Chapter 8: Meeting Calysta
CALYSTA DANIELLA’S POV (Past)
“GOOD morning.”
Pinasadahan ko pa siya nang tingin mula ulo niya hanggang paa niya para masuri ko ang kasuotan niya ngayon. He doesn’t look like a student in his outfit today. He looks exactly like a CEO, malakas ang dating.
He’s wearing his black suit and a maroon necktie with a tie pin. Naka-brush up ang buhok niya na super neat. Bagay sa fierce niyang looks.
“Apo, bakit hindi mo batiin pabalik ang fiancé mo?” tanong sa akin ni Lolo Ced. Dahil lang sa hindi ko ito binati pabalik at tinitigan ko lang ito. Bakit kaya naaaliw ang aking abuelo?
“Morning,” tipid na bati ko lang kay Lazel Hyrroz at inilipat ko ang tingin ko sa aking lolo. “Bakit po siya nandito, `Lo?” Right, naka-cu- nga kasi na nandito siya agad sa mansion namin. Wala ba siyang pasok today?
“Sinusundo ka niya, apo,” sagot ni Lolo na may matamis na ngiti.
“He’s a student, right `Lo? You’re not busy ba? Kahit hindi mo na ako samahan sa company niyo ay makakapunta pa rin ako ng mag-isa roon,” I said.
“No, I have a vacant time in the morning session of our class. So, I have my time to fetch you too at para samahan ka na rin sa kompanya namin. Nangako ako sa parents ko na sasamahan ka,” paliwanag niya. Ah, mabuting anak nga talaga siya. Hindi bale na lang kung labag sa loob niyang gawin ang mga iyon. The important is...hindi naman niya mabibigo ang mga ito.
“Ikaw ang bahala,” wika ko at humalik ako sa pisngi ng lolo ko. “Aalis na po kami, `Lo,” paalam ko.
“Sige, mag-iingat kayo.” I nodded.
“Pumasok na po kayo sa loob at baka naghihintay na si Papa,” usal ko.
“Sige-sige.”
***
I glanced at Lazel Hyrroz. Tahimik din akong tao at pinakaayaw ko rin naman ang maingay na lugar pero malala yata ang pagiging behave ni Lazel dahil kahit nasa loob na kami ng kanyang sasakyan ay hindi man lang siya nagsalita.
Seryoso pa siyang nagmamaneho and masyado rin siyang focus, walang nababakasan ng kahit ano’ng expression ang guwapo niyang face.
Hindi ko rin naman magawang kausapin siya dahil feeling ko nga magagalit siya sa akin for no reason. I don’t even know if ano na ba ang tumatakbo sa isip niya.
Sobrang nakaiilang ang atmosphere and for the first time in my history ay na-experience ko ang ganitong klaseng scene, na hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko na ayon sa gusto ko. Parang tuwid na tuwid dapat akong nakaupo.
“Uhm...” pagsisimula ko and I just hope na sagutin niya sana ako. Madilim kasi ang aura niya.
“I’m driving,” malamig na utas niya at mariin ko na lamang naitikom ang bibig ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.
Two words lang ay kaya na niyang patiklupin ang bibig ko, na huwag ko lang siyang makausap because he’s driving nga. Kahit nakapapanis pala ng laway kung wala kang kausap, ay. Then ganito pa kami na naiilang sa isa’t isa o baka ako lang iyon?
In the end ay nanahimik na rin ako. Minutes later we reached our destination and I looked at him. “Ah...”
“Get off,” mariin na utos niya. Ito na ba ang totoo niyang pag-uugali? Ipinapakita na niya sa akin? He looks snob naman kasi. There’s no doubt.
“Hindi mo ba ako sasamahan pumasok sa loob?” kaswal na tanong ko.
“Kaya mo namang pumasok nang mag-isa. Bakit kailangan pa kitang samahan hanggang sa pumasok? This is your plan. Panindigan mo, ginusto mo `to,” he said. So sungit niya, ha.
“Whatever,” I just said and I got off from his car. Hindi naman ako umalis sa katapat nito dahil tiningnan ko ang company nila.
Maliit nga ang company nila compared sa amin, and second floor lang ito. V. Tunnels, iyan ang pangalan ng business company nila.
Iilan din ang guards sa labas. Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa left side ko.
“Nakita mo ba ang kompanya sa kabila?” tanong niya at mabilis akong napatingin sa kanya. Nasa ibang direction din nakatuon ang kanyang attention kaya naman sinundan ko iyon nang tingin.
Isang malaking company, ganitong klaseng business ang madalas kong hinahawakan at base pa lang sa hitsura ng building na ito ay bago pa lamang silang nagbukas. Hindi naman ito umabot ng 10th floor, malaki nga siya at walang-wala ang V. Tunnels at nakikita ko ang paglabas-pasok ng mga customer kahit ganitong kaaga pa lamang.
“I understand your company, kung masasapawan ka ba naman ng isang bagong negosyo na new equipments din ang makikita ay talagang dadaanan ka na lamang ng mga customer. Wala ng makikinabang sa products niyo. Siguro mas nakita nila ang magandang quality ng technology sa kompanyang `yan. Ultimate Telecommunications Company, in short UTC. Alam mo ba na ganitong klaseng negosyo ang gusto ko?” tanong ko sa kanya at kunot-noong nilingon niya ako. Ibinalik ko rin naman ang tingin ko sa ibang direction.
“Mag-invest ka sa kanila kung gusto mo,” walang emosyon na saad niya. Nagkibit-balikat ako.
“Puwede ba `yon? Ang talikuran ko ang pangako ko sa parents mo na sasagipin ko ang V. Tunnels niyo?” I asked him back at nagsimula na akong humakbang upang makapasok na sa V. Tunnels nila.
Naramdaman ko naman ang mabilis na pagsunod niya sa akin at sa entrance pa lamang kami ay may sumalubong na sa amin na isang matangkad na lalaking nakasuot ng reading glass at may kipkip na mga makapal na folder.
“Sir Lazel, good morning po,” magalang at formal na bati nito sa kasama ko.
“I’m with my fiancé, Calysta Daniella Carvantes. She’s going to handle the V. Tunnels for awhile. She visited us to observe and to inspect the products we produce. Especially the staff, Mr. Dellosa, tawagin mo ang iba mo pang kasamahan dahil may meeting tayo ngayon. Wala si Dad,” sabi niya sa lalaki.
“Good morning po, Ma’am Calysta. Ako po si Christopher Dellosa, the secretary.”
Naglahad ako ng kamay sa kanya na mabilis naman niyang tinanggap. “Nice meeting you, Secretary Dellosa. I’m going to work with you guys. So, let’s do our work together to improve this company and avoid the bankruptcy,” I said and he nodded with a smile.
“I’m glad to work with you, Ma’am Calysta,” he said.
“Alright, just call the others,” sabat ni Lazel at hinila ang kamay ko para mabitawan na ako ng secretary ng daddy niya. Hindi ko na lamang iyon pinansin pa.
Pumunta kami agad sa meeting room at kasama na ang mga staff ng company. Ang team leader, staff from the marketing department and the manager of V. Tunnels, including the secretary na isa-isa niyang ibinigay sa akin ang important papers, lalo na ang sales nila last two months and all I can see, zero ang income nila for the past two months na iyon and currently hindi rin maganda ang lagay ng business nila. Dahil ito sa kawalan nila ng buyer and customer.
May mga bagong products sila ng computers pero ni isa ay wala silang naibenta. Bumaba ang ratings and the stock market.
“Honestly, ang company niyo ay isang barkong lumubog na two months ago. You are aware of that, but you don’t want to believe that dahil natatakot kayong mawalan ng trabaho, right?” I asked them as I scanned all of them. Sampu lang naman sila ang kaharap ko, bukod sa secretary at si Lazel.
Hindi sila sumagot sa akin dahil halos sabay-sabay pa silang yumuko. Binuklat ko lang nang binuklat ang folder at ni-review ang content nito. Tiningnan ko kung may mga mali ba rito.
“Alam niyo bang natakot sa akin ang owner ng company, apparently your boss? He was afraid that I might change everything you have in this business. But I am not kind of that person. Just like you, I work so hard, and to be honest, I already rejected this,” seryosong paliwanag ko sa kanila at pabagsak na isinara ko na ang folder. “30 employees, imagine that. Ang income niyo naman per month ay 2.5 million, nagtataka ako kung lahat ba `yon ay napagkasyang isuweldo sa inyo minus the budget of the company and somehow... I admired your CEO for handling you ng hindi siya nahihirapan and as you can see, tumagal kayo ng ilang taon. Pero alam niyo ba kung ano ang mas humanga ako?” tanong ko at lahat siya ay nag-angat ng tingin sa akin.
Ngumiti ako para mawala naman ang kaba nila na halata na iyon sa mga mukha nilang lahat. Simula nang umupo ako at nakaharap nila ay tila pinipigilan na nila ang huminga.
“Ma’am?” the pretty lady uttered.
“The loyalty, ang isang bagay na sobrang mahalaga para sa isang empleyadong katulad ninyo dahil hindi kayo nasilaw sa isang...magandang bagay na nakikita niyo ngayon. Kahit na...delay na ang mga sahod niyo but you choose to stay in order to protect this company Bihira ang mga katulad niyo sa business world at kahit isang staff ay walang tinanggal at wala ring nakawan ang naganap,” ani ko na labis ko pang ikinatuwa. “Hindi na rin ako magtataka pa na kanya-kanya na kayong nilapitan ng nasa kabila.”
“M-Maraming salamat po, Ma’am.” Kanya-kanya naman silang nagpasalamat sa akin dahil isa na iyon sa compliment.
“Just what I have said, wala akong babaguhin. Ang gusto ko lang ay magdagdag ng new products. Puwede ko bang malaman kung ano-ano ang mga produkto sa kabilang kompanyang kalaban niyo ngayon?” tanong ko.
Nagtaas ng kamay ang isang lalaki at tinanguan ko siya para bigyan siya ng permission na magsalita. “Wala po itong pinagkaiba na mayroon ang V. Tunnels, Ma’am. Parang ginaya lang po ito at ang pinagkaiba lang ay mas malaki ang kompanya nila at maganda nga ang quality,” mahabang sagot niya at napaisip naman ako.
“Pero wala tayo sa posisyon upang husgahan din sila at paratangan ng panggagaya. Sa halip, hayaan na sila sa bagay na iyon at ang gagawin natin ay magdagdag ng produkto na sa tingin niyo ay hindi tayo mahihirapang i-market ito. Team leader of technology?”
“Ma’am?”
“Any idea?” I asked him at mukhang wala pa siyang naiisip na puwedeng idagdag. “Alam niyo naman ang situation ng V. Tunnels, hindi ba?”
“Yes po,” they replied in unison.
“And I know, may mga media na ang lumapit sa inyo para sa interview. Alam na rin ng lahat na currently lubog na ito. Para maiwasan iyon at lalo na ang hindi madawit ang pangalan ko--I mean, this is okay for me pero sa case nga nito ay hindi iyon magandang idea. Walang maidudulot na maganda dahil palalabasin pa nilang may kasunduan ang both family namin. Kaya naman...tatayo kayo sa sarili niyong mga paa at magdagdag ng higit pa sa limang products na magkaiba naman. Ang huling budget ng company ay gagamitin niyo and also...wala kayong matatanggap na sahod sa loob ng tatlong buwan,” mahabang saad ko at nakarinig ako ng bayolenteng pagsinghap. Delay na nga ang salary niya ay mauulit pa kaya naiintindihan ko rin sila.
“What are you talking about? Mas magiging komplikado lang ito kapag iyon ang naisip mong gawin at hindi puwedeng gamitin ang last budget ng kompanya. Para sa bangko na `yon,” sabi sa akin ni Lazel, parang iritado na rin siya sa akin.
“And I believe, sa loob ng three months ay magiging successful ito,” buong lakas na loob na saad ko sa kanila.
Never naman akong binigo ng instinct ko at alam kong hindi ako mahihirapan sa bagay na ito.
***
LAZEL HYRROZ’S POV
“Handa ka na ba?” tanong sa akin ni Lethaniel kasabay na tinapik ang balikat ko. Hindi na nga ako mapakali mula pa kanina.
“Kinakabahan ako,” pag-amin ko. Nasa parking space na ako ng Carva’s Home Shopping, kahit wala pang 5PM. Gusto ko lang ang maghanda para sa oras na makikita ko na siya ay magiging formal ako at hindi maaapektuhan sa presensiya niya.
“Dapat lang. Dahil kung makikilala ka na niya ay tanggal ka na agad sa trabaho mo,” sabi niya at umismid ako sa kanya. Sa halip na hilingin niya na sana na hindi iyon mangyayari sa akin ay siya pa itong nagpapababa ng confidence ko.
“Tigilan mo nga ako, Lethan. Hindi ako puwedeng matanggal sa trabaho ko---”
“Nandiyan na siya. Kaya maghanda ka na,” putol niya sa sasabihin ko.
“Fvcking shet, shet,” malutong na mura ko.
Parang ang bigat na lumingon sa kanya. “Pasok na, ako na ang magbubukas. Hindi naman ako kilala, eh.”
Tumango naman ako at nanginginig pa ang mga kamay ko na binuksan ang pintuan saka ako sumakay. Mariin na hinawakan ko ang manibela ng sasakyan.
Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa lakas nang kabog sa dibdib ko. Hindi naman ako ganito dati noong una ko siyang nakilala.
Tumikhim ako at tiningnan ko na siya mula sa rearview mirror at nakayuko siya. Kahit nasa kotse siya ay may hawak-hawak pa siyang tab.
“Diretso na tayo sa high tower,” sabi niya at napalunok ako dahil dumoble lang ang kaba ko.
“Yes, Ma’am.” Mabuti na lamang ay hindi ako nautal sa pagsagot ko sa kanya dahil baka mapansin na nga niya ako.
Nagmaneho lang ako ng hindi na rin kumikibo pero madalas ay hindi ko mapigilan ang mapasulyap sa kanya hanggang sa unti-unti na pala niyang napapansin iyon.
“There’s something wrong? Focus on your driving, we might get into an accident... Wait...you’re new hired personal driver, am I right?”
“Y-Yes, Ma’am.” Mariin na napapikit ako dahil sa nabigo na ako na hindi ako mauutal.
“Stop the car,” mariin na utos niya sa akin at malamig pa ang boses niya.
Dámn it... Nakilala na ba niya ako? “I told you to stop the car,” she said again.