Chapter 7: Meeting Calystharia again
CALYSTA DANIELA’S POV (PAST)
EARLY in the morning I prepared myself dahil ngayon ang nakatakdang araw na bibisita ako sa company ng Valdiviño family. Hindi ko lang alam kung sasamahan ba ako ni Lazel Hyrroz.
He’s a student, so I expected that he’s busy too with his studies. Kaya ko namang pumunta roon ng mag-isa lang. Alam ko na kung saan ang family business nila. I wore my maroon sleeves dress and white blazer on top of it with my black handbag.
“You’re going now, anak?” my father asked me, as he approached me. I nodded. Ready na rin yata siya sa work niya ngayon dahil maayos na ang kasuotan niya.
“Yes po, Papa, and I hope iba iyong iniisip niyong gagawin ko sa company nila. You know that I can’t do that, right?” I said at siya naman ang tumango. I just realized na naging straight forward ako.
“Yes, I know. Nabigla lang kami dahil sa sinabi mo na ikaw ang magha-handle. Kompanya nila 'yon at maliit lang kumpara sa mga kompanya na hawak mo ngayon. Kaya umaasa ko na rin na hindi ka magkaka-interest doon. Lalo pa na palubog na nga ang negosyon nila,” sabi niya na ikinangiti ko naman.
Kilang-kilala na talaga ako ni Papa kaya nasasabi na niya sa akin ang mga ito. Hindi biro ang family business na hawak ko ngayon.
“Gusto ko lang po malaman kung ano’ng company ang kalaban nila sa ngayon. Hindi ko naman 'yon pakikialaman pa at wala akong balak na pabagsakin, 'Pa,” I reasoned out. He smiled at me as if he’s proud of me.
“Anak nga talaga kita at hindi mo naisip ang isang bagay na alam mong ikasisira ng isang tao---ng karamihan,” he said.
“Ruining someone’s life is not in my vocabulary. We should always have peace for our happy life. That’s my motto, Papa,” I uttered and he messed up my hair, that made me pouted. Hindi na ako bata para gawin pa niya iyon sa akin.
“As your father, I am very much proud of you, anak. Lumaki ka na ganyan, kahit wala na ang Mama mo,” aniya. I know my mother, proud din iyon sa akin.
“Thanks, Papa, and oh, I have to go po. Kayo na lang po ni Lolo ang magsabay sa breakfast. Kailangan kong makapunta nang maaga para malaman ko rin kung sino-sino ang mga empleyadong masisipag na pumasok today sa kani-kanilang trabaho,” sabi ko pa.
Paglabas ko sa mansion namin ay kinuha ko na agad ang remote ng kotse ko but I suddenly stop nang makita ko si Lolo Ced sa labas. May kausap siyang isang matangkad na lalaki. Hindi pamilyar sa akin ang built ng katawan nito at ang side-view ng face niya lang ang nakikita ko.
I approached them para makilala kung sino ang lalaking kausap ng lolo ko at mukhang happy pa si Lolo Ced sa kausap niya ngayon.
This early in the morning ay may binabakarda na ang pinakamamahal kong abuelo. I’m just kidding about binabakarda.
“Good morning, Lolo,” I greeted him to catch his attention and he glanced at me. Nagmano ako sa kanya at matamis na ngumiti. “What are you doing here, 'Lo? Sino po ang kausap niyo?” I asked him politely at tiningnan ko ang lalaki para lamang tumaas ang isang kilay ko. It was... Lazel Hyrroz, my fiancé.
“Good morning,” he greeted me too. Talagang napaka-manly ng boses niya. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?
***
HINDI nawala sa akin ang magandang mukha niya at parang nakatatak iyon agad sa isipan ko. Unang kita ko pa lamang sa kanya ay talagang ganoon na ang reaction ng puso ko.
Mas gumanda siya...
And I missed her so much... So damn much...
Pagbalik ko sa condo ay inayos ko ang lahat ng groceries pero pagdating sa gabi ay hindi ako nagluto. Sa halip ay lumabas ako at pumunta ulit sa pasta house.
Napangiti ako nang makita ko na naman si Calystharia. Tahimik siyang nakaupo roon at kasalukuyan nang lumalaki. Mabilis na lumapit ako sa counter to take my order and after that, I approached the little girl. Siya talaga ang dahilan kung bakit mas ginusto ko ang lumabas ngayong gabi at umaasa na makikita ko pa rin siya rito.
“What a coincidence. You’re here again, Calystharia,” sabi ko at nagulat pa siya. Napahinto pa siya sa pagkain niya.
“Coincidence? Really? As if maniniwala ako sa 'yo na coincidence nga lang ba talaga ang nangyari if bakit tayo nagkita ngayon, ha?” pambabara niya sa akin at hayan na naman ang pasimple niyang pag-irap sa akin. Hindi nga talaga iyon mawawala.
Hindi na ako nasurpresa pa sa sinabi niya sa akin. Talaga namang suplada ang batang babae na 'to. I wonder kung paano naman niya pakitunguhan ang parents niya. Ganito rin ba siya? Or maybe she’s like this to other people? Just like what she have said to me.
“Yup,” tumatangong sagot ko and she even gasped.
“Ano ba ang ginagawa mo here? Bakit diyan ka na naman umupo, ha? Ang daming vacant table, oh. Haist naman...” she proclaimed. Ayaw niya talaga sa akin. Ayaw niya ng may kasama siya at kinakausap.
“Of course, tatabihan ko ang friend ko,” pagdadahilan ko at natawa na naman siya without humor. May kung ano talaga sa bata ito na nagagawang pagaanin ang bigat sa dibdib ko at ang makita ko lang siya kahit na sinusupladahan niya ako ay nabubuo na rin ang araw ko. Kontento na rin ako na titigan siya buong magdamag.
“You sounds gay, eh,” she commented.
“Bakit ba palagi kang pumupunta rito? Your Mom didn’t cook for your dinner?” I asked her.
“My Mom is busy,” she answered. I looked at her face. Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay parang nakikita ko sa kanya si...si... “Why are you looking at me like that? Kahit na busy pa ang Mommy ko ay naglalaan naman siya ng time sa akin, ah. Baka kung ano pa ang isipin mo riyan. That’s bad, you can’t judge my mom just like that,” she said and I nodded.
Iisipin ko nga iyon kasi halatang palagi siyang tumatambay rito at dahil na rin sa sinabi niyang busy ang Mommy niya, and maybe that’s the reason why...she was here.
“I was just curious, Calystharia. What’s your Mom’s work? Your Dad?”
“Wow... Now your role is a reporter. You ask too much as if we’re close talaga kahit na kagabi lang tayo nagkakilala---ah no, I don’t even know your name,” she uttered and shook her head.
“Kid, you already know my name. Formal mo pa akong tinawag, ah,” sabi ko at inirapan na naman niya ako.
“Whatever.”
“Lazel Hyrozz!” I stood up from my chair when I heard my name. I winked at Calystharia when she glanced at me.
“Remember my name, okay? I’m Lazel Hyrroz,” I told her and she rolled her eyes.
“Wapakels,” she blurted out and I chuckled softly.
“Uhm, I remember something... Your name... Kapangalan mo ang...asawa ko,” sabi ko pagkabalik ko at sumimangot siya.
“You have a wife na? Tsk.”
“Yes, uhm... Something like that...” I said kahit hindi na ako sigurado pa sa bagay na iyon.
“What do you mean about something like that? You’re weird, really,” she said and I nodded.
“Yes, I’m weird,” I uttered and she shook her head as if, nababaliw na nga ako. “Kidding aside, Calystharia.”
“You know what? Bakit ba tinatawag mo ako sa first name ko? Ang Mommy ko lang ang tumatawag niyan sa akin and other people Divyne naman ang tawag sa akin. Therefore don’t call me Calystharia. It’s Divyne for you,” pagtatama niya sa akin at may mumunting paalala pa.
“It’s the same, Calystharia. Pangalan mo rin naman 'yon at nasa akin na kung gusto kitang tawagin sa first name mo or second. All you have to do is masanay na sa akin,” sabi ko na sinadya kong maging conyo para mas lalo siyang mainis sa akin. Nagiging madaldal kasi siya, eh.
“Okay...” she said.
***
“Gusto mo ng ice cream? My treat,” pag-aaya ko sa kanya nang matapos na kaming kumain sa pasta house at sinasabayan ko na naman siya sa paglalakad.
“I have my money, I can buy my own ice cream,” she said.
“Okay. Next time will do?”
“No, no and no,” umiiling na sagot niya sa akin. Napakamot na lamang ako sa batok ko. Ang hirap naman pala niyang pilitin, eh.
“May trabaho na ako agad kaya nililibre na kita,” saad ko pa na ikinairap niya.
“I don’t care about that,” she said.
Nakarating kami sa condominium nila na parang nagbabangayan lang kaming dalawa. Wala naman yata sa kanya ang may kasama siya.
“Bakit sa condo kayo nakatira ngayon? Hindi ba sa mansion dapat?” nagtatakang tanong ko kay Calystharia.
“Wala ka na ro’n. Life namin ito,” masungit na sabi niya at mariin na naitikom ko na lamang ang bibig ko.
Pareho pa kaming sumakay ng elevator at tiningnan ko naman ang button. “Ano’ng floor ka ba?” I asked her.
“5th floor,” she answered.
“I wonder... Ano ba ang name ng wife mo, ha?” mayamaya ay tanong niya sa akin at lihim pa akong napangiti dahil siya mismo ang unang nagbubukas ng topic namin.
“Kapangalan mo lang siya,” mahinang sagot ko at nang tingnan ko ang hitsura niya ay parang nagulat pa siya.
“I don’t understand,” she just said.
“Ikaw... Ano ba ang pangalan ng Mommy mo?” Ako naman ang nagtanong sa kanya.
“Bakit tinatanong mo ang name ng Mommy ko?” she fired back.
“I just want to know,” sagot ko pero mausisa siyang bata dahil hindi naman siya naniwala sa dahilan ko. Curious lang kasi ako kung sino ang parents niya.
Hindi sa kinuwestiyunan ko ang mga lto dahil sa pagpapalaki nila kay Calystharia. There’s something that I want to know more...
“No. You’re not allowed to ask me that. So, shut up, Mr. Valdiviño,” she hissed me. Para akong bata na pinalobo ko na lamang ang bibig ko hanggang sa tumunog na ang elevator at floor na niya. Nasa 6th floor naman ang unit ni Lethaniel.
“Floor mo na, kid,” sabi ko sa kanya.
“I have my name---”
“See? Ikaw rin, hindi kita maintindihan,” sabat ko para lang pagtaasan niya ako ng kilay.
“Hindi naman kasi tayo magkakilala and we’re not that close to each other other. So, technically hindi tayo friends. Keep that in mind,” she said at huminto pa siya sa tapat ng elevator. Nakalabas naman na siya.
“What if ayaw ko?” laban ko sa kanya.
“You need to do that and malalim na ang gabi. Go home.” At pinagtatabuyan pa niya ako. Kung pagsabihan ako ng ganoon ay akala mo naman mas matanda siya kaysa sa akin.
She’s super masungit nga talaga at wala na yata siyang ibang ginawa kundi ang taasan ako ng kilay na may pag-irap pa sa akin.
“Babalik ka bukas ng gabi sa Pasta House?” I asked her. She raised her eyebrow again.
“Why?” tipid na sagot niya sa akin.
“Basta nga. Gusto ko lang malaman,” sagot ko at pinindot ko na ang button para magsara na ito. “Magkita tayo next time, alright?” I said.
“No. I don’t want to,” umiiling na sabi niya at napatingin naman ako sa likuran niya nang may naglalakad na isang babae roon.
“Calystharia...” sambit nito sa pangalan ng bata at bago pa man ako mag-angat nang tingin sa kanya para makita ko ang mukha ng babae ay agad ng nagsara ang elevator.
“Mom---”
“Sayang... Hindi ko nakita ang mukha ng Mommy niya,” nasabi ko na lamang dahil totoong nanghinayang nga ako. Hindi ko man lang nakita kahit may pagkakataon na ako.
Pagpasok ko sa condo ni Lethaniel ay 'saktong tumunog ang cellphone ko. Unregistered number ito pero sinagot ko pa rin, nagbabakasakali na si Claves na ito.
“Hello?” sagot ko.
“Si Claves ito, Lazel. Magsisimula ka na raw bukas pero magkikita kayo ng 5PM. Out niya sa trabaho niya at bago raw ang lahat ay may sasabihin pa siya na ilang mga mahahalagang bagay,” paliwanag niya sa akin. Malapad ang ngiti ko habang pinapakinggan si Claves.
Bukas na bukas na nga ako magsisimula at makikita ko na siya ng hindi na sa malayo. Sa malapitan ko na siya makikita at makakasama ko pa. Sana lang ay magtagal ako sa trabaho ko as her personal driver. Huwag lang... Huwag niya lang akong tanggalin kapag nakilala na rin niya ako.
“Thank, Claves. Maaasahan ka talagang kaibigan,” sabi ko.
“Wala 'yon, man. Maliit na bagay. Saka diskarte mo na bukas, ah? Kapag naalala ka niya at may galit sa 'yo ang ex-wife mo tapos matatanggal ka sa trabaho mong 'yan ay wala na akong magagawa pa,” usal niya.
“Baka mag-a-apply ulit ako. Bodyguard? Nakita ko na dalawang babae lang ang kasama niya na mukhang hindi pa niya bodyguard iyon,” I told him.
“Wala siyang bodyguard, Lazel. Masyado siyang mabait na tao at may pinatayo pa siyang kompanya na puwedeng lapitan ng mga taong nangangailangan at saka...ang mga taong nasa paligid na mismo ang nagtatanggol sa kanya.”
Parang may kung ako sa dibdib ko ang humahaplos na malambot na bagay. I’m proud of her.
“Hindi tayo sigurado riyan, Claves. Malay mo may mga masasamang tao ang naghahanap lang ng timing,” saad ko.
“Eh, 'di... Doon ka na lamang sa anak niya. May mga bodyguard 'yon pero nakabantay lang sa malayo dahil iyon ang gusto ng bata. Ayaw na ayaw niyang may nakabuntot na mga tauhan ng mommy niya. Basta, bukas ng 5PM. Hintayin mo siya sa parking space at may magbibigay na sa 'yo agad ng susi ng kotse niya,” sabi pa niya.
“Salamat ulit, Claves,” pasasalamat ko at pagkababa ko pa lang ng tawag ay lumundag ako sa kama.