Chapter 16

1732 คำ
Nilingon ko si mommy nang marinig ko ang kaniyang pag-ubo. Agad ko pang hinawi si babaeng hipon para mapaalis sa tabi ng kama. “Mommy,” emosyonal kong usal nang makita ang kagagaling lamang sa sakit na aking ina. “B-Becky...” Hirap man ay tinugon pa rin nito ang pagtawag ko sa kaniya. “I’m sorry, Mommy!” Tuluyan na nga akong naging emosyonal at yumakap sa kaniya. “Huwag mo masyadong higpitan ang pagyakap kay mommy.” Bahagyang inilayo ako ni kuya sa aming ina. “Sorry.” Pinigilan ko naman ang sarili kong higpitan ang yakap sa aking ina at nakuntento na lamang sa pagpisil-pisil ng kaniyang kamay. “Nakikita ko ang labis na pag-aalala sa mga mukha ninyo kaya naman nahihiya tuloy akong magpakita ng kahinaan,” nakangiti nitong pahayag. “Don't say that, Mommy. Mas gusto kong malaman ang lahat ng mga nangyayari tungkol sa’yo lalo na’t tungkol sa iyong kalusugan.” Ginagap ko ang kaniyang mga kamay saka masuyong pinisil-pisil iyon. “Hindi man po ako naging mabuting anak ay ‘di naman ibig sabihin niyon na hindi kita mahal. Ikaw lang ang nag-iisa kong ina na hindi mapapalitan ng sinuman,” madamdamin ko pang pahayag. Naramdaman ko ang mga luha kong nag-uunahan sa pagbagsak. Tuluyan na ngang humulagpos ang kinikimkim kong emosyon. “I love you, Baby.” Ibinuka ni mommy ang kaniyang mga braso para yakapin ako. Akmang yayakapin ko na sana siya nang pigilin ako ni kuya. “Hey, ina ko rin si mommy.” “Inggetero!” nakaingos kong bwelta kay kuya. Inikutan ko pa siya ng mga mata ko dahil sa kaniyang ginawa. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni mommy na naging dahilan nang paggaan ng kalooban ko. Sabay naming niyakap si mommy na parang kagaya lamang noon mga panahong maliliit pa kami. “Hindi ako pwedeng mamatay dahil ayaw kong makita kayong dalawa mula roon sa langit na parehong nalulungkot ng dahil lamang sa’kin.” Kinilabutan ako sa narinig na sinabing iyon ng aking ina. “H’wag mong sabihin ’yan, mommy, dahil hindi ko kayang mawala ka!” paangil kong turan. “Hindi ka pa talaga pwedeng mamatay dahil maglalaro kayo ng mga apo mo.” Kung wala siguro kami sa sitwasyong ito ay iisipin kong baliw na ko. Naiisipan ko nang sabihin sa kaniya ang mga bagay na alam ko namang imposible. Apo? Sino magbibigay ng apo kay mommy kung wala pa sa aming ikinakasal ni kuya? Bigla akong nawindang sa paghawi sa akin ni babaeng hipon dahilan para muli kong maalala na may ibang tao nga pala kaming kasama rito sa loob ng ward. “Hello, Mom!” Lumapit at yumukod siya sa’king ina para humalik sa pisngi nito. Narinig ko ang mahinang pagpalatak ni kuya na alam kong hindi rin nagustuhan ang maarteng pagbati ni babaeng hipon. “Kakaiba talaga siya!” Nilingon ko naman ang naiiling na si Wendy habang titig na titig sa gawi namin lalo na sa kaniyang karibal na walang iba kundi si babaeng hipon. Nginitian ko si Wendy ng ubod tamis para pakalmahin. Baka bigla kasi siyang toyoin at magulat na lang kami na nasa sahig na si Amy, nakahandusay! May pagkabida-bida rin kasi si babaeng hipon. Dinaig pa iyong malaking bubuyog sa commercial kung magpabida. Marahil kung naisipan niya lang maging artista, tiyak na kasali siya roon. Napangiwi ako nang maglaro sa aking imahinasyon ang itsura ni babaeng hipon habang suot-suot ang costume ng malaking bubuyog. “Magpagaling ka na para matuloy na rin ang kasal namin ni Brent.” Hindi ko alam kung bakit, pero parang sa pandinig ko ay napakawalang modo ni Amy kung makipag-usap sa’king ina. O baka naman sadyang namali lang ako ng dinig lalo’t hindi ko talaga siya gustong pakinggan. Bruha kasi siya! Nilingon ko si Kuya Brent na siyang tumikhim. “Marami pa namang ibang araw para pag-usapan ang tungkol sa araw ng kasal.” Lihim akong napangiti nang makita ang pasimpleng pagngiwi ng mukha ni kuya na alam kong ayaw na ayaw sa topic na inuungkat ni babaeng hipon. “Oo nga naman!” Bumaling ako sa may gawi ni Wendy at kinindatan ko siya. “Sa mga susunod na araw ninyo pag-usapan ang tungkol sa kasalan. Ang mahalaga sa araw na ‘to ay gumaling si mommy.” “Tama! Kailangan munang magpagaling ni Tita!” segunda naman ni Wendy. “Alam mo ba, Mommy, nagluto si Wendy ng nilaga para sa iyo. ‘Di ba paborito mo ang ulam na iyon?” Tumingin ako sa’king ina na mataman nag-oobserba sa amin. Sa palagay ko’y alam niya rin ang mga nangyayari dahil sa tahimik lang siya sa mga oras na nagpapalitan kami ng mga salita. “Mommy?” tawag ko sa aking ina. Ngumiti si mommy at ibinuka ang kaniyang mga braso tanda na gustong yakapin ako. Kung pa’no ako hinawi ni babaeng hipon ay ganoon ko rin siya hinawi paalis sa tabi ng aking ina. Subukan niya lang pumalag at ako ang maghahandusay sa kaniya sa sahig! “Becky.” Nadama ko ang paghagod ng palad ni mommy sa’king mga kamay nang makalapit na ako sa kaniya. “Mommy...” Umupo ako sa kaniyang tabi at isiniksik ang sariling katawan ko sa kaniyang katawan. ”Baby, gusto ko sanang sa bahay ka na uuwi at ng hindi mo na kinakailangang umupa pa ng apartment. Gusto ko sana na ‘wag ka nang pumasok pa sa trabaho mong hindi ka naman pinasasahuran ng tama. Alam kong ginagawa mo lang iyon para may mapatunayan sa’kin, pero ‘di mo na kailangan gawin.” Hinagod-hagod ni mommy ang buhok ko. “Sapat na ang mga nasaksihan kong paghihirap mo.” “M-mommy...” emosyonal kong wika. “Kung gusto mo pa, baby, sa bahay na rin natin si Wendy titira.” Pagpapatuloy pa ng aking ina sa kaniyang salaysay. “Talaga, Tita?!” tuwang-tuwang tanong ni Wendy na alam kong nagustuhan ang sinabing iyon ni mommy. Siyempre mapapalapit siya kay Kuya Brent! “Of course, Wendy! Noon pa ma’y bukas na ang bahay namin para sa iyo,” tugon naman ni mommy. “Mom...” Humarang sa harapan ko si babaeng hipon at halata ang disgusto sa kaniyang mukha. “Hindi na yata tamang doon titira ang babaeng iyan gayong si Brent ay naroon din umuuwi.” Tumuro pa ang isa niyang daliri kay Wendy. “Sandali nga!” Tinabig ko ang daliri ni Amy na nakaduro pa rin sa kaibigan ko. “Ano namang kinalaman nang pagtira ni Wendy kay Kuya Brent?” “Lalaki ang kuya mo, babae siya!” maarte niya namang tugon. “For your information, babae rin ako!” Kumalas na muna ako mula sa pagyakap sa’kin ni mommy. “Kung tumira man sa amin si Wendy ay wala akong nakikitang problema. Bukod sa marami namang bakanteng kwarto ang bahay ay naroroon din naman ako at si mommy.” “But this is unfair to me!” nagmamaktol na bulalas ni babaeng hipon. “Bakit naman magiging unfair iyon sa iyo?” mataray kong tanong at tinikwasan ko siya ng isang kilay ko. Ang pangit na nga ng mukha ni babaeng hipon ay lalo pang pumangit sa paningin ko dahil sa kaniyang pagsimangot at pag-iinarte. Pwera gaba! “Gusto mo rin bang tumira sa bahay, Amy?” tanong ni mommy na nagpalaki ng mga mata ko. “No!” sabay-sabay pa naming sagot nina Kuya Brent at Wendy. Nagkatinginan pa sina Wendy at Kuya Brent saka kapagkuwa'y magkasabay rin iniwasan ang isa't isa. “Yes!” matining ang boses na tugon ni Amy. Halatang excited sa imbitasyon ni mommy ang bruha dahil kitang-kita sa kislap ng kaniyang mga mata. Pa’no ko matatagalan ang bruhang hipon na ‘to sa bahay kung do'n din siya titira? “Sa palagay ko, hindi na po ako titira sa inyo, Tita.” Nilingon ko si Wendy saka pinandilatan ng aking mga mata. Ipinababatid ko sa kaniyang ayusin ang sinabi niya at hindi siya ang dapat na sumusuko sa laban lalo na kung ang kalaban ay isang babaeng hipon. “Kung gusto mo, Tita, pwede rin akong tumira sa inyo para masamahan ko na rin si Brent at makilala ko ng husto si Becky.” Mula kay Wendy, dahan-dahang nabaling ang tingin ko kay Stephen na saka ko pa lang din naalalang naroroon nga pala kung hindi siya nagsalita. “Hindi ka pwedeng tumira sa bahay!” masungit kong sabi. “Good idea, Iho!” Si mommy na siyang nagsalita. Nakita ko ang naglalarong ngiti mula sa labi ni Stephen at tila sinasabi niyon sa akin na hindi ako magwawagi sa kaniya. “Mukhang ayaw po yata ni Becky, Tita.” Ang loko-lokong lalaki ay pinalungkot pa ang hilatsa ng kaniyang mukha na akala mo talaga'y totoo. “Don’t worry about her,” saad ni mommy. “Mainam iyong sa bahay na kayo tumira lahat at ng sa gano’n ay may makasama kami nina Brent at Becky. Mas maraming tao sa bahay ay mas masaya.” Parang gusto ko na lang maglayas ulit! Nakukunsuming tumingin ako kay Kuya Brent na nahuli kong lihim na nakatitig kay Wendy. Bigla kong naalala ang pinaplano ko para sa kanilang dalawa, pero mauunsiyami pa yata dahil kila babaeng hipon at Stephen. Nalintikan na! Matalim ang mga matang sinalubong ko ang tingin ni Stephen at gano'n na lang ang pagngitngit ng kalooban ko dahil sa kinindatan niya ako. Pakiramdam ko tuloy ay inaasar niya talaga ako dahil alam niyang hindi ko kayang kontrahin si mommy sa mga desisyon nito, lalo pa’t maysakit. “Mom, uuwi na ako sa bahay namin at nang maiempake ko na ang mga gamit kong bibitbitin palipat sa bahay ninyo.” Feel na feel lang ni babaeng hipon ang pagsasabi niyon. Napakaarte talaga niya at ang sarap ipapalit doon sa malaking bubuyog na bida sa mga bata. Kaya lang mukhang hindi matutuwa sa kaniya ang mga iyon! Subukan ko na lang kayang buhusan ng asido ang mukha niya para kahit paano ay mabawasan ang kakumpiyansahan sa kaniyang sarili? “Becky, behave.” Nginusuan ko si Kuya Brent nang sawayin ako nito. Kapag ako talaga ang may naiisip gawin na kalokohan ay kuntodo bantay siya sa akin. Bakit, deserve rin naman ni babaeng hipon ang mapatikim paminsan-minsan ng sapak, ‘di ba? Bakit ipinagbabawal sa’kin ni kuya na gawin iyon? Wala tuloy thrill ang araw ko!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม