Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking telepono kung kaya dinukot ko iyon mula sa loob ng bulsa ko.
Pinindot ko ang screen at nabasa ko ang mensahe mula kay Randy.
“Narito na ako sa cafelod, nasa biyahe ka na ba? Should I save a seat for us?”
Sh*t! Bakit ko ba nakalimutang nag-text nga pala ako sa kaniya para makipagkita sa’kin ngayon.
“Becky.” Tinig ni mommy ang tumawag sa pangalan ko.
Saka ko lang napagtantong ang lahat ng mga taong naroroon sa ward ay pawang nakatingin na sa’kin.
“May problema ba?” tanong muli ni mommy.
“Mommy, pwede ba akong umalis sandali? Promise, babalik din kaagad ako!” Paalam ko sa ina.
“Saan ka na naman pupunta?” paasik na tanong sa’kin ni kuya.
“Sa Cafelod, meron lang akong taong kailangang kausapin doon.”
“Becky, you made promised!” Paalala ni kuya na pinandilatan pa ako ng kaniyang mga mata.
“I know, Kuya!” Humalik ako sa pisngi ni mommy at bumulong. “Promise, ito na ang huling pakikipagkita ko sa kaniya.”
Mapang-unawang tinugon ni mommy nang pagtango ang paalam ko. Puno ng ingat kong pinatakang muli ng halik ang kaniyang noo at saka tuluyang bumaba mula sa kama.
“Sasamahan kita!” Pagboboluntaryo ni Wendy.
Ngumiti ako sa kaniya sabay tango ng ulo ko. Kakailanganin ko talaga ng taong kakampi sa akin oras na hindi pumayag si Randy makipag-break up.
Nilapitan ko si Kuya Brent at niyakap ko siya. “Kainin mo ang nilagang ulam na pinaluto ko kay Wendy kung ayaw mong magalit ako sa iyo,” bulong ko pang banta.
Narinig ko ang mahinang pagpalatak niya, pero hindi naituloy pa ang kaniyang sasabihin nang umatras na ako palayo mula sa kaniya.
Nilampasan ko ng tingin si babaeng hipon nang mapadaan ako sa harapan nito.
Hindi ako nag-abalang magpaalam o tumango man lamang sa kaniya. Alam naman nitong bwìsit na bwisit ako sa kaniyang presensiya.
“I can be your driver if you want,” wika ni Stephen nang mapadaanan ako sa kaniyang harapan.
“No need!” masungit kong tugon sabay irap sa kaniya.
Isa rin mapang-asar ang loko. Feeling close kahit hindi naman kami close!
Dire-diretso akong naglakad patungo sa may pintuan at binuksan ko iyon upang tuluyang lumabas ng ward.
Naririnig ko ang bawat yabag ng mga hakbang ng paa namin ni Wendy na alam kong nakasunod sa akin.
“Bakit ba aligaga ka?” tanong sa’kin ni Wendy ng nasa labas na kami ng ospital.
Pinara ko ang taxing paparating at agad na kaming sumakay ni Wendy. Sinabi ko sa driver ang lugar kung saan niya kami ihahatid.
“I'm going to break up, Randy.” Kinuha ko ang telepono mula sa loob ng aking bulsa at tumipa ng mensahe para sa kaniya.
“Your f*cking boyfriend?” natatawang bulalas ni Wendy.
“My f*cking ‘EX’ boyfriend!” mariin ko namang tugon.
Naririnig ko ang kaniyang mahinang pagtawa hanggang sa maya-maya pa’y tuluyan na nga siyang humalakhak.
“Wendy, stop!” saway ko sa kaibigan.
“Kuntodo effort ka talagang puntahan siya para lang makipag-break up?” Muli siyang tumawa kaya hinampas ko ang isa niyang braso.
“Hindi ako nag-e-effort na puntahan siya para lang makipag-break up. May iba pa akong gustong gawin sa kaniya.” Lihim ko namang kinastigo ang aking sarili.
Ang totoo ay medyo nasaktan ang ego ko sa ginawang panloloko sa’kin ni Randy.
Hindi ko matanggap na ipinagpalit niya ako sa mataba at pangit na babae. Ang hindi ko pa matanggap ay bukod sa sexy ang katawan ko at mas magaling akong umindayog sa ibabaw ng kama, nagpasa siya ng sèx video nila kung saan sinabi niyang wala akong binatbat sa babaeng iyon!
“Dapat na ba akong kabahan sa inyong dalawa ng ex mo? Mukhang kakaiba ang pagkikitang ito e,” natatawang wika ni Wendy.
“Kapag hindi ka tumigil sa katatawa mo riyan, kabahan ka na talaga!” asik ko sa kaniya at tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
“Tsk! Pagkatapos ba ng break up ninyo ng ex mo ay hello wedding bells na rin ang kasunod niyon?” Pagpapatuloy lang ni Wendy na ‘di alintana ang simangot sa aking mukha.
“Duh!” Pinaikutan ko siya ng mga mata ko. “Hindi ko pakakasalan ang Stephen na ‘yon, no!”
“Pero wala ka namang mapagpipilian dahil kinakailangan mong sundin ang kagustuhan ng iyong ina,” hindi nagpapatalong tugon ni Wendy.
“Gagawa ako ng paraan na ‘di ‘yon matuloy. Kung kinakailangang lumuhod nang paulit-ulit sa harapan ni Stephen para lamang makumbinsi siyang huwag ituloy ang kasal naming dalawa ay gagawin ko,” seryoso kong tugon.
“Napakaseryoso mo naman! Para ka na tuloy si babaeng hipon,” humahagikhik na sabi ni Wendy.
Nakukunsuming itinampal ko ang palad sa’king noo sabay hilot-hilot niyon. Ayaw ko talagang magpakasal dahil ‘di pa ako handa sa buhay may-asawa.
Lalong hindi ko gustong magpakasal sa taong ‘di ko mahal. Ni hindi ko nga kilala ang pagkatao ni Stephen, kaya bakit ko ba kailangang umabot sa pagpapakasal agad sa kaniya?
“Galing-galingan mo na lang lumuhod sa harapan ni Stephen nang mapapayag mo siyang huwag kayong ikasal na dalawa.” Ang malakas na halakhak ni Wendy ang umingay sa buong paligid ng taxi.
Alam kong may berdeng kahulugan ang sinabi niyang iyon kung kaya kinurot ko siya ng pino sa kaniyang hita.
“Aray!” nakangiwi niyang reklamo.
“Puro ka kalokohan!” Pinandilatan ko siya ng mga mata ko.
Nahagip ng pansin ko ang pag-iling ng ulo ng driver. Halatang aliw na aliw siya sa mga naririnig mula sa amin ni Wendy, pero hindi lamang makasabat dahil sa hindi naman pupwede.
“Napakaswerte ni babaeng hipon dahil magiging parte na siya ng pamilya niyo.” Nahimigan ko ang inggit sa boses ni Wendy. “Iyong pangit niyang lahi ay may pag-asa nang malahian ng magaganda at gwapong anak. Napakaswerte talaga!”
“Bakit, pangit ka ba?” mapang-asar kong tanong sa’king kaibigan.
“Hindi no!” nanghahaba ang ngusong tugon niya.
“Iyon naman pala. So bakit kailangan mo pang maiinggit kay babaeng hipon e mas lamang ka nga sa kaniya kung tutuusin,” mataray kong sabi.
“Paano ako lalamang sa kaniya kung si Tita Beatrice mismo ang kakampi niya?”
“Tumitiklop ka kasi sa tuwing nariyan si Kuya Brent sa harapan mo.” Paninisi ko sa kaniya.
“Alam mo namang hate na hate ako ng kapatid mo dahil nga ako raw ang bad influence sa buhay mo,” nanghahaba ang ngusong tugon niya sa’kin.
“Bakit, hindi ba totoo?” Pinitik ko siya sa kaniyang noo gaya ng madalas gawin sa akin ni kuya.
“Oo nga no?” Sabay kaming nagtawanan at kapagkuwa'y sabay rin sumeryoso ng anyo nang harapin namin ang isa't isa.
“You’re my only bestfriend. Kaya nga ang kabaliwan mo ay suportado ko,” aniya.
Ginagap ko ang mga kamay ni Wendy saka masuyong pinisil. “Ikaw ang B.I at G.I sa buhay ko. Maraming salamat dahil kahit pangit ang mga binitiwang salita sa iyo nila Kuya Brent at mommy ay naririto ka pa rin sa tabi ko. Pinatunayan mong ‘di natin kailangang maging magkadugo para lang maging magkapatid tayo. No matter what happen, ikaw ang nag-iisa kong ate at matalik na kaibigan.”
Nakikita ko ang pinipigilan niyang mga luha na naiipon sa gilid ng kaniyang mga mata.
Maya-maya pa’y niyakap niya ako. “Bakit ba ang drama mo ngayon? Nakakainis!”
“Kailangan nating alisin si babaeng hipon sa buhay ni kuya. Iyon ang tanging paraan upang maging opisyal na tayong magkadugo!” Para akong mandirigma na itinataas ang nakatikom kong kanang kamao.
Naririnig ko pa nga ang paghagikhik ng driver, kaya napagtanto kong para akong engot sa aking inasta. Sa isip-isip siguro nito ay baliw kami ni Wendy na tumakas mula sa ospital ng mga baliw.
Sunod-sunod na irap ang iginawad ko sa kaibigan nang malingunan ko siyang tumatawa.
Kung nakakasugat lang iyon ay tiyak na kanina pa siya sugatan dahil sa ilang irap din ang ibinato ko sa kaniya.
Ang bruha imbes na damayan ako ay pinagtawanan pa ako. ‘Di ba niya alam na para rin sa kaniya ang mga nabuo kong plano? Bukod sa magiging literal ko siyang sister in law ay mapapasakaniya na rin si Kuya Brent ng buong-buo!
Wala ng babaeng hipon ang bubwìsit sa mga araw ko at magkakaroon din ako ng peace of mind.
Happy family na talaga!
“Masyado ka namang harsh sa gusto mong gawin kay babaeng hipon,” untag sa’kin ni Wendy.
Nginusuan ko siya bilang pagtugon sa kaniyang sinabi. Wala akong makitang mabuti sa bruhang hipon na iyon.
Puro nga kaartehan lang talaga niya ang madalas kong napapansin kaya naman wala rin akong kaamor-amor sa kaniya.
Kasalanan ko ba kung iyon lang talaga ang nakikita ko?
Bawasan kasi dapat ni babaeng hipon ang pagiging bida-bida para hindi ko siya ituring na bruha.