“Morning walk?” ‘di makapaniwalang tanong ni Stephen habang umiikot sa’king katawan para pagmasdan ang itsura ko mula ulo hanggang paa. Sa hilatsa ng kaniyang mukha ay tila hindi siya komportable sa suot kong kapirasong damit. Nakasuot ako ng sando croptop na sa sobrang iksi ay pwede nang lawayan ng ilang taong makakasalubong ko ang aking pusod. Maiksi rin ang suot kong cycling short na hulmang-hulma ang sukat sa’king pang-upo at hindi pa nga mahahalatang nakasuot ako ng panty. “Ano bang problema mo? Bakit mo ba ako sinusuri?” inis kong tanong nang mapansing nakatitig siya sa akin na para bang gusto niya na akong sakluban ng kumot. “Ang ibig mo bang sabihin ay sa labas tayo ng subdivision o rito lamang sa may bakuran ng bahay ninyo?” Hindi niya pinansin ang tanong ko, bagkus tinanon

