Chapter 21

1619 คำ
Napansin ko ang paggewang ng lakad ni Becky kaya agad ko siyang nilapitan. "F*ck!" malutong kong mura ng bigla na lang siyang nawalan ng malay. Maagap na sinalo ng mga bisig ko ang kaniyang katawan saka binuhat ko siya. Malalaki ang mga hakbang kong tinungo ang nakaparada kong sasakyan. Maingat kong isinakay ang katawan ng dalaga sa may passenger seat at saka sinuutan ko siya ng seatbelt. Bahagya pa akong natulala sa maamo niyang mukha, kaya hindi ko naiwasang haplusin ang kaniyang pisngi. "You're beautiful..." paanas kong usal. Matapos kong kintalan ng halik ang kaniyang labi ay isinara ko na ang pinto sa kaniyang tabi. Umikot na ako sa may driver seat banda para paandarin na ang sasakyan. Habang nagmamaneho panay ang tingin ko sa walang malay na mukha ni Becky, na animo’y mawawala siya sa'king tabi. Napangiti ako nang manariwa sa aking isipan ang unang araw nang pagkikita namin sa may bar. "Ron, nakahanda na ba ang susuutin ko?" tanong ko sa aking staff. "Naroon na sa loob ng silid mo, Boss!" sagot naman nito sabay abot ng susi sa'kin. "Good!" Kinuha ko na ang susi mula sa kaniyang kamay saka naglakad papasok sa loob ng elevator. Pinindot ko ang button ng elevator kaya sumara ang pintuan niyon. Nagsimula iyong gumalaw paakyat sa may palapag kung saan naroroon ang silid na aking pupuntahan. Magkikita kami mamaya ni Brent sa may bar para pag-usapan ang tungkol sa negosyong iniaalok niya. Kung 'di lang kaibigan ni mama si Tita Beatrice ay wala naman talaga akong planong pasukin ang negosyong iyon. Pinunasan ko ang maliit na alikabok mula sa'king suit at saka humakbang palabas ng elevator nang bumukas ang pintuan niyon. Diretsong tinungo ko ang direksyon ng silid na aking pupuntahan. Pagbukas ng pintuan ay namataan ko na ang damit na aking isusuot mula sa ibabaw ng kama. Hinubad ko ang damit na suot ko at saka pumasok sa loob ng bathroom upang doon ay maglunoy. Nang manawa ako sa pagbababad sa tubig ay tinapos ko na rin ang aking paliligo. Matapos ang ilan minutong pag-aayos sa aking sarili ay nakarinig ako nang pagkatok mula sa may likuran ng pinto. "Come in!" sigaw ko sa taong nangangatok. Bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Ron na humahangos papasok. Sumilip pa nga siyang muli sa may labasan na para bang sinisigurong walang ibang taong nakasunod sa kaniya. "What's wrong?" tanong ko. Hindi pa man sinasabi ni Ron ay ramdam ko na ang problemang kaniyang iniwan at ngayo’y isusumbong sa akin. "Boss, dumating iyong grupo ni Allan at nanggugulo sila ngayon doon sa may bar!" hinihingal-hingal na wika ni Ron. "Ano pala ang silbi ng mga gigolong kinuha mo at ‘di nila kayang pigilan sa panggugulo ang grupo ni Allan?" "Ewan ko nga parang display lang yata sila sa bar mo," nakangiwing tugon niya sa'kin. “Hindi ba’t ikaw ang nag-hire sa kanila? Bakit ‘di mo sila i-train?” “Pa’no ko sila iti-train kung mas malalaki pa nga sila sa akin?” balik tanong sa’kin ni Ron. "F*ck!" Humakbang ako palapit sa kaniya saka inabot ang susi ng silid. Malalaki ang mga hakbang kong tinungo ang elevator para sumakay roon. Nang tuluyang sumara ang pintuan matapos makapasok ni Ron ay pasimple ko na siyang in-interview. "Palagi pa rin bang nanggugulo si Allan?" tanong ko habang hinihintay namin ang tuluyang pagbaba ng elevator sa may ground floor. Minsan na kaming nagkaharap nito at sa pag-uusap naming iyon ay nangako na siyang titigilan ang panggugulo sa bar, ngunit ngayon ay tila ba bumabalik na siya sa kaniyang trip? Nauntag ang pag-iisip ko nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng elevator. Nauna na akong lumabas habang nakasunod naman si Ron. Sinalubong ako ng malakas na ingay ng mga nagkakagulong tao mula sa gilid na bahagi ng bar. Kung bagong salta lang sa lugar na 'to ay para lamang iyong normal na komosyon. "Boss, hayun si Allan!" pasigaw na saad ni Ron dahil sa malakas na tugtog. Nakita ko si Allan na akbay-akbay ang isang waiter ng bar habang may kung anumang ibinubulong dito. Maya-maya pa'y ibinuhos na ni Allan ang alak sa ulo ng waiter ng sa palagay ko’y hindi niyon maibigay ang kaniyang hinihingi. Nagsiklab ang galit sa dibdib ko dahil sa nasaksihang ginawa ni Allan kung kaya agad akong lumapit sa kinaroroonan nila ng waiter. "Stay away from him!" Dumapo ang matigas kong kamao sa pisngi ni Allan kung kaya nawalan siya ng balanse saka dumausdos sa may sahig. "Stephen!" Tila balewala lamang ang ginawa kong pagsuntok sa kaniya dahil nakangiti pa nga siyang tumayo mula sa sahig. "Bakit ba ang bar na 'to ang paborito mong guluhin?!" bulyaw ko sa kaniya. "Alam mo ba'ng bakla ang waiter na 'to?" Lasing siya at wala sa tamang pag-iisip kaya kung anu-ano na ang lumalabas mula sa kaniyang bibig. Dinuro-duro ni Allan ang nakayukong waiter kaya naman hindi ko napigilang padapuin muli ang aking kamao sa kaniyang pisngi. "Leave!" galit kong sigaw sa kaniya. "Totoo ang mga sinasabi ko, Stephen, bakla ang bartender na 'yan!" hiyaw naman niya. "D*mn!" Muli ko sanang padadapuin ang aking kamao sa kaniyang mukha kung hindi lamang naging maagap si Ron. "Alisin niyo ang taong iyan sa loob ng bar ko at huwag na huwag ninyong papapasukin kahit kailan!" utos ko. "Boss, pa'no kung kasama siya ng VIP guest?" tanong ni Ron. "Wala akong pakialam sa kahit sinong kasama niya at walang VIP sa loob ng bar 'to!" galit kong tugon. Tumango-tango si Ron at hinarap ang mga gigolong humahawak kay Allan. "Narinig ninyo ang sinabi ni boss kaya palabasin niyo na siya at huwag nang papasukin pa rito!' "Sinumang magpapapasok muli sa kaniya rito sa loob ng bar ay kasama niya rin aalis!" dagdag ko namang sabi. "Boss." Mula kay Ron ay nabaling ang tingin ko sa taong tumawag sa'kin. “Maraming salamat sa pagtatanggol sa’kin,” emosyonal na wika ng waiter na siyang sinabihang bakla ni Allan. “Hindi na po iyon mauulit,” dagdag pa niyang sabi habang nakayuko. Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan at saka sinabing, “Totoo man o hindi ang sinasabi niya tungkol sa’yo, as long as nagtatrabaho ka ng tama rito sa bar, may karapatan kang ipagtanggol ang sarili mo laban sa mga walanghiyang customer tulad niya.” “Salamat, Boss!” aniya at yumukod pa sa aking harapan. “Sige na, magsipagbalik na kayo sa trabaho ninyo!” Tinapik ko siya sa kaniyang braso. Muli siyang yumukod saka tumalikod na. Naiiling kong pinagmasdan ang paglayo nito na hindi maikakailang meron ngang kakaiba dahil sa paraan pa lamang ng kaniyang paglakad. “Boss.” Atubiling agaw pansin sa’kin ni Ron. “Ano na namang problema?” pasuplado kong tanong. “Nag-leave ang bartender natin at wala akong mahanap na kapalit,” nakangiwi niyang tugon. “Pati ba naman iyan ay pro-” “Come on, Wendy, let's go!” Naagaw ang pansin ko nang marinig ang malambing na tinig. Nilingon ko ang taong nagsalita at tila nahipnotismo ako ng kaniyang ganda. “Bos-!” “Ako na muna ang magba-bartender,” wika ko kay Ron sabay lakad patungo sa aking anghel na bumaba rito sa lupa. "So ano ba talagang dahilan ba't tayo nandito?" tanong ng kasama niyang babae sa kaniya. Dahil malakas ang tugtog ay malakas din ang kanilang mga tinig na animo'y mga nagsisigawan upang marinig ang isa’t isa. “Hindi ko na maalala kung kailan tayo huling nagpunta ng bar.” Tila musika sa aking pandinig ang tinig ng anghel kong sa unang kita pa lamang ay tinamaan na agad ako ng pana ni kupido. "Let's drink!" Nang marinig ko ang kaniyang sinabi ay gusto ko sanang tumutol. Gusto ko sanang ang mga labi ko lamang ang lalapat sa kaniyang labi. “Oh, come on, Wendy! Hindi na tayo mga teenager!” Naalerto agad ako sa winika niyang iyon. Mabilis kong hinila ang ice bucket at cocktail shaker sa gilid ng bar counter nang humarap sa’kin ang maganda kong anghel. “What do you want to drink, Baby?” Nilangkapan ko ng landi ang aking tinig. “What?” mataray niyang balik tanong. Hinamig ko ang sarili upang pigilin at ng hindi siya matakot sa’kin. Nagtunog manyakis kasi ang sinabi ko. “I mean... Ano ba’ng gusto mong inumin?” Nginitian ko siya ng ubod tamis. "Wine, please!" tugon niya at dinukot ang telepono mula sa loob ng kaniyang bulsa. Hindi niya ako binigyan pansin dahil naging abala na siya sa pagdutdot sa kaniyang telepono. Napailing na lamang ako sa’king sarili dahil hindi ko rin naman alam kung ba’t nagkukumahog akong mapansin nito. Bahagya kong itinaas ang manggas ng suot kong polo saka binuksan ang cocktail shaker para salinan ng wine at pineapple juice ang loob niyon. Animo'y isa akong tunay na bartender nang simulan kong i-shake ang cocktail shaker. Napansin ko ang pagtitig sa’kin ng anghel ko at amaze na amaze siya sa ginagawa kong pag-shake sa shaker kung kaya mas lalo kong giniling-giling ang katawan ko. Mabuti na lang talaga at marunong ako ng trabahong bartending. Isa kasi ito sa mga natutunan ko mula sa seminar na dinadaluhan ko parati noon. Halos ayaw ko na sanang tigilan pa ang pagsi-shake sa cocktail shaker kung ‘di ko napansin ang pagsenyas sa’kin ni Ron. Inalis ko muna ang nakabarang laway sa aking lalamunan saka hinarap ko ang aking anghel na titig na titig. Nginitian ko siya at kinindatan nang magtama ang aming mga paningin. Katakot-takot na irap naman ang iginanti niya dahilan para lalo lamang akong ma-fall sa kaniya. Parang hindi lang ma-fall ang nais ko... parang mas gusto ko na lang yatang sa ibabaw ng malambot na kutson kaming dalawa ma-fall sabay gulong doon.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม