Hindi pa pormal na ipinakilala sa'kin ni Stephen ang kaniyang kapatid pero sa narinig kong itinawag niya sa babae ay tiyak na magkapatid sila. Isa pa, kuya rin ang sinambit ng babae bilang pagtugon sa kaniya.
Itinakip naman sa akin ni Stephen ang kaniyang katawan saka hinatid ako sa loob ng kwartong pinanggalingan ko rin kanina.
Hindi ko alam kung nakabubuting ako pa lamang ang nakahubad sa aming dalawa o mali lang talaga ang babae sa ginawa niyang pagpasok bigla.
Nang makapagbihis na ako ng damit ay agad din akong lumabas ng kwarto para makiusyuso naman sa dalawang taong naroon.
Nanenermong Stephen ang naabutan ko at mas malala pa siya sa Kuya Brent kung manermon. “Hindi ka pa rin dapat pumapasok ng walang pasintabi at saka bakit ka ba merong key card ng unit ko?” galit pa nitong sabi.
“Ibinigay sa akin ni Kuya Stanley ang key card ng unit mo. Ang sabi niya ay rito ako dumiretso pagkatapos ng klase ko dahil mali-late siya nang pagsundo sa akin,” humihikbing tugon ng babae.
“F*ck!” Nakukunsuming itinampal ni Stephen ang kaniyang palad sa noo.
Muli pa nga sana siyang magsasalita, ngunit pinili kong makisabat. “Tama na iyan, Stephen!”
Naaawa na ako sa babae dahil hilam na ng luha ang kaniyang mga mata. Isa pa’y wala naman talaga siyang kasalanan sa mga nangyari. Kung tutuusin nga ay ako at si Stephen, ang may kasalanan dahil kung saan-saan na lang kami biglang nagsi-sèx.
Iyong taray na taray ako sa kaniya pero kapag hinalikan niya ako ay tameme na rin agad.
Sabay na nag-init ang magkabilaan kong pisngi nang maalala ang aming mga pinaggagagawa.
Shocks! Buti na lang talaga at babae ang nakakita sa aking nakahubad!
Sa mga oras na ito ay kaya ko pang itaas ang ulo ko paharap sa kaniya, pero kung lalaki siguro ang nakakita sa hubad kong katawan ay ewan na lang kung magawa ko pang humarap at makiusyoso.
“Aaagghh!” biglang hiyaw ni Stephen na umuntag sa’king pag-iisip.
Nanghahaba ang ngusong nilapitan ko siya at tinapik ang kaniyang braso. “Uy, hindi ba masyado ka yatang OA na?!”
“Masakit kaya sa puson ang kaniyang ginawa!” mariing tugon niya sabay nguso sa ibabang bahagi ng kaniyang hita.
Tinaasan ko siya ng isang kilay at kapagkuwa'y inirapan. Tukso namang nagawi ang tingin ko sa tapat ng zipper ng kaniyang pantalon kaya napansin ko ang pamumukol ng kaniyang hinaharap.
Kanina pa naman iyon ganoon kaumbok at parang walang planong lumambot hanggang hindi nakakapasok sa aking looban.
“Kung gusto mo Kuya, aalis na lang ako.” Inalis ko ang tingin ko sa pagitan ng mga hita ni Stephen ng marinig ang sinabing iyon ng babae.
Hinarap ko siya ng husto at saka ko pa lamang napansin na nakasuot pala siya ng uniporme. Hindi lang halata dahil sa polo shirt ang istilo niyon, pero ‘pag tititigan ng maigi ay makikita ang maliit na logo ng eskwelahan sa may bandang manggas.
“Huwag ka nang umalis.” Nginitian ko ang babae upang pawiin ang kabang nadarama nito. “Kami na lamang ang aalis at ng sa gayon ay makapagpahinga ka na rin.”
“Aalis tayo?” Tila hindi makapaniwalang tanong ni Stephen na sumabad agad.
Nginitian ko munang muli ang babae at saka hinarap ang binata. “Ihahatid mo pa ako sa bahay, hindi ba?” Ngumiti ako sa kaniya. Iyong ngiting may pagbabanta!
“Of course, Baby! Mas mainam iyon para matuloy ang pagpunta ko ng langit at nang mapawi rin ang sakit ng puson ko.” Kinindatan pa niya ako.
Unti-unting nawala ang ngiting ipinaskil ko sa aking labi. Parang gusto ko na lang yata siyang bugbugin dahil sa kaniyang mga sinabi.
“Kuya, bakit diretsong langit ang gusto mo? Hindi ba pwedeng iuwi mo na lang si Ate ganda nang maayos sa kanila?” sabad naman ng babae.
Gusto ko sanang humagalpak ng tawa dahil sa kainosentehang sinabi nito na halatang walang kamuwang-muwang at walang ibig ipakahulugan sa sinabi ni Stephen.
“Tumahimik ka kung ayaw mong hindi ka makalabas ng bahay at grounded ka ng isang buwan, Stefania!” banta ni Stephen sa kaniyang kapatid.
“Kasalanan ‘to ni Kuya Stanley!” may paninising wika ng babae at umiyak.
Nilapitan ko siya upang aluin sa mga kasungitang ipinapakita sa kaniya ni Stephen.
“Huwag mo nang pansinin ang pangit na iyan. Ako na lang ang kausapin mo para ‘di ka na umiyak.” Masuyong ginagap ko ang nilalamig na mga kamay ng babae.
“Sorry po, Ate.” Naantig ang kalooban ko sa kaniyang winika.
“Wala ka naman talagang dapat ihingi ng paumanhin dahil hindi mo kasalanang pakalat-kalat at malandi iyong ibang tao riyan.” Pinakariinan ko pa ang ibang mga salitang binigkas ko.
“Ang bait mo. Girlfriend ka po ba ni Kuya Stephen? Ako nga pala si Stefania, ang sumunod sa kanila.” Malambing nitong saad.
Naisip ko bigla ang tinutukoy niyang Kuya Stanley. Kung siya ang sumunod kay Stephen, ibig sabihin ay matanda pa sa kanilang dalawa ang una.
Ewan pero bigla yata akong na-excite sa isiping mayroon pa silang ibang kapatid. Hindi kasi namin naranasan ang marami dahil dalawa lang naman kami ni Kuya Brent na magkapatid.
“Let's go, iuuwi na kita!” Nauntag ang pag-iisip ko sa winikang ‘yon ni Stephen.
“Kuya mamaya na kayo umalis ni Ate. Samahan niyo na lang muna akong hintayin si Kuya Stanley,” pakiusap ni Stefania pero sa akin naman siya nakatingin.
“Hindi pwede, kanina pa masakit ang puson ko!” pasupladong tugon ni Stephen.
Pinong kinurot ko siya sa kaniyang braso at saka pinandilatan ng mga mata ko. Tinikwasan ko pa siya ng isa kong kilay.
“Aray!” nakangiwi niyang bulalas.
“Puro ka kalokohan!” Pinakalakihan ko ng husto ang pandidilat ng mga mata ko sa kaniya. “Naglalambing lang sa iyo ang kapatid mo.”
“Utang na loob, maawa ka sa nagagalit kong alaga,” nakangiwi niyang saad at pinalungkot pa ng husto ang hilatsa ng kaniyang mukha.
Yumakap pa nga siya sa'kin at idinikit ng husto ang nagngangalit niyang umbok sa ibabang bahagi ng katawan ko.
“Bakit kasi hindi ka pa uminom ng gamot kuya? Alam mo nang masakit ang puson mo, pero ayaw mong inuman ng gamot.” May panenermong wika ni Stefania.
“Heh, tumahimik ka riyan! Ikaw nga ang dahilan kung ba’t sumasakit ang puson ko!” sagot naman ni Stephen.
“Ano namang kinalaman ko sa pagsakit ng puson mo? Dapat kasi Kuya, ingatan mo parati ang iyong sarili. ‘Pag nalaman ni mama na binabalewala mo lang iyang sakit ng puson mo ay tiyak na magagalit iyon at sesermunan ka pa ng bongga.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o tatahimik na lang dahil sa mga sinabi ni Stefani, pero hindi ko rin napigilan ang aking sariling humagikhik.
“Pahirap!” sabi ni Stephen dahilan para lalong lumakas ang paghagikhik ko.
“Who is she?” Ilang beses kong ikinurap ang mga mata ko nang makita ang mukha ng lalaking nagsalita.
Ibinaling ko pa ang ulo ko kay Stephen at saka muling ibinalik sa lalaking nakatayo sa may b****a ng pintuan ang aking tingin. Kahit sino yatang tao ang unang titingin sa kanilang dalawa ay maaaring malito.
“Kuya Stanley!” Tumakbo si Stefania palapit sa lalaking tinawag. Mukhang malambing si Stefania sa bagong dating kumpara kay Stephen.
“Sino nagpaiyak sa iyo?” malamig ang boses na tanong ni Stanley kay Stefania.
Magkamukhang-magkamukha silang dalawa ni Stephen, pero mukhang sa ugali ay nagkakaiba naman sila. Jolly, makulit at maingay ang huli habang nakakatakot naman ang una.
“Si Kuya Stephen.” Iyon pa lang ang sinabi ni Stefania pero parang may giyera agad akong naramdaman sa paligid.
“Bakit ka may keycard ng unit ko?” malamig na tanong ni Stephen.
“Ibinigay mo.” Hindi man lang nasindak si Stanley sa kaniyang kapatid.
“Kailan ko ibinigay?” muling tanong ni Stephen.
“Kanina.” Humakbang siya palapit sa kinatatayuan ko.
“Kanina? Paanong kaninang ibinigay ko ang susi sa iyo?” pahisterikal na tanong ni Stephen.
“Ikaw ang dapat na magsusundo kay Stefania, hindi ba? Pero sinabihan mo akong sunduin siya kahit alam mong may meeting din ako na dadaluhan,” kalmadong tugon ni Stanley.
Natigilan si Stephen at nag-isip din siguro ng huli nilang pag-uusap na magkapatid.
“Hi!” bati sa’kin ni Stanley.
“H-hello.” Alanganing ngiti sa labi ang aking ipinaskil.
“Hmm... Marahil ikaw iyong girlfriend ng aking kakambal,” nakangiting wika nito.
“Kakambal?” namamanghang usal ko.
“Hindi ba niya sinabi?” Lumingon pa siya sa aking katabi.
“Huwag mo siyang takutin, Stanley!” May pagbabanta sa tinig ni Stephen.
“Tinatakot ko ba?” nakangising tugon nito.
“Tama na ang kalokohang ito. Iuwi mo na si Stefania at gagamutin ko pa ang masakit kong puson!” .
“Kuya Stanley isumbong mo nga iyan kay mama si Kuya Stephen, ayaw kasi niyang gamutin ang sakit ng puson niya,” sabad ni Stefania na nagpasamid sa’kin.
“Kaya pala mainit ang ulo ng kuya mo.” Natatawang ginulo ni Stanley ang buhok ni Stefania.
Akmang lalapitan pa sana ni Stephen ang kaniyang kakambal nang pigilin ko siya sa braso.
“Lalong sasakit iyang puson mo kapag patuloy kang nakipag-asaran sa iyong kapatid.” Pinandilatan ko pa siya ng mga mata ko.
“Yohooo!” Ang mokong akala mo nanalo ng jackpot sa sugal kung makahiyaw.
Kinapitan niya ang kanang kamay ko at hinila na ako patungo sa may pintuan.
“Saan tayo pupunta?” may pagtatakang tanong ko sa kaniya.
“Aalisin ang sakit ng puson ko!” sagot niya sabay kindat sa’kin.
“Narinig ko iyon ha!” saad naman ni Stanley na matiim pang tumitig sa aking mukha.
Paniguradong namumula na ang mga pisngi ko dahil sa kakaibang pagtitig na iginagawad sa’kin nito.
May bahid iyon nang pang-aasar at talaga namang nakaka-concious sa pakiramdam.
“Iuwi mo na si Stefania!” Iniharang ni Stephen ang kaniyang sariling katawan sa’kin kung kaya naitago ako niyon mula sa pagtitig ng kaniyang kapatid.