Chapter 22

1616 คำ
Ipinarking ko muna nang maayos ang sasakyan sa may parking lot at maingat na kinarga ang walang malay na katawan ni Becky. Nasa loob na kami ng elevator nang marinig ko siyang umuungol. Ang mala-anghel niyang mukha ay ang sarap sanang pupugin ng halik, ngunit nakuntento na lang akong titigan muna iyon. Saka na kapag gising na siya! Ayokong manamantala sa kaniya lalo pa at wala siyang malay. Hindi naman ako ganoon kamanyakis na tao kahit na nga sumasakit ang puson ko, kaya ko pang hintayin na magkamalay siya. Itinutok ko ang keycard sa may pintuan ng unit ko upang bumukas iyon. Mabilis akong pumasok sa loob saka maingat na inihiga sa ibabaw ng malambot na kama ang katawan ng dalaga. Inalis ko ang kaniyang suot na sandalyas para maging kumportable ang paghiga niya. Kinumutan ko siya hanggang sa kaniyang leeg at binuksan ko ang aircon upang sa gayon ay mas maginhawaan ang pakiramdam niya habang natutulog. Halata namang ‘di pa siya nakakatulog ng maayos. Marahil ay inaalala niya ang kalagayan ng kaniyang ina kahit pa nga naroon naman ang kaniyang kuya na si Brent. Mapagmahal siyang anak ngunit may katigasan lamang ang kaniyang ulo. ‘Ika nga ng mga matatanda, kung ano ang naisin niya, iyon din ang dapat masunod. Tinitigan ko ang mala-anghel niyang mukha na si mama ang unang naaalala ko sa tuwing makikita ko siya. Maganda at mapagmahal sa pamilya. Iyan ang description ang tumutugma sa kanilang mga personalidad. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa kamay sa kaniyang buhok. Kasunod niyon ay narinig ko na ang kaniyang mabining paghinga tanda na maayos na ang kaniyang pagtulog. Yumukod ako upang dampian siya ng halik sa kaniyang noo saka lumabas na ng silid. Dinukot ko ang telepono mula sa loob ng bulsa ng pantalong suot ko at tinawagan ko si Brent. “Bro?” sagot nito mula sa kabilang linya matapos sagutin ang aking tawag. “Kasama ko si Becky kaya huwag ka nang mag-alala pa sa kaniya,” wika ko. “Hindi ba dapat na mas kabahan nga ako dahil kasama ka niya?” Natawa ako sa kaniyang sinabi. “Akala ko ba boto ka para sa ‘kin sa kaniya? Hindi ba gusto mo pa nga akong maging bayaw?” mapang-asar kong turan. “Oh, come on, Stephen! Kilala ko ang karakas mo pagdating sa mga babae, huwag mong ibilang ang kapatid ko sa kanila!” “Don’t worry brother, pananagutan ko naman ang kapatid mo.” Malakas na tawa ang aking pinakawalan. “F*ck you!” bulalas ni Brent na tinugon ko lamang ng patuloy na pagtawa sabay patay sa linya ng tawag naming dalawa. Mukhang mali yata ang ginawa kong pagtawag sa kaniya. Dapat pala ay ‘di ko na lamang ipinaalam na kasama ko ang kaniyang kapatid. Baka biglang sumugod iyon sa bahay, magugulantang pa sila mama. Matagal ko ng kakilala at kasama sa trabaho si Brent, pero hindi ko alam na meron siyang kapatid na babae. Hindi niya naman kasi iyon nababanggit. Mabuti pa nga ang kaniyang ina na si Tita Beatrice, unang kita pa lang sa’kin, inalok agad akong pakasalan ang anak niyang dalaga. Tinanggihan ko nga lang! Hindi kasi talaga ako pabor sa arrange marriage lalo na at hindi naman iyan ang kinalakhan kong kultura ng pagpapalaki ng mga magulang ko sa amin. Love is all matter, iyan ang rules ng pamilya when it comes to love. Pero ‘di ko rin inaakalang tatamaan pala ako ng pana ni kupido kay Becky, pabor na pabor na ako sa nais ng kaniyang ina na magpakasal sa kaniya, no matter what happen. Pero kahit pa nga ayaw sa’kin nina Brent at Tita Beatrice, pakakasalan ko pa rin si Becky. Siyempre gagawin ko ang lahat para lang ma-inlove siya sa karisma ko. Nangingiting umupo ako sa may sofa at binuksan ang tv upang manood ng kung anong pwedeng mapanood na palabas. Bigla akong nakadama ng antok nang ilapat ko sa may sandalan ang aking likuran. Sunod-sunod na paghikab ang aking ginawa hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog. ***** Pagdilat ko ng mga mata ko ay hindi pamilyar na silid ang aking nagisnan. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para siguruhing hindi ako nagkakamali nang iniisip. Baka kasi nasa langit na ako! Maaliwalas ang buong paligid ng silid at hindi masakit sa mata ang kulay ng pintura kahit na nga tila panlalaki ang interior design niyon. Mukhang mamahalin din ang mga gamit at tila hindi basta-basta lang nabibili sa loob ng bansa. Tiningnan at inobserbahan ko ang aking sariling katawan at nang matiyak na iyon pa rin naman ang suot-suot kong damit mula nang umalis ako ng bahay, inisip ko kung ano ang huling pangyayari. Si Stephen lang ang naaalala kong taong huli kong nakausap nang umalis ako ng ospital at bago pa tuluyang mawalan ng malay. Hindi ko rin alam kung bakit parang hinang-hina ang pakiramdam ko, gayong kumain din naman ako sa bahay bago umalis. “Ano kayang ginawa sa’kin ng loko na iyon?!” patanong kong bulong sa hangin. Umahon at bumaba ako mula sa kama upang ayusin ang aking sarili. Bahagya ko pang binuksan ang pintuan para lang sumilip sa labas. Wala akong makitang ibang tao, ngunit bukas ang tv na animo'y may nanonood. Dala ng kuryosidad, humakbang na ako palabas ng kwarto upang silipin kung sino ang taong nasa sofa. Sigurado naman kasi akong may tao ro’n dahil bukod sa umaandar ang tv ay may nahagip akong kakulay ng maong jeans. May tao for sure. Maliban na lang kung aksayado sa kuryente ang may-ari ng condo unit na ‘to. Hindi ko na kinakailangang sumilip pa sa may bintana para lang kumpirmahing nasa mataas na gusali ng isang condo ako naroroon. Halata naman na iyon sa tanawing matatanaw sa bintana. Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil meron ngang tao sa sofa. Tulog na tulog at humihilik pa! “Kalokohan talaga nito, sinasayang ang kuryente!” bulalas ko. Dumukwang ako para kunin ang remote control sa kaniyang tabi, pero gayon na lang ang pagkabigla ko nang pumulupot ang mga braso niya sa aking baywang. “Stephen!!!” natitilihan kong sambit sa kaniyang pangalan. Bumagsak ako sa ibabaw ng kaniyang katawan kaya sa bawat paghinga niya ay sumasabay rin ang aking paghinga. “Are you okay now?” Kaylambing ng kaniyang tinig na nagdudulot ng kiliti sa'king pakiramdam. “Pa'no ako magiging okay kung ganito ang posisyon nating dalawa?!” Dinaan ko siya sa aking pagtataray upang ‘di niya mahalata ang nararamdaman ko. “Sorry,” hinging paumanhin niya. “Sorry can't help me!” galit-galitan ko pang sabi. “You are right, it can't.” Buong akala ko’y pakakawalan niya na ako dahil gumalaw siya, pero nagkamali lang pala ako ng akala. Malakas na tili ang kumawala mula sa aking lalamunan nang kubabawan niya ako. “Other people say, sèx and roses can make you feel better,” malandi niyang wika at pinapungay ang kaniyang mga mata. “At sino namang tao ang nagsabi niyan?” Tinikwasan ko siya ng isang kilay. “Too bad, I have no roses.” Imbes na sagutin ang tanong ko ay masuyong hinaplos niya lamang ang aking pisngi. Sinuklay ng kaniyang mga daliri ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa likod ng aking tainga. “Stephen, stop...” Hindi ko alam kung bakit parang tunog pabebe ang aking tinig. “You can't stop to me this time.” Tutok na tutok ang kaniyang mukha sa aking mukha habang bumubulong siya sa labi ko. Nagdudulot ng kakaibang lamig sa’king gulugod ang kaniyang ginagawa at iba rin ang binibigay na kilabot niyon sa buo kong kalamnan. Iglap lang ay sinakop na ng kaniyang labi ang mga labi ko at pinagsaluhan na namin ang isang malalim na halik. Naging mariin ang paghalik niya at dama ko ang sobrang pagnanasa sa kaniyang kamay na humahaplos-haplos sa ‘king buhok. Naririnig ko ang malakas na pagpintig ng kaniyang puso pati na rin ang pagtib0k ng puso ko. Ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang aming pinagsasaluhang halik nang tumugon ako sa kaniyang paghalik. May ilan sandali pa at ibinuka ko na ng husto ang mga labi ko upang makapasok ang kaniyang malikot na dila sa loob ng bibig ko. Pinagsaluhan namin dalawa ang mainit na halikang ‘yon at hindi ko siya pinigilan nang ihiwalay niya ang labi niya mula sa aking labi, pababa sa leeg ko. Napaawang ang labi ko nang tumapat ang kaniyang bibig sa isa kong dibdib at doon naglaro siya nang naglaro. “Uuhhhmmm...” Nagpakawala ako ng mahinang halinghing at naramdaman ko ang pagbasa ng kaniyang mainit na dila sa aking dibdib. Ang malalakas niyang mga kamay ay humawak sa magkabilaang pisngi ng aking pang-upo at saka ikinubabaw ang katawan ko sa kaniyang katawan. Itinaas niya ang blusa ko at hinubad iyon sa ‘king ulo. Inihagis niya iyon sa may sahig at nagmamadaling ibinalik ang kaniyang mga kamay sa pang-ibaba kong kasuotan upang iyon ang sunod na hubarin. “F*ck!” Punong-puno nang pagnanasang pinagmasdan niya ako na animo'y isa lamang diyosa. Hinawakan ko ang kaniyang mukha para ilapit sa aking mukha at ng muli kaming magkahalikan. Sa pagkakataong ‘to ay sinipsip ko nang mariin ang kaniyang mga labi habang sinasalakay naman ng kaniyang dila ang loob ng aking bibig. “Stephen...” halinghing ko sa kaniyang pangalan. Sarap na sarap ako sa ginagawa niyang pagpapala at nasa ganoong posisyon kami ni Stephen nang mahagip ng aking paningin ang babaeng gulat na gulat habang nakatayo sa may pintuan. Tila ba nakakita ito ng multo dahil sa laki nang pandidilat ng kaniyang mga mata. “Sh*t, may tao!”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม