Hindi mabenta sa'kin ang mga biro ni Stephen, kaya sa tuwing nagbibiro siya ay hindi ako natutuwa. Kung hindi ko nga lang kinakailangang makiayon sa kaniyang mga biro para 'di naman ako masabihang KJ, hindi talaga ako tatawa na parang baliw rito sa tabi niya. Kaso ako lang talaga ang maiiba sa mga kasalo naming tuwang-tuwa sa mga biro niyang hindi ko malaman kung saan baul hinugot. Nagkukunwari na lang akong nakikinig sa kaniya kahit pa nga ang totoo ay ‘di naman talaga. "Sister in law, ba't ka may dala-dalang bag? Dapat iniwanan mo na iyan sa room mo para hindi ka mahirapang kumain," maarteng wika ni babaeng hipon. "Oo nga naman, Becky, kakain ka lang may dala-dala ka pang bag." Pailalim kong sinikmat ng masamang tingin si Stephen sabay baling sa mahaderang si babaeng hipon. Ano

