak ng kaliwang kamay niya ang kanyang pisngi at sa kabila naman niyang kamay ay perfume ng pambata ang hawak niya. She’s wearing a violet strap dress, only half of her body is visible and in the background is the name of the perfume. She’s so beautiful even though she’s so young and I know she’ll be even more beautiful when she grows up. Her aura is so strong and even if I only see her picture now it’s like she’s right in front of me. Hindi humuhupa ang malakas na kabog sa dibdib ko at mas dumoble pa nang makita ko na ang pangalan niya. Calystharia Divyne Carvantes. She’s too young para maging endorser ng perfume na kapangalan pa niya. Parang may kung ano talaga sa bata kaya hindi ko man lang magawang ilipat ang tingin ko sa iba. Tila may magnet ito. “Ang billboard ba ‘yan ang tinitingnan mo, bro?” tanong sa akin ni Lethaniel. Habang tumatagal ang titig ko sa kanya ay parang maiiyak pa ako, na hindi ko malaman ang dahilan kung bakit. “W-Who is she, Lethan?” I asked him. “Anak mayaman ‘yan. Nandiyan ang pangalan niya at kinaiinggitan ‘yan ng mga anak ng kaibigan natin. Maging ang pamangkin ko. Ang ganda niya, ‘di ba? Mahilig tumambay riyan ang mga buntis para lang makita ang anghel na iyan. Iniisip kasi nila na kapag makita nila ito ay posibleng maging kamukha ng batang ito ang magiging anak nila,” paliwanag niya sa akin at napatingin ako sa paligid. Tama siya. May waiting area roon na nilagyan na rin ng tent at maraming tao. Halata naman sa batang ito ang pagiging anak mayaman. Dahil ang kutis niya ay parang gatas lang at ang kinis niya. Matangos ang ilong niya, ang mga mata niya na parang nahihipnotismo ka pa at ang mga labi niya. Pouty lips. “Sa tingin mo... Kaninong anak ito?” tanong ko. “Huwag mo na akong tanungin pa tungkol sa ina ng batang iyan, Lazel. Ito lang ang masasabi ko sa ‘yo, kung ano ang nakikita mo ngayon sa bata ay parang nakita mo na rin ang Mommy niya. Tara na, umalis na tayo rito.” Hinila na niya ako at puwersahang isinakay niya ulit ako sa sasakyan niya. Hindi talaga maalis-alis ang tingin ko roon. Hanggang sa hindi ko na nga ito makita pa at may kung ano sa dibdib ko ang tila pinipiga. Bakit ganoon? Bakit ganoon na lamang ako nagkaroon ng interest sa billboard na iyon? Na kung sino ang batang babaeng iyon? Napabuntong-hininga ako at pinilig ko na lamang ang ulo ko. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Mas naguguluhan lamang ako. “Ang batang iyon...” I uttered. “Hay naku. Tumigil ka, Lazel.” There’s something with Lethaniel, too. Parang may alam talaga siya na ayaw pa niyang sabihin sa akin. Ano na naman kaya iyon? “Pamilyar siya sa akin... Parang nakita ko na siya... Nakita ko na siya dati...” sabi ko para lamang matigilan siya. “Imposible ang sinasabi mo, Lazel,” sabi niya na sinabayan pa nang pag-iling. “Malakas ang kutob ko na nakita ko na siya dati, Lethan. Alam ko... parang may kung ano sa batang iyon...” “Diyan ka nagkakamali. Nag-travel na iyon around the world pero isang bansa lang ang hindi niya napupuntahan. Saka ngayon ka lang nakabalik dito, ah. Kaya saan naman kayo magkikita kung posible nga ang bagay na iyon?” Napatingin ako sa kanya dahil parang ang dami niyang alam tungkol doon. Sabi ko na nga ba, eh. “Kilala mo siya?” interesadong tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nagkibit-balikat lamang siya. Sa hitsura niya ay parang ayaw niyang sabihin sa akin ang nalalaman niya. Buong biyahe ay nanahimik na lamang ako at hindi ko man lang nakalimutan ang mukha niya. Parang gusto ko pa siyang makita ulit. Hindi ko alam kung bakit talaga ako nagkakaganito. Pero isa lang ang gusto ko... Ang makilala ang batang babaeng iyon. Wala pa ako sa sarili nang makarating kami sa condominium at inakay na lamang niya ako. “Mag-grocery ka kung gusto mong kumain ng sariling luto mo. Last week pa ako naubusan ng stock,” he said but I just ignored him. “Lazel. Hindi kita puwedeng iwan ng ganyan ka. Bro...” “I’m fine. Puwede mo na akong iwan dito, Lethan,” sabi ko sa kanya at bumuntonghininga pa siya. “Hindi puwede. Parang bata lang iyon ay bakit nagkakaganyan ka na? Don’t tell me nagkagusto ka sa batang diyosa na iyon?!” he shouted at me. Pinukulan ko siya ng masamang tingin at malakas na humalakhak pa siya. “It’s not like that, Lethaniel... Parang may kakaiba lang talaga sa bata... I can feel it...” I said as I touched my chest. “Hay naku... Anak pa lang ang nakikita mo. Just what if you meet her Mom? She’s beautiful even more...” “I don’t know...” I just said. “Lazel...” “Kung may pupuntahan ka pa ay puwede mo na akong iwan dito, Lethan. May nakita ako na grocery store malapit sa condominium. Sige na, don’t worry about me. I can handle myself,” I said. Wala nga talaga siyang balak na iwan ako rito. “Okay. Babalik ako mamaya para tingnan ka. Grabe, parang hihimatayin ka. Nakita mo lang si Calystharia. Paano na lamang kung sa personal mo na iyon makikita? Ay baka matuluyan ka na.” Tipid na ngumiti na lamang ako sa kanya as I took a deep breath. After he left his condo ay itinuro pa niya sa akin ang bakanteng kuwarto na puwede kong pagpahingahan at mabilis na naligo lamang ako. Saka ako humiga sa kama at natulog. Madilim na sa loob ng kuwarto nang magising ako at nararamdaman ko na rin ang pag-aalburoto ng tiyan ko. Wala na ngang stock si Lethan kaya katulad ng sinabi ko kanina na lalabas na lamang ako ay iyon ang ginawa ko. Nagsuot lang ako ng itim na hoodie saka ako lumabas sa unit. Pero wala pa akong balak na mag-grocery talaga kaya nang madaanan ko ang isang Pasta House ay pumasok ako sa loob. Lumapit ako sa counter para um-order ng pasta. “Good evening, Sir,” the girl at the counter greeted me. I smiled at her. “One pasta carbonara and iced coffee, please.” “We will serve your order, right away, Sir and write your name here,” she said at kinuha ko ang hawak niyang ballpen. I write my name in the peace of red paper. I was about to find a vacant table when the girl uttered the familiar name. “Calystharia Divyne!” I stilled. Calystharia Divyne? Ang pangalan na iyon ang may-ari ng perfume endorser, right? I just heard the footsteps of someone right beside me with her soft voice. “Miss, the correct pronunciation of my second name is Di-vin. Not Di-vayn. Please, always remember that.” Just like that, my heart beats fast again and when I saw her face... Parang gusto ko na siya agad yakapin. I don’t know why...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม