Chapter 6: Hiring & driver
LAZEL HYRROZ’S POV
BINUKSAN ko ang pintuan at agad siyang pumasok sa loob kahit hindi ko siya inaaya. Sumunod na lamang ako sa kanya.
“Kailan mo sasabihin kina Dad na nakauwi ka na sa bansa, Lazel? Kung kailan malalaman pa nila sa ibang tao?” seryosong tanong sa akin ng nakatatanda kong kapatid at pinukulan pa ako ng masamang tingin.
Ang bilis talagang makasagap ng info ang kuya ko, ah.
Kay Lethaniel din naman niya nalaman na nakauwi na ako, kaya baka nang malaman niya rin `yon ay kaagad siyang pumunta sa condo ng kaibigan ko. Kaya heto, sermon agad ang inabot ko kay Kuya Kazel. Sa halip na i-welcome ako dahil kadarating ko lang naman kahapon.
“I’ll visit them soon, Kuya at tatawagan ko naman sila mamaya,” pagdadahilan ko kahit na wala akong balak na contact-in sila kasi wala sa plano ko `yon.
Matagal na akong pinipilit ng parents ko na umuwi na pero sarili ko lang talaga ang walang balak na bumalik. Hindi ko lang alam kung bakit, kahit na parang gusto na ng puso ko. May pumipigil lang talaga sa akin.
“Siguraduhin mo `yan, Lazel. Mahina na ang puso ni Dad at si Mom naman ay mabilis nang mapagod,” kuwento pa niya na tinanguan ko lang. Alam ko naman ang bagay na iyon.
Through video call lang din naman ang komunikasyon namin. Hindi ko lang sila tinawagan dati ay noong bago pa lamang ako sa New Zealand. Sa takot na baka pauuwiin nila ako sa bansa at malalaman kong galit na galit sila sa akin.
Dahil sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ko dati? Umalis ako ng walang paalam sa kanila at iniwan ko ang asawa ko ng wala ring dahilan na kung bakit nga ba. Saka nag-iwan din ako noon ng divorce paper na may pirma ko na. Wala rin naman akong update kung ano na rin ang nangyari, kung natuloy bang na-annulled ang kasal namin. Sana nga ay hindi, pero imposible na.
Sa maikling panahon na nakasama ko siya ay nakilala ko ang pag-uugali niya. Tahimik siyang tao, palaging seryoso pero may mabuting puso. Pagdating sa trabaho niya ay sobrang strict niya rin, mahirap makuha ang loob niya sa katunayan. Mas mayaman siya kaysa sa amin pero kailanman ay hindi ko nakita ang pagiging mayabang niya.
Hindi siya ang tipong babae na nagwawaldas lang ng pera para sa sarili niya. Ang isa lang na madalas niyang ginagawa ay mangolekta ng mamahaling relo, and maybe until now ay ganoon pa rin siya. Naniniwala pa rin kasi ako na mahirap baguhin ang pag-uugali ng isang tao.
“Magtatrabaho ka na ba sa kompanya? Bakante ang posisyon ngayon ni Dad.”
“Eh, ikaw ba, Kuya?” balik na tanong ko.
“Hina-handle ko ang kompanya ng father-in-law ko. Alam mong wala siyang anak na lalaki at ibang trabaho ang gusto ng Ate Sylvesta mo,” sagot niya at tumango na lamang ako.
“May plano akong magtrabaho sa ibang kompanya, Kuya. Saka na kapag naayos ko na ang mga bagay na aasikasuhin ko,” sabi ko at mahalaga iyon kompara sa trabaho ko sa kompanya namin.
“Ikaw ang bahala. Huwag mong kalimutan na tawagan sina Dad, okay?”
“Sige,” tipid na sabi ko lang at tinapik pa niya ang balikat ko.
Pagkaalis nga ng kapatid ko ay tinawagan ko si Dad, hindi rin naman nagtagal ang usapan namin. Basta ang gusto nila ay umuwi ako pero hindi pa ngayon.
Nakipagkita rin ako kay Lethaniel para sa unang plano ko. Hindi ko puwedeng ipagpaliban ito. Nakasalalay rito ang sarili kong kaligayahan.
“Kumusta naman ba siya, Lethaniel? May... pamilya na ba siya?” tanong ko at medyo nabahala pa ako dahil baka huli na ako.
“Sinabi ko na sa `yo dati na single pa siya, ang kaso lang... Hayst. Malalaman mo rin naman, eh. So, what’s your plan?” he asked me.
“My first plan, gusto ko munang makalapit sa kanya,” sabi ko at nakapag-isip na ako nang maayos.
“Baka may hiring ngayon sa kompanya niya? Doon ako magsisimula, bro. Ang magtrabaho sa kanya,” seryosong saad ko.
Sa sinabi ko ay ikinagulat pa niya. Muntik pa yata siya natumba mula sa kinauupuan niya. Grabe kung maka-react naman ang isang ito.
“Desperado ka na nga talaga. Bakit ba kasi iniwan mo siya dati? Eh, ngayon ikaw ang namomroblema kung paano mo siya lalapitan,” paninisi niya sa akin at alam ko ang nagawa kong katangahan noon.
“Alam ko, huwag mo nang ipamukha pa sa akin,” sabi ko.
“Titingnan ko. Pero baka wala rin, dahil sa pagkakaalam ko ay last two months pa yata sila nag-hired ng bagong empleyado nila at sa agency pa ni Claves,” paliwanag niya at nagtipa ng keyboard sa laptop niya. “Puwede natin siyang tawagan kung--”
“Ako ba ang pinag-uusapan niyong dalawa?” Hindi na nga kailangan parang tawagan dahil nandiyan na siya.
“Claves,” sambit ko sa pangalan niya at tumayo para makipagkamay sa kanya.
“Kumusta, Lazel? Buhay ka pa pala,” sabi nito na tinawanan ko lang.
Claves Reid Alcazar, the CEO of his own agency company. Pinsan siya ni Lethaniel na naging kaibigan ko na rin.
“Gago. Masamang d**o `yan, pinsan. Kaya aabot pa siya ng ten years,” sabat ni Lethan na hindi ko na lang pinansin pa. Tinanggap naman ni Claves ang kamay ko at sabay na kaming umupo.
“You’re desperate, man. But hmm, wala nga talagang ginagawa ang mga in-love na katulad mo. Hindi ka ba nabahala man lang na baka may wrinkles na siya? Matanda na siya, `di ba?” tanong niya na hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano.
I made a facepalm. “She’s just 38 years old, bro. At wala na akong pakialam pa kung may wrinkles na siya o kung matanda na ba siya tingnan,” sabi ko na tinawanan lang nilang dalawa.
“Power of love, that’s it. Well, masuwerte ka pa naman, man. Maganda naman siya, `yon ang best asset niya, ang for your information, wala ng hiring ngayon sa kompanya niya. Close na pero...base sa mga nakikita ko na desperado ka ay may chance ka pa kung paano siya lapitan,” he said.
“Ano naman `yon?” tanong ni Lethan sa kanya. Naghihintay rin ako sa isasagot niya.
“Heto, makakasama mo siya kahit saan man siya magpunta at kahit ano’ng oras pa. Nagpapahanap siya ngayon ng bagong driver. Kasi ang family driver nila ay magreretiro na. So...”
“Claves, engineer si Lazel tapos gagawin mo lang siyang driver?” gulat na tanong ng pinsan niya sa kanya.
“Iyon lang ang hiring. Bakit ayaw mo, Lazel?”
“Iyan na yata ang pinakamagandang balita na narinig ko,” nakangiwing sabi ko at malakas na suminghap si Lethan.
“Nahihibang na talaga si Lazel, oh.”
“Interesado ako, Claves,” sabi ko at wala naman akong pakialam pa kung maging driver lang ako. Disente naman ang trabahong iyon kaya ano ang problema ro’n? Mas maganda nga iyon dahil alam ko ang mga lugar na pupuntahan niya at pati na ang schedule niya.
“Nice. Sasabihan ko siya agad at alam kong hindi ito tatagal ng tatlong araw ay magsisimula ka na,” sabi niya na tinutukan niya ang cellphone niya. “Kaya lang may sabit,” dagdag na saad pa niya.
“Ano naman ang sabit na `yon? Sinabi naman sa akin ni Lethaniel na wala pa siyang pamilya,” sambit ko. Dahil parang ang laki nga ng sagabal ang tinutukoy niyang sabit.
“Cute na sabit ba `yon, Claves?” natatawang tanong pa ni Lethan.
“Malalaman din naman ni Lazel kung ano ba ang tinutukoy natin,” he said. “Ibigay mo na lang sa akin ang cellphone number mo para maibigay ko na rin sa kanya kung sakali man na kailangan ka na niya.” Inilahad niya ang phone niya sa akin at kinuha ko naman iyon para ibigay sa kanya ang number ko.
“Sigurado ka ba na pasok agad siya sa trabaho, Claves?” nagdududang tanong ni Lethan at maski ako ay ganoon din.
Imposible rin na makapasok ako agad. Just what if makilala nga niya ako at hindi niya ako tatanggapin?
“Ang sabi ng client ko ay ako na raw ang bahala sa bagong driver niya dahil alam natin pareho na babagsak ka kapag siya pa ang magkukusa na kausapin ka. Baka makilala ka niya.” I sighed dahil may punto nga siya.
“Baka hindi na. Ten years na ang nakalipas, baka nakalimutan na rin niya si Lazel,” sabi ni Lethan at mabilis na binalingan ko siya.
“Imposible `yon,” tanggi ko. Dahil alam kong makikilala pa rin niya ako. Hindi naman nagbago ang mukha ko pero... Posible nga rin lalo na maikling panahon niya lang ako nakasama noon. “Basta. I-update mo na lang ako,” sabi ko na tinanguan niya lamang.
“Saan ka pala tumutuloy ngayon?” Claves asked.
“Sa condo ni Lethaniel,” sagot ko.
“Sa High Tower ba?” I nodded. “Nice... What a small world. Okay, i-update kita agad.”
Naghiwalay naman kaming lahat pagkatapos naming mag-usap. Bumalik din sila sa kanya-kanya nilang trabaho and I went to supermarket para mag-grocery na rin.
Binili ko ang lahat ng kailangan ko sa condo ni Lethaniel at nagtungo ako agad sa counter para magbayad pero napahinto ako nang makarinig ako na bulong-bulungan sa paligid. Hindi ko na sana iyon papansinin pero pamilyar sa akin ang pangalan na binanggit nila.
“Nandito raw si Ma’am Calysta. Grabe ang ganda niya, ni hindi man lang siya tumanda. Ganoon pa rin ang mukha niya.” M-Ma’am Calysta?
“Ano kaya ang sekreto ni Ma’am Calysta, ‘no?”
“Curious din ako.”
“Oy, hayan na pala siya!”
“Grabe, ang ganda pa rin talaga niya.”
Kung hindi ko titingnan kung sino ang taong tinutukoy nila ay hindi ko malalaman pero abot-abot na agad ang kaba ko.
Napatingin ako nang diretso at doon ko ulit nakita ang mukha niya. Maganda pa rin siya, mabigat at masyado pa ring malamig ang presensiya niya. Nakaka-intimidate pa rin ang aura niya. Tama nga sila na walang pinagbago ang mukha nito at ni hindi halata na malapit ng mag-40s.
Bumilis ang pintig ng puso ko nang magtagpo ang mga mata namin pero ni hindi tumagal nang isang minuto at nag-iwas siya ng tingin sa akin saka niya ako nilagpasan, kasama ang dalawang babae na nasa likuran niya. Hindi ako sigurado kung nakita ba niya ako o hindi naalala. Wala rin kasi akong mababasa na rekognasyon sa mga mata niya.
Darating pa rin ang panahon na magiging tagahanga na lamang ako sa kanya at kailanman ay hindi na mapapansin pa. Sinayang ko ang pagkakataon na makasama siya habangbuhay.
“Hindi ba may anak na si Ma’am Calysta?” Kumunot ang noo ko sa narinig.
“Paano kaya siya nagkaroon ng anak. Eh, alam naman natin na walang asawa si Ma’am Calysta.”
Walang asawa...pero may anak na?
Anong... Ano ang pinagsasabi nila na may anak na si Calysta? At walang asawa? Fvck, gusto kong malaman. Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya noong mga panahon na wala ako. Bakit? Bakit may anak na siya?
Sinundan ko nang tingin ang direksyon na pinuntahan niya. Ang Claves na `yon, napakasinungaling niya talaga. Ang sabi niya sa akin ay baka raw may magbago sa mukha nito pero parang wala naman. Ni hindi nagbago ang mukha niya. Kung may nagbago man ay `yong paghaba ng buhok niya.
Dinukot ko sa bulsa ko ang phone ko para sana tawagan si Lethaniel. Bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa bata.
“Kaya lang may sabit.” Natigilan naman ako ng maalala ko ang sinabi ni Claves.
“Ano naman ang sabit na `yon? Sinabi naman sa akin ni Lethaniel na wala pa siyang pamilya.” Maybe it was the child?
“Cute na sabit ba `yon, Claves?”
Kung may anak man siya ay wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga ay wala pa siyang asawa at itutuloy ko pa rin ang plano ko.
Hindi baleng may anak na siya. Tss. Basta gusto ko pa rin siya makuha no matter what.
“Oh, napatawag ka, Lazel?” sagot niya mula sa kabilang linya.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak na pala siya, Lethaniel?” seryosong tanong ko sa kanya at bigla pa siyang nawalan ng imik. “At siya ba ang tinutukoy niyong sabit ni Claves? I don’t care about that, sapat na sa akin ang malaman na wala pa siyang pamilya.”
“May pamilya naman siya kung hindi mo iniwan, gunggong at may anak pa,” sabi niya.
“Damn it. Gusto kong makilala ang anak niya,” sabi ko at narinig ko pa ang pagtawa niya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, gusto ko nga ang makilala ang anak ni Calysta at kung sino rin ba kaha ang ama ng bata? May lalaki ba siyang nakarelasyon bago ako? Shet...
“Mahirap makuha ang loob ng batang iyon, Lazel. Ah, basta hintayin mo na lang ang tawag sa `yo ni Claves at ikaw na mismo ang kumilala sa anak niya.”