CHAPTER 3

2600 คำ
Chapter 3: First meeting CALYSTA DANIELLA’s POV “WHAT?! 18 years old?! Ipakakasal ka ng parents mo sa 18 years old na ‘yon?!” hysterical na tanong sa akin ni Glean Aero. Ang nag-iisang kaibigan ko simula pa pagkabata ay siya na talaga ang kasa-kasama ko. Glea Aero Lavern-Salvacion ang full name niya, we’re same age rin and just like me ay business woman din siya. Kahit nga ang company namin ay magkasosyo. She have a shopping mall at sa company ko siya kumukuha ng mga appliances at kung pasok ba ito sa stock market. Para hindi naman mabulok sa isang sulok lang ang products namin. Well, hindi naman kami nabibigo sa bagay na ‘yon. Kaya nangunguna sa listing ng successful business ang Carva Home’s Shopping and her Salvacion Engrandt Mall. She’s a little bit maldita and a workaholic. But a good friend of mine at maaasahan mo siya anytime. Kapag nagkaproblema ka, just ring her a bell. One call away siya. Mabilis lang siyang mairita sa mga bagay na sa tingin nga niya ay nakaiirita and to the highest level ang kaartehan niya. Hindi siya nag-iisang anak kaya siya ang naging heiress ng family niya. Because the truth is eldest daughter siya at tatlo pa ang nakababata niyang lalaki. Yeah, siya lang ang anak na babae. “You’re too OA, Glea,” I commented. After our conversation with my father and Lolo Ced. I went to her company to visit her at pinag-uusapan na nga namin ang magiging future ko. I have work to do but I decided to take my day-off. Besides, kaya namang tumakbo ang company ko without me. So, I am here. Nakikipag-tsikahan sa best friend kong married na rin. “Hindi lang talaga ako makapaniwala. Imagine, 18 pa lang? Tapos ikaw ay 28 years old na! How ironic is that, Calysta Daniella?!” Napahawak ako sa ears ko and I sighed. “Lower down your voice. Wala namang pinagkaiba ang situation natin, Glea Aero Salvacion. Mas matanda nga rin sa ‘yo ng ten years ang asawa mo ngayon,” I said and I sipped my ice tea coffee. “It’s a different case, Calysta. Lalaki ang mas bata kaysa sa ‘yo and I wonder kung marunong na ba siya sa night routine ng mag-asawa.” Naibaba ko ang cup ko at tiningnan siya. “What is night routine are you talking about, Glea?” I asked her confusedly and she smirked at me suddenly. “Ano’ng klaseng tingin ‘yan?” I asked again. “You know what I mean, Calysta. The quality time, you know that very well,” she said and I suddenly choke kahit wala na akong iniinom. Dinampot ko ang table napkin sa counter niya. Yeah, may counter siya rito sa loob ng office niya at kompleto ang mga gamit niya rito. Ang collection naman niya ay wine, sa past life niya siguro ay isa siyang bartender. Hindi naman siya lasenggera at ginawa niya lang talagang katuwaan ang mga alak na ito. But of course mataas din ang alcohol tolerance niya. “Shut up, Glea,” supladang sita ko sa kanya. “Hmm, kung sabagay. Magandang idea na ‘yon. Kaysa naman...ang maging single ka forever, maging matandang babae, walang experience sa night routine, walang experience sa kissing and hugging, kahit flings ay wala ka no’n and what is the worst? Ang mámamatay kang vírgin, it’s time na para madiligan naman ang nabubulok mong flowers, Calysta,” nang-aasar na saad niya. “What the hell, Glea?!” I shouted at tumawa lang siya nang malakas. Ano ba ang mga pinagsasabi niya? Ni hindi ko siya maintindihan except sa last words niya! What?! Mámámatay na vírgin? *** When I arrived at home, I saw my grandfather sitting on the sofa, at nag-iisa lang siya roon. “Good evening, `Lo,” I greeted him at hinawakan ko ang kamay niya para magmano. “Kadarating mo lang, apo? Ang sabi sa akin ng secretary mo ay maaga ka raw nag-off sa trabaho mo,” aniya. “Yes po, `Lo. Nakipag-meet po ako sa best friend ko,” sagot ko at umupo ako sa tabi niya. “Si Glea?” “Opo,” simpleng sagot ko. “Pinag-usapan niyo ba ang nalalapit niyong kasal, Calysta?” he asked and I nodded. “Hindi na po ba magbabago ang isip niyo, Lolo Ced? Puwede naman po tayong tumulong sa company nila kahit hindi na po kami mai-involve sa marriage thingy,” pamimilit ko sa aking Lolo ngunit umiling lang talaga siya. Dahil hindi niya babawiin ang sinabi niya. Ang napagkasunduan nila. Gusto ko lang baguhin ang plano nilang pagpapakasal. Kaya naisipan ko na lang ang tumulong sa pamilyang iyon. Wala pang masisira na future kung nagkataon. Makipag-deal na lamang sila sa akin at hindi naman ako magdadalawang isip na mag-invest sa company nila. O kung gusto nila ay pauutangin ko na lamang siya. Sabihin lang nila kung magkano ang perang kakailanganin nila at magagawan ko iyon agad ng paraan. “Hindi puwede, apo. Ayaw rin nilang magkaroon sila ng utang na loob sa ating pamilya kaya para maging patas ang pamilya natin sa isa’t isa ay ang kasalan na lang ang naisipan naming nakatatanda. Kaya maghanda ka na rin mamaya. Makikita at makikilala mo na ang mapapangasawa mo, Calysta,” aniya nang may ngiti pa sa labi. Tingnan mo nga naman, sobrang bilis din nila kung magplano. Agad-agad. “Lolo Ced...” “Sige na, apo. Maghahanda na rin ako,” he said and stood up from his seat. Pabagsak na sumandal na lamang ako sa likod ng sofa at bayolenteng bumuga ng hangin mula sa aking bibig. Do we need to get married alang-alang sa business nilang palubog na? 18 years old? He’s just 18 years old at magiging asawa ko pa?! Tatanggi naman sana siya sa kasalan ito kapag nalaman niyang ten years ang tanda nito sa kanya. Sana lang...may gawin siya para hindi matuloy ang pinagkasunduan ng parents namin. We have a family dinner. So, I need to dress up properly para hindi naman ako mapahiya sa Valdiviño. “Wew, maghahanda na nga rin ako.” I wore my blue-green wrapped dress above the knee. Itinali ko sa mataas na ponytail ang reddish brown hair ko na hanggang balikat lang ang haba nito. I put a light make-up on my face and red lipstick. Maliit na hikaw lang ang sinuot ko at ang a moon pendant necklace. Binuksan ko ang velvet box ko at naghanap ng susuotin na wristwatch. Isa sa kinahiligan ko ang magkaroon ng collection na mamahalin na relo. Isang beses ko lang sinusuot ang mga ito. Pinili ko na lang ang channel na relo at saka ko kinuha ang black pouch ko, na ‘sakto ang phone ko rito. Pagkababa ko ay nandoon na agad sina Lolo at Papa. Formal ang kanilang mga kasuotan. Halatang napaghandaan din nila ang gabing ito. “Are you done, Calysta?” my father asked me. “Yes po, Papa,” I answered politely. “Good. May reservation sila sa fancy restaurant. Tara na.” *** Mas nauna kaming pumunta sa fancy restaurant. Nagpa-reserve nga talaga ang Valdiviño family pero sila pa ang wala. Sila pa ang mahuhuli sa family dinner namin? Tss. Parang nakahihiya iyon. Dapat sila ang naunang nagpunta rito at maghihintay sa pagdating namin. “Where are you going, Calysta?” my father asked me. Naglakad kasi ako pabalik sa pinto and ready na ring lumabas. Hindi naman ako literal na aalis. “I want to breath some fresh air, Papa. Just call me po kung dumating na ang Valdiviño,” I replied. “Why did you just seat here with us, and wait for their arrival, Calysta?” Papa stated but I shook my head. I want to go out. Really, really bad. “Papa, dapat nga po ay sila ang mauunang makapunta rito. Pero tayo pa ang maghihintay sa kanila? Right po, `Lo?” ani ko na tumango naman si Lolo Ced. Nakuha niya ang aking ipinupunto. Hindi naman kasi tama na kami pa ang maghihintay sa kanila, right? “Sige na, apo. Lumabas ka na muna saglit at huwag mo sanang isipin na tatakas.” I chuckled. “`Lo, I’m not a child anymore. Hindi ko po gawain ‘yan kahit noong bata pa ako,” I told him. Sa truth hindi ako ganoong klaseng tao na tatakas na lang bigla. Noong bata pa ako ay hindi ko naranasan ang tumakas. Lalo na kung nagkakaroon ako ng problema sa buhay ko ay buong tapang kong hinaharap ang iyon. Wala naman kasing saysay ang palagi kang tumatakas dahil sa aking opinyon, kahit ano pa ang gawin mo ay never kong matatakasan ang realidad. Puwede mong makalimutan saglit pero kailangan mo rin itong harapin upang matapos na ang problem mo, kung mayroon man. “Yeah, I lnow. Okay. You may go.” Lumabas na nga ako at nagtungo sa garden. Alam kong may garden sa resto na ito. Ayokong maghintay roon at baka mairita lang ako. Ayoko pa namang maghintay nang matagal. Pagdating ko sa garden ay umupo ako sa bench at bumuntong-hininga. Stress lang ang makukuha ko kapag mag-overthink pa ako ng malala. Because until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa 18 years old lang ako magpapakasal? I wonder kung ano ang hitsura niya. See? Curious na rin ako sa pagmumukha ng batang iyon. Hayst. Napatingin ako sa pouch nang maramdaman ko ang vibration nito baka sina Papa na ang tumatawag sa akin and I decided to go back. Ang bodyguard ni Lolo Ced ang nagbukas ng pinto para sa akin. Tinanguan ko lang siya at pumasok na sa loob. May kasama na nga sila sa table. Nasa kabilang side sila. Pero...hindi ko naman nakita ang lalaki. Apat lang sila ang nandoon. “Good evening,” I greeted them para makuha ko na ang attention nila. Napatayo pa sila sa gulat nang makita ako. “Good evening too, hija,” nakangiting bati sa akin pabalik ng ginang. In fairness maganda siya kahit may edad na. She’s wearing her simple golden dress. May hitsura naman ang asawa niya. Hindi na masama kung ang maliit na version ng lalaking ito ang mapapangasawa ko. Yeah, maliit na version. “Siya na ba ang anak at apo niyo, Mr. Carvantes?” tanong ng lalaki, iisang pangalan pero alam kong dalawang tao ang tinanong niya. “Yes, Mr. Valdiviño. This is my daughter Calysta Daniella Carvantes,” pakilala ni Papa sa akin. Ngumiti sa akin ang magandang ginang kaya nginitian ko rin siya pabalik. “Just call me, Calysta. Kumusta po?” nakangiting saad ko at naglahad ako ng kamay nang may bigla namang dumating. “Sorry I’m late. Good evening.” Nawala ang ngiti ko sa labi nang marinig ko ang boses na iyon. Bakit hindi naman boses pambata iyon? It seems voice of a man, napaka-manly and masyado ring malamig. Nakapangingilabot. I don’t know why. “Lazel, hijo. We’ve meet again.” I glanced at my grandfather. “Opo, Sir Ced.” Kilala na niya agad ang lolo ko? At si Lolo Ced ay kilala na rin niya ang batang ito? Kaya ba tinanong nila ako kanina na kung gusto ko bang malaman ang hitsura nito? Or his attitude? Lumingon na ako sa kanya para makita ko na ang mukha niya pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Tumaas ng kaunti ang kilay ko dahil mukhang...snob siya at wala ring pakialam sa ibang tao. “I’m sorry for his late arrival. Nag-park pa kasi siya ng sasakyan namin,” ani ng ginang. Mabait naman ito kung titingnan. “Nah, it’s okay. Kadarating lang namin,” sabi naman ng aking Lolo. Kumuha ako ng walang laman na baso at may nagsalin agad sa akin ng tubig. “Thank you,” pagpapasalamat ko sa waiter. Yumuko lang siya at nang uminom na ako ng tubig ay naramdaman ko naman ang dalawang pares ng mga matang nakatingin sa akin. Kaya nang matapos naman ako ay tiningnan ko ang taong iyon. Tinaasan ko siya ng kilay dahil ang lalaking mapapangasawa ko ang nakatitig sa akin. May hitsura naman siya. Kakaiba ang karisma niya at sa unang tingin mo pa lang sa kanya ay malakas na talaga ang sèx appeal niya. Kakaiba rin ang paraan nang pagtitig niya. Nakaupo lang siya sa tapat ko kaya makikita ko sa malapitan ang natural na kulay ng eyes niya. Gray. Hindi na siya ang unang lalaking nakita kong may ganitong uri ng mata at kung makatingin nga siya ay sobrang lalim na parang malulunod ka at super blangko rin nito. Matangos ang kanyang ilong, ang ganda nga ng tip ng noses niya, ah. Ang mga labi niya natural na mapula and kissable lips? Walang kahit na ano’ng black heads or pimples ang pisngi niya or sa kahit saang anggulo ng mukha niya. Napakaperpekto niya bilang lalaki kaya mas bagay rin sa kanya ang maging isang babae. Hmm, baka hindi lang mga babae ang nagkakagusto sa kanya. Ang kaso lang, wala siyang emosyon at ang hirap basahin ng mga iniisip niya. Bumaba pa ang tingin ko sa adams apple niya. Hindi na ako magdududa pa na sikat ito sa VU dahil sa guwapo niyang mukha. When I stared at his eyes, bumilis lang ang t***k ng puso ko at namanhid ang batok ko. I looked away at umakto na lang ako na hindi ko sinuri ang physical appearance niya. Because it seems he caught me. Ganoon pa man, kahit na guwapo nga siya at mukha mang matured na ay mababa pa rin ang kanyang edad. Hindi ko pa rin siya ka-level. Dahan-dahan na lumipat ulit ang tingin ko sa kanya na matapang na sinalubong niya lamang. Okay... Huwag siyang makipagtitigan sa akin ng ganyan dahil baka hindi na ako magba-back out sa kasal namin. Haist, Calysta Daniella. Alalahanin mo na mas bata sa ‘yo ng ten years ang poging lalaking ‘yan at kapag natuloy ang kasal niyo ay mukhang ikaw pa ang magbabayad ng tuition niya. Magbabayad ng tuition? Parang lalabas na hindi lang ako magiging wife niya. Magiging...sugar mommy rin ako kung nagkataon. Marahas kong pinilig ang ulo ko at bumuntong-hininga. “Calysta Daniella, right?” ani ng ginang. Kasasabi ko lang kanina, hmm? “Yes po,” tugon ko na sinabayan pa nang pagtango. “I’m Sloane Valdiviño, and this is my husband, Vazel Valdiviño.” “Nice meeting you, Mrs. and Mr. Valdiviño,” I said. “And this is our son, Lazel Hyrroz Valdiviño,” sabi naman ni Sir Vazel. Wew, his name is Lazel Hyrroz? Kahit ang first name niya ay pambabae. Hindi naman siya mukhang uhm...gay. Dahil kakaiba nga ang dating niya. “How are you, Ms. Calysta? I’m Lazel Hyrroz.” Medyo nagulat pa ako sa biglaan niyang pagsalita. Ang akala ko ay mananatili siyang walang imik at tahimik lang siyang manonood sa amin. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakalahad. Malaki iyon at maugat. Tumayo na rin ako at tinanggap ang palad niya pero... Mabilis niyang binawi ang kamay niya mula sa akin at seryoso niyang tinitigan iyon. Wala sa sariling napatingin din ako sa aking kamay. Ano ba iyon? Totoo ba ang naramdaman ko kanina? A voltaic? Wait...what?! Saan naman nagmula ang voltaic na ‘yon? “What’s wrong, son?” “Calysta?” “Nothing,” magkasabay na sagot pa naman at nagkatinginan kami. “Mabuti pang umupo na lamang kayong dalawa. Mayamaya lang ay ise-serve na ang in-order nating pagkain.” I sighed. What was that? Is that real? A voltaic or something?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม